"GOOD MORNING! How was your--—" Hindi naituloy ni Meico ang maligayang pagbati nang makita niya ang nasa likuran ni Katrina. Isang guwapo at hindi nagmamadaling lalaki ang masayang kumakain ng almusal sa harap ng kanyang mesa. Tila hindi ito nag-aalala kung sino ang dumating, patuloy lang ito sa pagkain na parang normal na bagay lang at taga doon siya. Pumalaki ang mata ni Meico, at para bang makikita mo sa mata nito ang mga tanong. Sumagot naman si Katrina sa isang taas ng kilay at mabilis na ngumuso. Tumango si Meico at ngumiti, parang naintindihan agad nito ang ibig sabihin. "Paano?" Bulong ni Meico habang pinapaluwang ang pintuan. Nakakatawa kung paano magka-communicate ang mga magkaibigan gamit lang ang mga ekspresyon ng mukha. 'Mamaya na. Kumain ka na ba?' Lumapad ang ngisi ni M

