Kabanata 35 Daniel "IS this everything?" tanong ni Ava matapos na isara ang hawak na folder. "Yes," sagot ni Mikhail. Look at this scene. Parang nasa isang action movie lang ako habang palihim na nagmamatiyag sa 'di kalayuan. Nasa parking lot ako para sana kunin ang naiwan daw na gamit ni Meagan. Actually, it wasn't her fault. It was my carelessness that I left something important. Subalit imbes na bagay na naiwan ko sa backseat ang maabutan ko. Nahagip naman ng paningin ko si Mikhail habang kausap ang matandang babae na kung 'di ako nagkakamali ay si Ava Salazar, ang numero unong ikinababahala ng magtiyuhin. Mukhang tama talaga ang hinala ni Wesley na 'di mapagkakatiwalaan ang gusto ng pamangkin. From my own perspective right now, Mikhail is betraying Meagan. Masakit man ang bagay

