Kabanata 33 "MISS Meagan," tawag ni Daniel sa 'kin. Natigilan ako sa ginagawa at dumako ang paningin sa kanya. Marahil kanina pa siya naghihintay sa pipirmahan kong dokumento pero kung saang lupalop na lumilipad ang isipan ko. "The Sales Department told us that they badly need your approval to their request so they can proceed in the distribution of the new product," he explained. "Oo, alam ko," sagot ko subalit wala pa rin talaga ako sa huwisyo kahit na sinabi ko 'yon. Hindi ko magawang mag-concentrate sa binabasang papel, pakiramdam ko ang bawat letrang naroon ay sumasayaw sa harap ko. Tila napansin din 'yon ni Daniel kaya inagaw na niya ang hawak kong papel at inilapag 'yon sa mesa. "What do you thing you're doing?!" inis kong tanong sa kanya. Siya na rin ang nagsabing kailanga

