Kabanata 42 Mikhail MALALIM na buntong-hininga ang pinawalan ni Mr. Geocado nang muling bumaling sa 'kin. "Is there something wrong?" I asked with a puzzled look. Hindi ko na maiwasang dalawin ng kuryusidad kung ano'ng marahil ang narinig niya sa kausap. "My mom is an american immigrant here in the Philippines when she met my father. Siya rin ang nagbigay sa 'kin ng pangalang Misha, pero nang kupkupin ako ng orphanage ay pinalitan nila ang pangalan ko na Mikhail. May problema ba? I don't think just knowing my name would put you into this tight situation." Umiling siya na lubhang ipinagtataka ko. "Ang kumupkop ba sa 'yo ay si Attorney Ruben Alfazaro?" tanong niya. "Yes, he is also the previous director of the orphanage." Lalo lamang bumakas ang matinding frustration sa mukha niya.

