OBP 12
DANA
Wednesday duty! Nakatambay ulit sa favorite space niya si Mimah.
"Lam mo ba kahit hindi natambay si Young Lady hindi pinapagamit ni Manager ang table niya." Sabi ni Cindy. "Baka daw biglang dumating e. haha! Shokot ang Lolo natin."
"Nag-iingat lang siguro. Baka biglang magtransform sa dragon si Jemimah e."
"Uy nung isang araw may naghahanap sa kanya ditey. Pogi sis. As is napakapogi." Kinikilig nitong kwento. "Chinito sis, tangos ilong, kpop sis..."
"Oh? Gaano ka-pogi 'yan?"
"Ganyan ka-pogi. Siya yun sis!" ngumuso siya sa may pintuan.
May pumasok na lalaki. Same-same sa pagdescribe niya. Deretso ito sa second floor.
"Sis, feeling ko may something. Tinanong ko kasi kay Manager kong knows niya. Googleable sis. Check mo oh. Konti naman customers. Magselpon ka muna."
Sherwin Alejandro. Maraming pictures nila ni Jemimah ang lumabas sa google. Oo nga parang may something. May kasama rin ang parents ni Mimah. What's this Jemimah Reyes? Is this lovelife? Haha! May holding hands din! Aba naman! Ahw! May mga pictures dito sa café. Aha! Kaya siguro madalas tumambay si Jemimah dito. Hmmm. Interesting.
"Ahem." Nilapag ko agad ang phone ni Cindy. Si Manager kasi nagulat ako. Huli pero hindi kulong! Haha. "Dalhin mo to sa table ni Jemimah." Two slices ng blueberry cheesecake at isang pitsel ng tubig. May note na nilagay nilagay si Manager. "Ibigay mo rin ito sa kanya."
Sus. Baka fan siya ng labteam nila. Haha! Fan boy manager. Kilig siguro siya. Aba kung ako din naman nakakakilig ang mga pictures nila paano pa pag personal 'di ba?
Uhm. Nasa second floor na ako. Napatingin sila sa akin. Angsungit na naman nitong si Jemimah. Pagilid na naman yung tingin e. My God! Judger ba ako kung isipin kong may LQ sila? Hehe. Pagkalapag ko ng tray ay inabot ko sa kanya ang note. Binasa niya ito habang nilalagay ang mga orders sa mesa.
"Enjoy your meal po."
"Thank you." Sabi nitong si Sherwin. Clear skin si Koya! My god. Inggit ako! Ganda ng ngiti e.
Babalik na ako sana ako sa station ko pero nahawakan ako ni Jemimah sa kanang kamay.
"Stay. "
"Huh?"
Yung Jemimah na nakikita ko ngayon ay ganun sa Jemimah na una ko siyang nakita dito. Parang kapag kokontrahin mo e bibilhin ang buhay mo at gagawin niyang miserable. Grr! Katakot. Magkasama pa naman kami sa iisang bahay baka magiging hanging amihan na naman ako kapag kinontra ko pa ang gusto niya.
Kumuha ako ng isa pang upuan. Naupo ako sa tabi niya. Nahihiya tuloy ako dito kay koya. Dapat moment nila e. chaperon ang peg ko. Hay naku nemen. Strict ang parents Jem? Haha.
Binalutan niya ng tissue ang drinks niya saka binigay sa akin. "Hindi ka nagdala ng drinks mo. Bakit cake lang?"
Ha? E ewan kay Manager. Inutusan lang akong magdala ng foods dito e. Parang confused si Koya. Don't worry. Ako din!
"So, explain. Why are you looking for me? Parang angtagal na rin nun. One year? Tama?"
"Dahil na-miss kita."
Nauutal si koya. Pero infairness straight to the point! Hihi. Magiging star witness pa yata ako ng moments nila. Dapat popcorn ang foods dito. Haha!
"I see. So you missed me after ghosting the hell out me? Come on Sherwin. You can do better than that. Tell me every detail. Lahat ng getting to know stage niyo ni Shelby."
Namumutla si Koya.
"You think hindi ko malalaman?!" napalakas nang boses ni Mimah.
"Planado nila ang mga nangyari Jem. Ang mga magulang mo. Ang babaeng yon. Pinadala ako sa Japan para paghiwalayin tayo."
"Huwag na huwag mong isisisi sa iba ang karupukan mo." Sumbat ni Mimah.
Teka! Bumibigat ang eksena ah. Na-istatwa ako sa kinauupuan ko. Grabe! Hindi ko kinakaya!
"Buti na maaga kong nalaman ang ugali mo e. I could have commit myself with a worthless person."
"Please patawarin mo ako Jem." Nag-lend forward si Sherwin. Sinubukan niyang hawakan ang kamay ni Mimah pero winaksi lang niya ito. "Sorry. Babawi ako. Susuyuin ko ulit ang parents mo. Ikaw. Mga kaibigan mo."
"No need. Wala ka nang magagwa. You've ruined everything. Wala na akong tiwala sa'yo. Umalis ka na sa harapan ko."
Mangiyak-ngiyak na umalis si Sherwing. Nabubulunan ako sa eksena! Naubos ko na ang milktea. Jusko po!
"Mimah kawawa 'yon tao. Hindi mo man lang pinagpaliwanag nang maayos."
"For what? Lumandi siya. Problema na niya 'yon."
Humalukipkip ito. Pero maya-maya tumulo na ang mga luha niya. Tsk! Tulak ng bibig, kabig ng dibdib naman pala 'to e! Aaluin ko ba siya o hahayaan ko lang umiyak? Hay!
"Tanggap naman siya ng parents ko e. Nagkaroon ng opportunity para sa kanya. Scholarship sa Japan. Okay pa naman kami. Nag-aadjust kami pareho sa time. Then he met someone. Exchange student from Mamuru."
At gaya ng ibang storya ng third party. Nag-fail sila dahil sa malanding babae at nagpalanding lalaki. Hay buhay!
"Ofcourse naisip ko lang may kinalaman sina Mama sa scholarship. Pero 'di ba choice niya yung kung magcheat siya? If he loves me hindi siya magpapalandi sa iba."
"Yaan mo na 'yon. Pero malay mo nagsisi ngang tunay. Saka nakakasisi talaga. Ipagpapalit niya ang isang Jemimah? Kupal ha. Gusto mo sapukin ko? Iganti man lang kita. Malakas ako manuntok." Pagyayabang ko. Pinakita ko pa ang kamao ko.
"Baliw. Black belter din 'yon." Natawa nitong sabi.
"Oh de natawa ka na. Saka hindi lang taekwondo ang alam ko 'no. Laos ang Sherwin na 'yon."
"Mayabang." Pinunasan niya ang mga luha niya. "Angkapal talaga ng mukha niya. Ano sa tingin niya okay lang lahat? Damn him."
"Uhm bayaran mo na ang time ko dito kay Manager. Alis tayo. Dun muna tayo sa Royalty. Palamig ka muna ng ulo."
---
Tuwa na naman si Manager kasi bayad ni Mimah ang natitirang oras ko sa duty. Naratnan na namin sina Ate Abby, Gabb at Sela sa Roralty. Laking pasalamat na nga ni Gabb na dumating kami kasi nagbabangayan daw ang dalawa.
"Jemimah kausapin mo nga sila. Hindi magkasundo e. Naglilista kami ng i-invite sa birthday mo. Pati guests pag-aawayan pa." sabi ni Gabb. "May putok ba talaga yung Broddy?"
Hahaha! Issue talaga si Broddy! Broddy pogi!
"Ewan. Bakit? Naka-work ko naman siya minsan. Invite mo na lang, " sagot ni Mimah. Naupo na kami. Haba na naman ng nguso. Haha. Bawal i-joke time to e. Baka bigwasan ako bigla.
"Wait ha. He's not close to our barkada." Sabad ni Ate Abby. "Why invite him? Duh?"
Taray ni ate Abby! Haha. Duh. Duh. Haha.
"Kasi friend ko siya?" sagot ni Sela. "Ang currently may ine-endorse kaming brand. So Jemimah here is just helping me, Her friend. Gets mo naman diba?"
Si Ate Abby naman. Sabihin mo na ang magic word kasi! Haha. Teka magatungan ko na nga.
"Meryenda muna kayo. Pogi nung Broddy, Sela. Pakilala mo ako ha? Totropahin ko. Parang ipagtatanggol ka nun pag may holdaper e. Feeling secured."
"Teka ako 'yong may birthday. Tanungin niyo muna ako kung gusto kong i-invite si Broddy." Sabad naman nitong si Mimah. Grabe! Walang pakisama talaga. Alam naman niyang may pinaparinggan kami dito e.
"Huwag na nga." Sabi ni Sela. "Mag-IG live na lang kami for promotion."
"Uy nice!" siyempre gatong ulit ako! Hahaha! "Join ako Mars. Ako na lang camera man. Dapat medyo romantic yung set up para benta sa madla."
Hindi ako tumitingin kay Ate Abby kasi nakikita ko sa akong peripheral view na killer eyes na siya. Haha!
"Invite mo minsan sa Café mars. Para mapromote..."Tinakpan ni Mimah ang bibig ko. May sasabihin pa ako e. Bango ng kamay ni Mimah! Amoy hand sanitizer! Haha. Hinawakan ko na ang kamay niya bilang pagsuko ko. Hindi na ako manggagatong.
Pinaningkitan niya ako. "Ano? May sasabihin ka pa?"
Umiling ako saka nangiti. Kinuha ko ang milk tea. "Kain na lang ako oh Sige na. Decide ka na kung invite mo si Broddy. Birthday mo nga pala hindi ko birthday."
Nanonood ako sa phone ko. Video compilations ng mga international badminton games. Baka makapulot ako ng teknik! Hehe. Nakikinood na rin si Mimah. Hindi pa siya bumibili ng phone e. Angdaming pera hindi makabili. Tsk. Napakakurips din! Umakbay ako sa kanya. Sinadyang kong pabigat ng braso. Haha! Pinalo niya. Sarap asarin e. Apakapikon.
Hawak ko sa kaliwang kamay ang phone. Siya naman ang nagki-click kung forward, rewind o may ibang vids na gusto panoorin.
"Check mo 'yong defense." Sabi niya. "Angbilis ng flick ng racket."
"Kaya ni Gia 'yan. Ano lang ako. Cheer cheer. Haha!"
Pinapanood naman namin ang isang game niya. Forward siya nang forward. Haha. Nilayo ko nga ang phone.
"Mimah naman! Inaaral ko ang galaw mo e. Tsk."
"Watch it kapag hindi mo ako kasama."
Siya pa rin ang nasunod. Naku naman! Natigil ang panonood namin dahil tumatawag si Gia. Video call. Si Jemimah na ang nagclick ng answer icon.
"Tangina yan 'tol. May pag-akbay! Hahaha!"
Tinanggal ko na nga ang pagkakaakbay ko dito kay Mimah. My malisyosa friend is tawa nang tawa e. "Oh bakit ka natawag?"
"Ano maraming bulaklak dito." Inikot niya ang camera. Marami ngang flowers! "Nakapangalan kay Jemimah."
"Huh? Bakit sa akin?" sabi ni Mimah. "Kanino daw galing?"
"Sherwin daw. Hindi ko nga pinasok baka may mga hidden camera dito. wais yata to. Haha! Anong gagawin ko dito Jem?"
"Dalhin mo sa simbahan. Lagay mo sa groto. Bahala ka na."
"Naku 'tol. Diyan lang muna."
Binaba na ni Gia ang tawag. Napakasungit naman talaga nitong si Mimah.
"Jem kahit masama ang loob mo dun sa tao huwag naman ganun kasama ang pagtrato mo. Malay mo andun lang si Sherwein. Masaktan 'yon kung makita niyang hindi mo naapreciate 'yon flowers."
"Alam mo? Masyado kang mabait. Nakakairita din minsan."
Magbabangayan na naman yata kami. Naku naman! Tatayo na sana siya e. Hindi mo ako madadaan sa walk out ngayon. Hinawakan ko siya sa balikat.
"Maupo ka. Nood tayo ulit. Init-init ng ulo." Binigatan ko ang pag-akbay ko sa kanya para hindi siya makaalis haha!
---
Kasama ko sina Ella at Everest. Si Ella parang ewan pumapagitna sa amin ni Everest lagi e. Angkulet. Naasar naman 'tong isa sa kanya.
"Para kayong ewan."Saway ko sa kanila. Para kasi silang nagpapatintero na. "Ella anglikot mo."
"Ito kasing si Everest, papansin. Sinabi nang bawal ka nang ma-crush ng iba e."
"What's wrong ba kung crush ko si Dana?" nauna siyang naglakad paatras. "Diba Dana? I think walang mali doon."
Nagkibit-balikat ako. "Ewan. Siguro?"
"Hep! Wag kang magsasalita." Saway ni Ella sa akin. "Hoy Everest, ang pagmamay-ari ng iba huwag mong pakikialaman. Gets mo?"
"Weh? Bakit? Wala namang boyfriend si Dana. So okay lang." napatigil din ako sa paglalakad kasi tumigil si siya. "May boyrfriend ka na ba Dana?"
Umiling ako. "Pero wala akong balak pa magboyfriend."
"De maghihintay akong magkabalak ka. Malay mo crush pa rin kita nun."
"Parang baliw." Iiling-iling kong sabi dito. "Tigil-tigilan mo ako Everest. Yung mga chics mo baka makalbo ko kapag pinagselosan ako."
Tropa-tropa chill chill lang to si Everest para sa akin e. 'Yung mga parinig niya apakadaling lusutan. Haha! Hanggang masanay na lang siyang tropa lang talaga. Ganon dapat! May tumawag sa kanya.
"Oo 'Pre. Sige. Nandito kami sa tapat ng library. Okay bye!" Binulsa niya ang phone niya. "Guys, papunta na si Broddy dito. Siguraduhin niyong hindi ako masasabit dito ha?"
"Oo. Kami ang bahala."
Alam din ni Ella ang plano ko. Hehe. Magiging masaya 'to! May dalang bulaklak si Broddy. Na-orient na rin siya ni Ella kung ano ang gagawin pagdating nina Sela.
"Ibibigay mo lang ang flowers at aayain mo ng dinner." Sabi ni Ella. "No touch. Gets?"
"Okay. Do I get to date her talaga?"
"'Tol hindi." Sagot ko. "Bluff lang 'to. Pero galingan mo sa pag-acting ha?" tinapik-tapik ko ang balikat niya. "Acting lang walang totohanan."
Hahagilapin muna nina Ella at Everest ang mga lovebirds. I-interview-hin ko tong si Broddy Boy.
"Ilang beses kang magwork out sa gym?"
"3 times. Patpatin nga ako noon. Nag-buff lang a year ago."
"Nice. Nice. Sipag mo 'no? May work out bang pagmapataba? Hahaha! Joke lang."
"Actually meron. Pero dapat magdagdag ka ng kakakainin." Naglecture siya. Aba! Daig ang networker sa galing mag-explain ng mga dapat kainin pag magpapataba pero same time work out din.
"Grabe. Idol na kita. Pwede ka na gym instructor. Dami mo alam baka itumba ka na. hahaha!"
Nagbobolahan na kami dito e! Naki-selfie din ako. Send ko kay Mama. Sabihin ko may pren akong celebrity. Haha. Angtagal nina Ella. Pero in fairness dito kay Broddy Boy marunog maki-jeje. Haha!
"Dana..." sina Mimah at Ate Abby. Nakapang-training na sila. "Anong ginagawa mo dito? Maaga ang training ngayon. You forgot about it?" tanong ni Mimah.
Oh s**t! Nandito na ang pagseselosin wala pa ang bida. Haha.
Napunta kay Broddy ang pansin niya. "Why are you here?"
"Visiting a friend." Sagot ni Broddy. "Dana here kept me company. Thanks to her, hindi ako na-bored sa paghihintay kay Sela."
Wow! Anggaling niya magdala ng eksena. Hindi na ma-explain ang expression ni Ate Abby. Mukhang successful naman ang plano! Hihi.
"Oh andiyan na sila." Tanaw ko na sina Ella at Sela. Siniko ko si Broddy. Kinuha niya agad ang bulaklak.
At tulad ng prinaktis namin pagkalapit na paglapit nina Sela inabot na niya ang bulaklak.
"Para saan 'to? Akala ko ba may training kayo ngayon?"
Teka?! Wala sa script 'yon ah?!
"Canceled. Kaya pinuntahan kita dito. UHm Pwede ba kitang i-invite for dinner? Tonight na sana. Umuwi kasi sina papa. Gusto ka nilang ma-meet."
Anak ng kineme naman! Kinikilig ako! Haha. Nagkatinginan kami ni Ella. Wala naman sa script ang mga pag-uusap nila. Haha. Very effective yata kasi kumukulimlim ang mukha ni Ate Abby.
"May practice game kami."sabad ni Ate Abby. "Tara na Sela." Yung flowers na hawak-hawak ni Sela kinuha niya saka binalik kay Broddy. "Allergic siya sa bulaklak."
Walang lingon-lingon e. Wrong timing naman 'tong si Broddy. Haha! May training pala! Nang makalayo sila napa-yes si Ella.
"Baliw. Anong Yes dun?" inis kong sabi. "Sablay nga. Allergic sa bulaklak . May training pa. 'Tong si Broddy naman. Sana next week kamo. Hindi 'yong ngayon agad."
"Sorry. Nalimot ko kasi yung sasabihin ko," hingi nito ng tawad.
"Anong sablay? Successful kaya."sabi ni Ella. "Walang alam na sports si Sela. Anong gagawin niya sa volleyball? Haha!"
Nag-apir kami ni Broddy. "Ayos ka Brod. Next time ulit! Hahaha! Magkano 'yong bulaklak? Sayang hindi nagamit."
"Sa'yo na lang oh." Natatawa niyang inabot sa akin. "Alam ko namang allergic si Sela sa bulaklak. Bale para sa'yo talaga to."
Huh? Parang nag-init ang pisngi ko. Sapukin ko 'to e.
Tumikhim si Mimah. "Masyado nang maraming bulaklak sa bahay. Ella iuwi mo na lang 'yang bulaklak." Sabi nito.
E para sa akin daw 'yon. Bakit ipapauwi kay Ella? Agad namang kinuha ni Ella ang bulaklak. "Sorry, Brods. Wala nang space for new messages. Tara na at lumayas na tayo."
Hinila niya na si Broddy papalayo.
Piningot naman ako ni Mimah. "Ikaw talaga! Next time na gagawa kayo ng eksena sabihan niyo ako!"
"Aray naman! Mimah! Masakit!" hawak-hawak ko ang tainga ko nang tinigilan niyang pingutin. "E ayaw mo nga ng idea ko. Tsk. Saka yung flowers ko. Langya naman Mimah. Minsan lang makatanggap ng flowers kinontra mo pa."
---
Sa bahay daw magdidinner sila Sela at Ella. Nauna kaming umuwi nina Jemimah. Buti umabot pa ng fifth set yung practice game nina Ate Abby.
Tulong-tulong kami sa pagdadala sa mga bulaklak sa rooftop. Baka atakehin ng allergy si Sela e.
"'Tol sino yung pogi na kasama mo kanina?" tanong ni Gia.
"Si Broddy. Partner ni Sela sa ad."
"Ah. Tangina. Akala ko nag-kiss kayo kanina. Babatuhin sana kita! Haha!"
"Kiss?" sabad ni Jemimah. "Anong kiss?"
Natawa si Gia. "Iba lang 'yung angle na nakita ko Jem. Kala ko nagkiss. Haha! Buti tiningnan kong maigi e."
Lahat ng bouquet may kasamang notes. Kinuha ko iyon isa isa. "Mimah, parang puzzle tong notes oh."
Fifty pieces ng puzzle. Walang tiyaga si Jemimah buuin ang puzzle o wala lang siyang interest kaya kami ni Gia ang naglatag ng mga ito. Nakahalukipkip lang si Mimah na parang supervisor.
Ahy! Picture nilang dalawa sa café! Cute naman. Naka-heart shape ang mga kamay nila. Happy birthday 'yung tarp sa likuran.
"Uhmm nice. Happy birthday pala e. Oh Mimah advance happy birthday daw."
"So anong nakuha niyo sa pagbuo niyan?" pagsusungit na naman niya. "Tapon niyo na."
"Picture muna." Sagot ko. Pinicturan ko ang nabuong puzzle. "Hindi ka pa ba nakaka-move on?"
"Moved on na ako. Pero hindi ibig sabihin nung gusto ko na siyang makita. Do you get me? Paparamdam pag birthday ko pa. Nakakasira ng mood. Damn him."
Sus! Pinisil-pisil ko ang pisngi niya. "HB HB naman! Tatanda ka ng ten years niyan! Haha! Iba na lang isipin mo para good mood ka."
"Sanaol nilalambing. Baba na tayo." Sabi ni Gia. "Para kayong magjowa diyan."
---