OBP 11 - Walk out again?!

2759 Words
OBP 11 JEMIMAH Ayaw matulog ni Juno sa kwarto. She wants to sleep in the garden shed. What Juno wants, Juno gets. Pina-set up ko ang inflatable sofa bed para komportable naman siya. Si Louise na lang ang hindi natutulog. "And you Little girl? Hindi ka ba matutulog?" Baling ko kay Louise. "Tulog na kambal mo. Matulog ka na rin." "Where? No More space Tita." Nakasimangot nitong sagot. "And hindi ako little Girl. Mag-ten years old na ako." Taglay niya ang kasungitan ni Ate JM. Tsk. Wala na ngang space for her. Sa inflatable bed kasi hindi maayos ang higa ng mga bata at ni Dana. Yes! Pagkakita sa bed siya talaga ang unang humiga. Umunan sa magkabilang braso nia ang magkapatid. Hindi naman kalaunan, si Louie natulog sa paanan. Pero sa likot niya nakaunan na siya sa binti ni Dana. Gusto na rin siguro talagang humiga ni Louise. Siya na ang nag-usod sa kambal niya para makahiga siya. Bakit kasi gusto ng siksikan. Ang mga batang 'to talaga. Buti na lang absent 'yong iba. Haha. Kung nandito lahat ng chikiting ng barkada ni Ate JM. Riot to sigurado. And I'd ask for a higher payment siyempre. "Kawawa naman si Danababe oh." Sabi ni Ella pagkatapos kumuha ng picture. "Kung ipost ko kaya sa MZUmazing yong picture niyo kanina. Sabog notifs. Mamatey mga inggit!" saka ito tuwa. "Uhhhh. Angcute-cute niyo talaga. Look. Kakakilig." Pang-ilang pakita na niya sa akin. Hindi ko gets kung anong cute. "Anong nakakakilig diyan?" "Tsk. KJ mo Jemimah." Iiling-iling niyang nilapag ang phone sa mesa. "Hindi makita ang spark. You know? Spark?" pumalakpak pa siya. "Spark ng kilig. Spark ng possibilities. Spark ng love at first kiss..as a friend. Hahaha!" Hindi ko na siya pinansin. Inabala ko na lang ang sarili ko sa phone. Ganun din naman siya. Maya't-maya may sasabihin pero balik ulit sa phone. "Ah Jem, next year pupunta na akong K.U." Napatingin ako sa kanya. "Sure ka na diyan?" She nodded. "Sure na sure ako." Kingfisher University ang tinutukoy niya. Staying in K.U is a tradition of our family and Brightside. Two years mag-i-stay sa university na 'yon to test your surviving skills. Mas malala sa Mhie Zhou dahil galing sa iba-ibang bansa ang mga elite na enrollees doon. Pagkauwi mo daw ng Pilipinas ibang-iba na ang pagkatao mo. Tougher, wiser and more clever. Ayon lang naman yan sa mga kwento ng mga pinsan ko. I don't know if it's true. Anyway, noon, it's an exclusive thing for Reyesses. Either a family member or yung boyfriend/girlfriend ng Reyes. Pero ngayon, open na rin para sa mga magpapa-enlist sa Brightside security, just like Ella. "Hindi mo naman kailangang i-fulfill ang last wish ng Lolo mo. Why enlist in Brightside? You know naman ang danger dun." "It's my calling Jem. Kaya nga ako nagpapakabihasa sa programming and stuffs e. Someday magwo-work ako sa headquarters ng Brightside. Ako ang maglo-locate ng mga kinaroroonan ninyo kapag naglayas kayo. Hahaha!" "Baliw ka talaga. Seriously, Pag-isipan mong maigi." She's the granddaughter of a Brightside Agent. Isa sa mga agents na loyal sa Lolo namin. Maaga siyang naulila. She is known to the public as Ella Santos and Sela's cousin. They're best of friends. She's Sela's go to person eversince. Hay. Alam naman niya ang kapalit ng pagpapa-enlist sa Brightside, bakit gusto pa rin niya. Hay! "Si Dana kaya..." sambit nito. "Hmm? Anong si Dana?" "Ginamitan ko ng hacking skills ko si Danababe." Sabi nito na may pagmuestra pa ng pagta-type sa imaginary keyboard. "Ang look what I found!" Inabot niya sa akin ang phone niya. God! Lolo ni Dana si Michael Ermino. He died because of Ate Jaifer. There was once an event na binigyan ng tribute ang mga naunang agents ng Brightside. I was lucky to attend plus nagpakwento din ako kay Ate Jai kung totoo 'yon. Sobrang nakakahanga! He was known as Brightside's Dark Angel. She even mentioned na mentor siya ng ibang high rank agents ngayon. Napatingin ako kay Ella. "And? Anong nakaka-amazed dito? May hunch naman na ako dito dahil sa kwento ni Ate Jai." "Scroll down..." Ginawa ko naman. This couldn't be possible! Hindi ako makapaniwala! "Same reaction when I saw the files." Sabi ni Ella. "Confidential files yan. Anggaling ko no?" It's a report about the kidnapping incident involving Ate Mika and her friends. Maraming agents ang namatay at isa dun si Gavreel Ermino. He's Dana's father. He used the alias Fallen Angel. Why not? Gavreel in an angel's name. "Ang mga naulila ng mga agents ay binigyan ng lifetime assistance. Specially sa scholarship. That includes Dana and Gia." She stated. "Teka. What about Gia?" "Kasamahan din nila ang Papa niya. Check mo ang next page." Raphael De Dios. May mga pictures dito na kasama niya ang papa ni Dana sa trainings. Mukhang malapit silang magkaibigan. There's even a picture na nasa Kingfisher University sila. Yung year was when Ate Liam was enrolled in K.U. Maybe to keep an eye on Ate Liam. "And as I keep on digging infos, nalaman kong ipapatawag ang mga anak ng Fallen Heroes. I don't know kung kailan at kung bakit." Nilabas niya ang card na binigay sa kanya ng Lolo niya. "Remember this? I think meron din sina Dana nito. It is used to track them. Para ma-secure din sila. The given security to them is almost the same as you guys." "Bakit? What could be the reason?" "Dalawa lang 'yan. Sincerely tumatanaw ng utang na loob ang mga elders ninyo or they will replace the fallen heroes someday." Napabuntong-hininga si Ella. "Kaya hindi kataka-taka na astigin sila e. Marunong ng self-defense. Black belter sila pareho sa taekwondo. May training rin sa arnis. Alam mo 'yon? It runs in the blood. Siguradong sponsored ng Brightside ang mga trainings nila without them knowing." Naalala ko ang sinabi ni Maam Celeste na gustong magpa-enlist ni Gia sa Brightside. "Do you think alam ni Dana?" Umiling siya. "I don't think so. Takang-taka nga siya sa mga agent sa Campus. She even made fun of them 'di ba. Pero in time siguradong malalaman din naman niya." "Ano kaya ang magiging reaction niya." Binalik ko na ang phone niya. "Cool kids. Her father must be proud of her." "Ikaw Jem? How would you react if she'll join Brightside?" "Huh? Bakit napunta sa akin? Kung ikaw nga, ayaw kitang mag-enlist kasi delikado. Siyempre ganun din sa kanya. It's like one of your feet is buried in grave kung magpapa-enlist siya. Same with Gia. Mga kaibigan ko kayo. Ayokong malagay kayo sa panganib." --- Hyper na ulit ang mga bata. Naka-recharge na e. Meanwhile, Dana is whining about her arms. Malamang! Nangalay iyan hindi ba naman niya maigalaw dahil sa mga bata. Then I remembered last night. Oh God! May kasalanan din ako diyan. But I admit, I felt secured last night. Kahit hindi pa naman ganun katagal na magkakilala kami. There's this trust that I have in her. Instinct, I guess. "Si Ella?" "Nasa basketball court. Kasama nng kambal." Sa may backyard lang ang basketball court. Susunod rin kami doon after pakainin ang magkapatid. Tulala pa si Jayden. Ganyan yan kapag bagong gising. Actually, tulala silang tatlo! Haha! Nakatitig lang sa nakahaing pagkain. What on earth is happening?! Ang meryendang inihanda ni Manang Isip ay burger at fries. Masarap naman pero itong tatlo sa harapan ko may oras pang tumunganga talaga. "Aren't you going to try the burger? Masarap yan." Oh My God! Synchronized pa silang tinanggal ang patty. Saka kinain ang tinapay. Pero mas mahaba pa rin ang zoning out moments nila. I thought dahil bata pa ang magkapatid kaya madalas tulala sila pagkagising pero this time na na-witness ko with Dana. Feeling ko it's in the blood. Hayaan na nga. Akala ko hindi nila kakainin ang patty. Papapakin pala nila. Kalahati lang ang nakain ng mga bata. Nilagay nila sa plate ni Dana kaya siya na ang umubos. "You okay? Hindi maganda ang gising?" "Huh?" napatingin siya sa akin. "Hindi. May naalala lang." "Mind sharing?" "Na-miss ko matulog na may katabi." Natawa ito sa sinabi niya. "Lam mo kasi sa probinsya katabi ko si nanay. O kapag kena Gia ako natutulog magkatabi kami. Tapos heto mga bata kanina." "How about last night?" out of nowhere kong naitanong. What? Just got curious. "Hindi." Napakamot siya sa ulo niya. "Nanibago akong may ibang nakayakap sa akin. Pero okay lang. nanibago ka rin siguro na payat ang stuff toy na yakap mo." Gusto kong magalit? Sana nagsinungaling na lang siya. Imagine mahimbing siyang nakatulong kahit nangawit ang braso niya sa magkapatid tapos sa akin hindi? God! Dana! Hindi nakakatuwa ha. "Siguro next time. Makakatulog na ako nang mahimbing." "There's no more next time." --- After a tiring day with the kids, movie time naman sa magkaibang kwarto. Ang kambal kasi gusto ng scifi. Itong magkapatid gusto Disney. Hindi sila magkasundo kaya hiwalay na lang ng rooms. Sa room na nina Juno kami nanonood. Nakaupo kami sa sahig. Nakasandal sa kama. Smallfoot ang pinapanood namin. Memorized ko na rin 'to. Ilang beses na naming napanood ni Juno e. Favorite movie niya kasi. Dana is yawning like hell! Haha! Hindi siya makareklamo kasi siguradong magta-tantrus 'tong dalawa. It's really a torture to watch kids' movies minsan. I remembered almost three hours Coco melon videos nung bata-bata pa ang mga 'to. "Popcorn Tita Ma,"said Juno. "Cheese please." "And drinks!" masiglang sabi ni Jayden. "Ate Dana, yogurt please." Bumaba si Dana para kumuha ng foods. Kumandong sa akin si Juno. "Sleepy na?" She shook her head no. "sakit puwet ko sa floor." Hehe. Cutie baby talaga! "Tita Ma, tabi-tabi tayo sleep maya." "Oo naman. Kaysa tayong apat. Seksi Tita e." Hindi na naubos ng mga bata ang foods nila. Nakatulog na sila nang hindi natatapos ang movie. "Hay. Natapos din ang pagiging yaya." Nag-inat si Dana pagkatapos kumutan ang dalawa. "Pwede na akong manood ng gusto kong movie?" "Hindi ka pa inaantok?" Umiling siya. "Pakahaba ng tulog ko kanina. Manonood muna ako. Gusto mo ng foods pa? Kuha lang ako sa ibaba." Niligpit ko muna ang mga pinagkainan namin. Nilagay ko sa gilid. Inayos ko na rin ang space namin ni Dana sa kama. Papagitnaan namin ang mga bata baka mahulog e. She brought the lumpiyang shanghai, fries and iced cold soda. "Favorite mo daw 'yan sabi ni Manang Ising. Shanghai killer ka pala." "Oh bakit? May problema ka dun?" "Wala. Sinasabi ko lang. Ikaw may mapansin lang sa'yo. Feeling mo may problema na agad sa personality mo. Chill ka nga Mimah. Nakakatanda ang overthinking." The Flash series ang pinapanood namin. Naubos ko na 'yong sampung shanghai. Nakaantok talaga pag sobrang busog. Nakailang hibak na rin ako e. "Dana, antok na ako." "E huwag ka pang matulog. Maaga pa." "Anong maaga pa? Mag-1:00 na." "Last na 'to. Onting-onti na lang. Ten minutes" Bahala na nga. Baka isipin niya hindi ko man lang siya samahan. Sumandal ko sa may kamay. Siguro naman konting pagpikit hindi na masama. Nagmulat na ako. Tapos na siguro ang episode. Huh? Si Juno na ang kaharap ko?! Nakadantay ang palad niya sa pisngi ko. The last time I remember nanonood kami ng movie. Napaupo ako. Nasa kabilang dulo si Dana, nakayakap sa kanya si Jayden. God! Nakatulugan ko na nang tuluyan ang panonood namin! Nakakahiya! --- Our Sunday was just the same makulit at nakakapagod na pagbabantay ng mga bata. Hinayaan ko lang si Dana na mag-extend ng tulog hanggang 9:00. She deserved a tulog. A mahabang tulog! Bandang 2:00 nang dumating sina Ate Zai. Tulog ulit si Dana. I wonder kung hindi nanakit ang likod niya. Or baka ramdam na rin ng katawan niya ang fatigue kaya takaw tulog siya. "Nag-ipon ba siya ng tulog?" asked Ate Zai. "De ikaw ang kinulit ng mga bata?" "Sort of. Pero okay lang. Bukas e pagod na naman siya sa work-school-training." "She should stop working. Dapat e nagpapahinga na lang siya. Nga pala, nakita namin si Sherwin kanina. Hindi ba kayo nag-uusap? Kinakamusta ka e." Natigilan ako bigla. Nandito na pala siya? Since when?! "So I guess that's yes?" said Ate Zai. "Magpakumbaba na Mimah kung kinakailangan. Baka naman misunderstanding lang ang lahat." --- Umalis na sina Ate JM at mga bata. Kami ni Ella naman pinatawag ni Ate Zai sa mini office. Bakit parang hindi nakakatuwa ang mangyayari? Nagsisikuan kami ni Ella habang si Ate Zai naman ay may tina-type sa laptop. Pagkapakita nito sa amin ay napakatakip ng mukha si Ella. "So Ella? Anong masasabi mo dito?" History 'yon ng paghack ni Ella sa system ng Brightside! Haha! Akala niya lusot na siya. Kitang-kita ang mukha ni Ella e. haha! God! "Sorry. Na-curious lang talaga ko Ate. Kasi ang-cool nina Dana at Gia." Bumuntong hininga si Ate Zai. "Alam niyo ba ang pakiramdam na malaman mo kung sino ang dahilan ng pagkamatay ng magulang mo?" Napayuko si Ella. "Si Dana hindi niya halos nakasama ang Papa niya. We had the same experience. Ayokong malungkot o magtanim ng sama ng loob si Dana sa mga pinsan ninyo. Same as the other families. Do you get me?" "Pero malalaman pa rin niya. Sooner than later." Sagot ni Ella. "Ipapatawag ang mga anak ng Fallen heroes. Baka isasailalim din sila sa training." Ella! Dapat hindi ka na sumasagot. Tsk! Nakakatakot na ang aura ni Ate Zai e. "Ang point ko dito ay hindi mo dapat hina-hack ang system ng Brightside dahil baka magleak ang mga information ng ibang agents." Kalmado pero ramdam mo 'yong disappointment ni Ate. "Sure Dana can understand. Pero paano ang iba? Kaya nga itinago ang dahilan ng pagkamatay ng mga agents e. To prevent hatred from their family." "Sorry po. Hindi na ako uulit." "Leave your phone. Papalitan ni Vio. And please huwag kayong magbabanggit kay Dana ng tungkol dito. It's not your story to tell." --- Kompleto na ulit kami sa bahay pagkauwi namin. Nagsasayaw sina Gabb at Coleen. Si Ate Abby nasa harap ng laptop. Seems like she's not in the mood, again. Nginuso ko siya kay Gabb. Nagkibit-balikat lang ito. "Kanina pa 'yan ganyan." Patuloy lang sila sa pagsayaw. "Hay kapagod maging yaya!" naupo si Dana sa tabi ni Ate Abby. "Uy! Si Sela 'yan ah! Ganda niya naman. Bakit mo ine-edit?" "Para sa company ad." "Oh nice... Pogi naman ng partner niya. Sino 'yan? Mimah! Dali pogi e." she taps the space beside here. "Site mo to. Pogi ng partner ni Sela." Nagpunta naman sa kabilang gilid sina Gabb at Coleen. "Anong pogi diyan. May putok na naman yan." Sabi ni Ate Abby. "Pogi nga." Said Coleen. "Kilala ko 'yan e! Uy sa Mamuru yan diba? Yung hunk-hunk ng swimming team. Si Broddy." "s**t! Ampogi!" kilig na sabi ni Dana. "Naku, boyfie material. Mukhang gentleman pa. may behind the scenes ba yan? Patingin!" Binuksan ni Ate Abby ang Behind the Scenes ng ad. Mayroon 'yong nagkukwentuhan at kulitan sila ni Sela. "Grabe teh! Yung titig ni Broddy." Komento ni Dana na naman. "Nakakatunaw naman." Biglang sinara ni ate Abby ang laptop. "Paano ko matatapos to kung panay ingay niyo. Trip na trip niyo ang maskuladong 'yon e. may putok na naman." Natahimik kami nang mag-walk out siya. Binalibag pa niya ang pinto ng kwarto niya. "Problema nun?" pagtataka ni Coleen. Pumwesto na si Coleen sa kabilang upuan. Ganun din si Gabb na sa sahig naman nag-squat. Tutok na kami sa mga phones namin. Napahagikhik si Dana. "Si Ate Abby in-denial. Haha! Pero impirnes naman kasi pogi nung Broddy. Parang ipaglalaban ka ng mga biceps niya." "Mamamatay ka naman sa putok." Hiniram ko ang phone ni Gabb para makalog-in sa twitter. Trending ang pictures nina Sela at Broddy. May mga edited pics and vids pa. Itong katabi ko nakikisilip para sa screen ng phone. "Oh? Kitams. Bagay! Pogi at maganda! Naol Sela." "Know what? Hindi ka nakakatuwa. Stop it. Nakakairita ka. Paulit-ulit na yang pogi siya." Like okay lang naman mag-admire ng isang tao pero 'yung paulit-ulit na? It's annoying. Nagba-browse na nga siya sa socmed ni Broddy gamit ang phone niya makikisilip pa siya sa pagbabrowse ko? Natawa si Gabb. "Sounds like a jealous girlfriend." Biglang umakbay sa akin si Dana. "Ashushu naman. Huwag selos. Ikaw pa rin pinakapogi sa mga mata ko." Panggagatong pa niya sa trip ni Gabb. Pinalo ko nga ang braso niya. "Cut it out. Hindi ako pogi okay?! Hindi ako tomboy! Magsama nga kayo ni Gabb." Tawa lang sila nang tawa na nag-walk out ako. Gabb is really a bully. Dadagdag pa 'tong si Dana. Ang pasensya ko talaga umiikli! # ---
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD