Balot si Katrina ng makapal na tuwalya habang nasa loob ng sasakyan. Binuksan ni Algin ang heater kaya unti-unting nawala ang lamig na bumabalot sa kanya. "Alam mo, pwede ka namang mag-insist, diba?" tanong ni Katrina habang nakatingin sa daan. "Sabi mo hindi mo ako aalukin na isabay," sagot ni Algin. "Umalis ka nang walang paalam." "Hindi mo man lang ako hinabol," dagdag ni Katrina, halatang may inis. "Gustung-gusto mo pa rin yung hinahabol ka. Wala kang ipinagbago, tao ka," balik ni Algin. Bahing nito kasabay ng pag-iling. "God, bawal magkasakit," bulong niya habang paulit-ulit na pinipindot ang ilong. "Sorry," ani ni Algin, malamig ang tono. Napalitan ito ng bahagyang lambing nang magdagdag siya, "H-hindi na mauulit." Sa bilis ng biyahe pauwi, hindi na namalayan ni Katrina ang ora

