Kabanata 20 IT was a sunny morning that day. I adjusted my sunglasses and later decided to remove it. Hindi ko kasi malinaw na makita ang bahay ampunan kung saan ay nalaman kong naroon si Mikhail. Inilibot ko ang paningin nang mahagip ng mga mata ko ang pamilyar na pigura ng lalaking pakay. "Mikhail," sambit ko ng pangalan niya. Batid kong natuon ang mga mata niya sa akin ng mga oras na 'yon. "Ano'ng ginagawa n'yo rito?" Napukaw ng tanong na 'yon ng babaeng kasama ni Mikhail na bumaba ng sasakyan ang atensyon ko. Saglit ko 'yon na tinapunan ng tingin at muli ring ibinalik sa lalaking pakay. "I came to get you back, Mikhail." May munting ngiting pumaskil sa mga labi ko subalit batid kong hindi man lang 'yon umabot sa mga mata ko. Pero mahalagang marinig na niya ang mga salitang nais

