Kabanata 36 Mikhail "SAAN ba kayong nanggaling dalawa?" bungad na tanong ni Janice nang makita kami pareho ni Daniel sa pasilyo. Bumakas ang pag-aalala sa mukha nito saka sandaling sinulyapan ang bahaging marahil balak na puntahan. "Kanina pa kayong dalawa hinahantay ni Miss Meagan. Pareho n'yo yatang nakalimutang ngayon ang press conference ng mga bagong designers," aniya. Kusang kumilos ang mga paa ko upang agad na tunguhin ang conference hall na matatagpuan lamang sa kabilang dulo ng palapag na 'yon. Batid kong nakasunod naman sa likod ko si Daniel na tulad ko ay nagmamadali rin. Nang sabay naming buksan ang pinto ay agad na sinalubong kami ng nagkikislapang mga flash ng camera na kasalukuyang nakatutok lamang sa nag-iisang babae na nasa stage. Katabi nito ang tinutukoy kaninang mga

