Kabanata 63 "WHAT do mean?" tanong ko kay Mikhail. Hindi ko alam kung nagkamali ako ng dinig sa sinabi niyang 'yon na siya ang dahilan kaya namatay ang taong kumupkop sa kanya. Napakaraming bagay agad ang pumasok sa isip ko ng maaaring nangyari. Ngunit sa bandang huli hindi ko malaman saan nagmumula ang kakaibang takot na biglang bumangon sa puso ko. Dahil ba 'yon sa kakaibang reaksyon ngayon sa mukha ni Mikhail matapos na sabihin ang marahil matagal na niyang kinikimkim sa sarili o ang pangamba niya sa maaari kong maging reaksyon matapos na marinig 'yon mula sa kanya. "Kasama ako ni Ruben Alfazaro nang .agpunta siya sa isang lugar kung saan ay may mahalaga siyang tatagpuing tao. Ang buong akala ko ay walang problema dahil naging maayos naman ang kasunduan nila ng taong kausap ngunit

