Kabanata 34 Daniel "ARE you sure that this would help me?" tanong ni Meagan. Kasalukuyang nakaibabaw ako sa kanya habang siya nama'y nakahiga sa kama. Actually, this is not part of the plan. Talagang nawalan lang ako ng balanse nang balak ko siyang turuan kung paano dapat siyang mang-akit ng lalaki. Nanlambot kasi pareho ang tuhod ko nang mapatitig sa kanya, lalo na nang mapagtanto na kahit wala siyang gawin, kaya nang likas na mapang-akit na mukha niyang pukawin ang atensyon ng sinoman na lalaki. Ngayon pang kung 'di ko agad nakontrol ang sarili ay baka kanina ko pa siya pinagsamantalahan. Look how fragile she is to the people around her. Una na siguro ang basta niyang pagpapasok sa 'kin sa silid niya na kami lamang dalawa. Tila 'di siya alintana na may maaari akong gawin sa kanya.

