Kabanata 40 NAGTUNGO ang sasakyang lulan ako sa Mt. Samat, Bataan kung saan din matatagpuan ang resthouse ng pamilya Valmadrid. Walang sino man sa media o malalapit na tauhan ng pamilya ko ang nakakaalam n'on bukod sa akin at kay Uncle Wesley at sa personal driver niya at si Harisson. Binuksan ang pinto ng sasakyan nang humimpil 'yon sa labas ng malaking resthouse sa tuktok lamang ng bahaging 'yon ng Mt. Samat. Tila wala pa rin ako sa sarili nang lumabas ako ng kotse. Nanatiling nakatayo lamang ako na hindi alam ang susunod na gagawin ni maski maihakbang ang mga paa ay hindi ko maging magawa. Hanggang ngayon ay binabagabag pa rin ako ng mga sinabi kanina ni Mikhail. Iniisip ba niyang ipalalaglag ko lamang ang bata kung sakaling magbuntis ako? Oo, marami pa akong gustong gawin sa buhay

