Kabanata 41 Mikhail NATIGILAN akong pihitin ang seradura ng pinto ng apartment room ko na kamakailan lamang nang magdesiyon akong lumipat doon dahil na rin sa nangyari kay Meagan sa dating tinutuluyan. Ayoko ring manatili sa bahay-ampunan, natatakot na madamay ang mga bata roon at ang kinakapatid. Nang magtrabaho ako kay Meagan, kalakip na niyon ang panganib kaya't hindi na 'yon bago pa sa 'kin. Batid kong may tao sa loob n'on base pa lamang sa kakaibang bakas ng paang naiwan sa labas ng pinto maging ang spare key na wala na ngayon sa gilid ng paso malapit sa pintuan na itinago ko pa roon bago umalis kaninang umaga. Inihanda ko ang sarili sa sinomang tao na makikita sa loob n'on. Malapit na akong masanay sa panganib na dala ng trabahong mayroon ako. Hindi ko na nagawang dukutin ang b

