AMOY mabangong pagkain ang buong bahay nang magising si Katrina mula sa afternoon nap. Nag-iinat pa siya nang bumukas ang pinto. "Handa na po ang pananghalian, Mahal na Prinsesa." "Magaling, magaling!" Tumawa si Katrina. Nakasuot pa ng apron si Algin at may hawak na sandok. Itinulog niya ang gutom kanina. Wala siyang kakayanan na magluto ng masarap na pagkain, or worse, isang masarap na pagkain na papasa sa panlasa ni Algin Alcantara. "Hindi ka ba marunong mag-luto?" Tanong sa kanya ni Algin nang umupo sila sa harapan ng lamesa. In fairness, maganda ang pagkaayos nito. Restaurant-style, may vase pa na may fresh flowers. "Ikaw naman, isang beses ka pa lang nagluto, nagrereklamo ka na. Kumakain ka ba kasi ng Dinengdeng? O di kaya yung Ginisang Ampalaya? Misua con Patola?" Tanong niya h

