Kabanata 64 TULALA sa kawalan. Nagbalik kami ng Manila na animo'y hindi ko man lamang nagawang nakapagpahinga. Simula nang mag-sorry sa 'kin si Mikhail, hindi ko na rin siya nakita matapos ang araw na 'yon. Hindi ko siya kasamang bumalik ng Manila. Nauna siyang umalis na hindi man lang nagawang magsabi sa 'kin. Kung gayon, totoong doon na rin natapos ang lahat sa aming dalawa. Mabigat man sa loob at ngayon nga'y hirap na hirap pa rin akong tanggapin na maaaring iyon na rin ang huling araw na magkasama naming dalawa. Natatawa na lamang ako sarili habang hindi na mawari kung ano ang susunod ko ngayong gagawin. I'm now listless. Wala na sa isip ko na magtrabaho. Kagat-kagat ang ibabang labi ay binuksan ko ang drawer sa gilid ko. Kinuha ko mula roon ang bagong kontrata na pinirmahan ni Mi

