Kinuha naman ni Algin ang ice cream. "We got the same taste," sabi niya habang dinidilaan ang takip ng B&J Pistachios Pistachios ice cream nang buksan niya ito, na para siyang batang ninanamnam ang tamis. "Tagal ko nang hindi nakakakain nito. Ever since si Abuela ay na-diagnose ng diabetes, pinagbawalan ako ni Gwen na kumain ng matatamis at—" Agad na kinuha ni Katrina ang ice cream mula sa kamay niya at umirap sa kanya. "Masama 'to sa 'yo." "But you gave that to me!" "Wrong. I did not offer yet." "Daya." Madali niyang nabawi ang ice cream mula sa kamay ni Katrina at sumandok muli. "You know what? f**k it. You only live once, right? Do something crazy, you will die. Do not do anything crazy, you will also die." Pinanood siya ni Katrina habang mabilis na kumakain ng ice cream, hindi niy

