Chapter 1
KURYENTE, tubig, internet… Argh!” Pinalipad ni Katrina ang lahat ng bills nila ni Hershey sa hangin. Agad namang pinulot iyon ng kakambal niya isa-isa.
Magkapareho ang facial structure nila. Pareho ang kulay ng kanilang mga mata na nagiging gray kapag tinatamaan ng liwanag, parehong may mahahabang pilikmata, maliit at tuwid na ilong, at natural na kulay rosas na mga labi.
Pero hindi sila magkamukha.
Siguro dahil mas mahaba ang itim na buhok ni Hershey at lagpas na ito sa kanyang mga balikat. Samantalang si Katrina ay may pixie cut. No regrets—mas magaan ang ganito para sa kanya.
“Mababayaran din natin 'yan,” pag-papalakas ni Hershey kay Katrina. “Baka naman sana hindi ka na lang nag-resign?”
Umasim ang mukha ni Katrina; andito na naman sila. Ipinaniliwanag naman niya na kung bakit kailangan niyang mag-resign sa dati niyang amo.
Nakakainis kasi ang dati niyang boss—isa siyang secretary, hindi “sexetary.” Nakakasuya pa, may asawa na ang boss niya at may edad na.
Kaya heto siya ngayon, walang tumatanggap na kompanya sa kanya dahil sa hindi magandang feedback na ibinigay ng dati niyang boss.
"Hindi na naging healthy ang employee-employer relationship namin, Hershey," ani Katrina sa monotone na boses.
“Nanganganib na tayo, baka palayasin na tayo dito.”
"Alam ko, Hershey. Gagawa ako ng paraan. Huwag kang mag-alala, ako na ang bahala."
“Ito na lang ang naiwan sa atin nina Mama at Papa,” bulong ni Hershey habang umupo sa lumang sofa.
“Papasok na muna ako sa trabaho, Hershey.” Ngumiti si Hershey, tumango, at tinalikuran ni Katrina ang kapatid.
Madali lang sana ang buhay nila limang taon na ang nakaraan. Kung hindi lang nadisgrasya ang kanilang mga magulang sa Mountain Province noong unang taon nila sa kolehiyo, sana ay naging mas madali ang lahat.
Continue to breathe is easy, but moving on is hard.
Naalala pa rin ni Katrina ang masasayang tawanan sa bawat sulok ng bahay. Miss niya ang pag-kumpuni ni Papa ng bisikleta niya tuwing nasisira iyon. Miss niya rin ang ngiti ni Mama tuwing nag-uuwi siya ng medal mula sa Sports fest. That was family.
Until the bus accident...
Naiwan sila ng kanilang mga magulang. Nabuhay sila mula sa financial assistance ng bus company na naging sanhi ng aksidente. Tinulungan din sila ng gobyerno sa scholarship, ngunit hindi ito sapat kaya kinailangan nilang isangla ang bahay upang makapagpatuloy sa pag-aaral. Ang magandang balita, natapos silang magkakambal nang sabay. Si Hershey ay nag-major sa Human Resource, samantalang si Katrina ay Business Management. Wala nga lang siyang business na puwedeng imanage.
Sinunod ni Katrina ang kanyang passion. Doon siya namasukan sa may kinalaman sa kinahihiligan niya, isang Outdoor Gear and Equipment store. Mahilig siya sa sports mula pagkabata. She loves the adrenaline rush.
Naglakad siya sa medyo maputik na daanan. Kanina ay umulan kaya ganito ang daan ngayon. Nakita niya ang bawat putik na kumapit sa lumang sapatos niya. Lalabhan niya ito sa oras na makakita siya ng matutuluyan. Sa ngayon, pagkakasyahin muna niya ang natitira niyang isang libo sa paghahanap ng trabaho at matutuluyan.
Sumakay siya ng dyip papunta sa mga lugar na balak niyang apply-an ng trabaho. Sa dyaryo ay nakita niya ang mga tindahang nangangailangan ng iba't-ibang posisyon.
Kumatok si Katrina sa isang opisina. Ayon sa dyaryo, kailangan nila ng sekretarya. Ang pagiging sekretarya o kahit saleslady sa isang ticketing office ay okay na rin sa kanya.
Pinasadahan ng tingin ng security guard si Katrina, binabasa ang maputik niyang sapatos at ang damit niyang pilit inaayos ang mga gusot.
"Anong kailangan mo, miss?" tanong ng guard, ngumisi pa sa kanya.
Ibinalandra ni Katrina ang dyaryo sa harap niya. "Nakita ko po sa dyaryo na kailangan niyo raw ng saleslady—"
Hindi na niya natapos ang sasabihin dahil pinutol siya ng babaeng naka-mini skirt at may ID mula sa ticketing office. "Walang hiring dito, miss. Doon ka na lang kaya sa club? Mukha kang pokpok, eh."
"Ah? Pero sabi kasi dito sa—"
"Miss, ang sabi ko, wala nga. Kahapon nakakuha na kami ng isa kaya doon ka na sa club! Sige na at madudumihan lang ang tiles namin dito! Lumayas ka dito!" Padabog na sinarado ng babae ang pintuan ng opisina.
Bumuntong-hininga si Katrina at tiningnan ang sarili. Siguro mas mabuting linisin niya muna ang sapatos niya at magpalit ng mas pormal na damit.
Naghanap siya ng pampublikong CR at tiniis ang baho sa loob para lang maayos ang sarili. Tinanggal niya ang t-shirt niya at nagpalit ng blouse na hindi komportable ngunit mas pormal. Pinalitan niya rin ang pantalon ng mas maayos na walang putik.
Isang libo na lang ang natitira sa kanya.
Nagpatuloy siya sa paghahanap ng trabaho. Sinubukan niya ang mga fast food chain ngunit panay ang pagdirekta sa kanya sa isang malaking kumpanya. Pangatlong Jollibee na ito sa araw na iyon. Lagi siyang sinasalubong ng Manager at itinuturo ang malaking building sa malayo.
"Miss, wala po kaming hiring dito ngayon. Ang mabuti pa, doon ka mag-apply sa Palma Group of Companies dahil mass hiring doon ngayon. May job fair pa nga!" sabi ng Manager.
Napangiwi si Katrina sa sinabi ng babae. Hindi niya alam kung totoo ba iyon o tinataboy na lang siya para makaalis na siya. Wala na siyang magagawa, kaya tumango na lang siya.
Tinitigan niya ang rooftop ng napakalaking gusali sa malayo. Mataas iyon at parang imposibleng matanggap siya doon.
"Maraming salamat po," sabi niya at napatingin sa mga kumakain ng malulutong na fried chicken.
Napalunok siya at naalala niyang ala-una na ng hapon at hindi pa siya nag-aalmusal o nagtanghalian.
Tumingala siya sa menu ng fast food chain na iyon para tingnan kung magkano ang kinakain ng mga tao roon. Sa huli, nagdesisyon siyang umalis.
Bumili siya ng SkyFlakes sa nagtitinda sa labas at nagsimulang maglakad papunta sa building na itinuro ng mga Manager kanina. Habang naglalakad at kumakain, kumakalam pa rin ang sikmura niya. Kaya mo 'to, Katrina! Mamaya, kapag nagkaroon na ako ng trabaho, kakain ako ng marami! iyon ang pangako niya sa sarili.
Hindi pa man siya nakakarating sa building na iyon, napatigil siya nang makita ang isa pang fast food chain na nangangailangan daw ng crew. Kinuha niya ang papel na nakapaskil sa pintuan at dumiretso sa loob. Humalimuyak ang amoy ng burger, at mas lalo pang kumalam ang kanyang sikmura. Pinilit niyang huwag sumilip sa mga plato ng mga kumakain at dumiretso sa loob.
"Nandito po ba ang Manager niyo?" tanong niya sa mukhang iritadong crew.
"Nasa loob siya, teh," sagot ng crew sabay turo sa pintuang may nakalagay na: Authorized Personnel Only.
Pumasok siya sa pintuang iyon at inilahad agad ang kanyang resume. Pinapanood niya ang Manager na abala sa cellphone.
"O... Okay. Got it!" sabi ng lalaking manager.
Sumulyap siya kay Katrina nang dalawang beses, para bang nakakita ng multo. Agad niyang binaba ang kanyang cellphone.
Habang papalayo si Katrina mula sa Quiapo, ang bawat hakbang niya ay puno ng kaba at kasabikang makapunta sa opisina ng kakambal niyang si Hershey. Nagulat siya nang makita si Hershey sa ibaba ng opisina nito—isang employment agency—na halos ihampas ang hawak na envelope sa kanyang mukha. Hindi man lang siya kinumusta at agad na binigay ang dokumento.
"College graduate na hindi tanga. Yan ang hinahanap ng Presidente ng Palma Real Estate," seryosong sabi ni Hershey, habang tumatango na parang sigurado na siyang makukuha ni Katrina ang posisyon. "Ngayon ko pa lang nai-post ang job opening sa Job-online, pero bukas, siguradong dagsa ang mga aplikante. Inuna na kita."
Napakunot ang noo ni Katrina. "Hindi ba bawal yang ginawa mo?"
Ngumuso si Hershey at hinawi ang kanyang jet-black hair patungo sa likuran. "Alam kong bawal, pero mas mahalaga bang sundin ang rules kaysa sa makuha mo ang trabahong to? Kung mabubuking ako, edi tanggalin nila ako." Hinawakan niya ang kamay ni Katrina at tinitigan ito nang may kaseryosohan. "Kaya, Katrina, seryosohin mo 'to. Ibinibigay ko ang pangalan ko para sa'yo, para makuha mo lang ang trabahong 'to. Pumunta ka na doon at hanapin ang contact para sa interview. Kaya mo 'to! Para sa nakasanglang bahay natin."
Tumango si Katrina, pinipigilang mangibabaw ang takot at kaba sa kanyang puso. "Para sa bahay!" Itinaas pa niya ang kanyang kamao, puno ng pag-asa kahit ramdam ang bigat ng responsibilidad.