"SO WHAT do we plan to do on our first day as boyfriend and girlfriend?" tanong ni Algin kay Katrina. Awtomatikong namula ang pisngi ni Katrina. Hindi siya sanay sa label na iyon. "I am somebody else's girlfriend. Astig!" naiisip ni Katrina. "Ano ba ang ginagawa ng magboyfriend at girlfriend? Tell me." Sumiksik siya sa dibdib ni Jasscha habang nakatulala sila sa two-seater couch sa sitting room. "Nasty things. They talk dirty. Kiss like there's no tomorrow. Sexy time." Hinampas ni Katrina si Algin sa balikat. "Hindi muna dapat maulit ang nangyari kagabi. Baka magbago ang isip natin tapos nakuha mo na ang lahat sa akin. Pero sabi mo nga, hindi naman ako hot, so palagay ko naman ay safe ako." Ngumisi si Algin at nawala ang mga mata. "You know, when the first scientists thought that the

