Kabanata 31 SIGURADO akong maalaga sa bata si Mikhail lalo't lumaki siya sa bahay ampunan na puno ng mga batang inabandona ng sariling mga magulang. Ngiti-ngiti ako habang ini-imagine na ang magiging reaksyon ng mukha niya oras na makita ang anak kong si Azul. Tiyak agad niyang mamahalin ang bata, 'di lang bibo at masunurin din ang bata. Madaling mapaunawa sa mga nangyayari sa paligid kahit na tatlong taong gulang pa lamang ito. Sandaling natigilan ako sa paglalakad para lingunin si Daniel na kanina pa nakasunod sa 'kin. Natagpuan ko siyang nakatayo sa 'di kalayuan. "Why are you following me?" takang tanong ko. Wala naman siyang dahilan para sundan pa ako pabalik ng silid ko. 'Di naman niya 'yon trabaho at 'di ko rin 'yon iniutos sa kanyang gawin. "Kaya ko namang bumalik sa kwarto k

