Kabanata 69 "WHO am I going to meet?" tanong ko kay Giselle noong isinusuot ko ang nag-iisa na lamang na formal attire na hindi pa labahin. I glanced at her before closing the last button of my dress shirt. Kanina pa siyang tahimik na naghihintay na matapos akong makapagbihis. Binanggit niyang may nais siyang ipakilala sa 'kin kaya naman todo akong nag-ayos para hindi siya mapahiya lalo na kung mahalagang tao din 'yon na kikitain ko. Iniwas niya ang mukha at ibinaling ang atensyon sa necktie na nakalagay sa ibabaw ng mesita. Mayamaya'y lumapit siya para isuot 'yon. Kahit medyo nagulat sa inasta niya. Bumalik lang din sa alaala ko na dati ring inayos ni Meagan ang necktie ko. "You'll be meeting her soon, sa tingin ko hindi na mahalagang malaman mo ang pangalan niya," aniya na ikinakuno

