Kabanata 30 HINIWA ko ang chicken fillet na pagkain ni Azul saka 'yon tinusok ng hawak kong tinidor. "Say ah," wika ko nang iangat ang hawak na tinidor. Excited na binuksan niya ang bibig habang ako nama'y dahan-dahan na isinubo 'yon sa kanya. "Yum! It tastes good, mom!" masayang aniya. Hindi na natuloy ang balak kong magkulong sa loob ng kwarto ng maghapon dahil pinuntahan ako kanina ni Harisson at sinabing nag-iiyak daw ang bata at nagmamatigas na hindi kakain kapag hindi raw ako sumabay sa kanila. Wala akong nagawa kung hindi lumabas ng lungga ko at ngayon nga'y nakaupo sa tabi ng anak ko habang sinusubuan siya. Mariing naipikit ko ang mga mata saka binalingan sa gilid si Harisson na tahimik na nakatayo at nakamasid sa aming mag-ina. Ngunit ang higit na pumukaw ng atensyon ko a

