CYRAN

1446 Words
Maya-maya pa ay may narinig na tunog si Cyran. Klase ito ng tunog kapag nakakatapak siya ng tuyong mga sanga at mga dahon. Alam niyang may paparating at alam niyang si Sariah ito na kanina pa niya hinihintay. Pero imbis na maging masaya siya ay nakaramdam siya ngayon ng takot dahil sinuway niya ang nag-iisang utos ng kanyang ina. Kahit man ganoon ay pinilit pa rin niyang ngumiti dahil parating na ang kanyang ina. Sino ba naman ang hindi? Lumipas pa ang isang sandali ay nakita na niya nga mismo si Sariah na daliang naglalakad papunta sa kanya. Mahaba ang buhok ng kanyang ina na mas maganda sana kung nasusuklay araw-araw. Matangos ang kanyang ilong at may matapang na mga mata. Sa paglapit ni Sariah ay bigla niyang simampal sa kaliwang pisngi si Cyran. Nabigla si Cyran at hindi niya inasahan ang nangyayari. Bumilis ang t***k ng puso niya at hindi niya matanggap kung ano ang nangyari. Ito ang unang pagkakataon na sinampal siya ni Sariah. “’Di ba sinabi ko sayo na huwag kang lalabas sa kuweba nang wala ako?” galit na tanong ni Sariah sa kanyang anak. “Wala namang mangyayaring masama sa akin dito sa labas!” sigaw ni Cyran. Naramdaman na lang ni Cyran na may luhang pumapatak sa kanyang pisngi. Napansin naman ito ni Sariah at agad niyang niyakap ang nagiisa niyang anak. Dito na niya naramdaman na mali ang ginawa niya at hindi niya alam kung bakit siya nakasakit kay Cyran ng ganoon na lang kabilis. Ang alam lang niya ngayon ay ayaw niyang mawala ang nag-iisa niyang anak. Kahit ano pa mang mangyari. “Patawarin mo ako Cyran,” pagsusumamo ni Sariah. “Hindi ko sinasadya.” Hindi magawang magalit ni Cyran sa puntong ito dahil alam niyang mahal niya ang kanyang nanay at walang ibang bagay ang magpapabago nito. Gagawin pa ba niyang kumplikado ang lahat kung silang dalawa na lang mismo ang mga tao dito sa kagubutan? Siyempre naman hindi. “’Nay walang mangyayaring masama sa’kin,” pagkumbinsi ni Cyran habang humihikbi. “Hindi mo pa kasi maiitindihan,” wika ni Sariah. “Kasi hindi mo ipinapaintindi sa akin,” sabat naman ni Cyran nang may galit sa kanyang mga mata. Pumasok na tayo sa loob pakiusap,” utos naman ni Sariah. Nagkaroon ng katahimikan sa pagitan nila at maya-maya pa ay sabay silang pumasok sa kuweba. Nagsindi muli ng apoy si Cyran. Nang magkaroon ng liwanag ay hindi napigilan ni Sariah na pagmasdan ang kanyang anak. Maputi ang kanyang kompleksiyon ng kanyang balat at walang bahid dungis. Matangos ang kanyang ilong at mapula ang kanyang labi na nagpapatamis lalo kapag siya ay ngumingiti. May maliit siyang nunal sa kaliwang baba niya. Ang kanyang buhok ay kulay kayumanggi at medyo kulot. Maamo ang kanyang mukha na namana niya sa kanyang ama. Ang mga mata niya na mapang-akit at nangungusap. Ito ang dahilan kung bakit niya minahal ang kanyang ama nang higit pa sa sarili niya. Alam niya sa wastong panahon ay magiging matangkad rin siya. Magkakaroon rin siya ng magandang hubog ng katawan na nagsisimula na ngayon. Darating ang panahon na kahit sinomang babae ay iibigin siya katulad ng kanyang ama. Magandang lalaki si Cyran at hinding-hindi ito maitatatwa ni Sariah o kahit sino man na puwedeng makakakita sa kanya. Ikaw na lang ang natitirang alaala ng ama mo Cyran at ayokong mawala ang alaala na iyon. Minsan na siyang naniniwala sa pagmamahal katulad ng paniniwala niya na may buhay pa pagkatapos ng kamatayan. Pero nang mamatay ang nag-iisang lalaking minahal niya ay ngayon ay naniniwala na siya na ang lahat ng kaligayahan ay hindi talaga kaligayahan. Para bang ang lahat ay kadiliman na lang ngayon at ang liwanag ay kasinungalingan.  Inilabas ni Sariah ang tatlong mahabang tinapay sa kanyang itim na jacket. Siguro ay dalawang araw na silang hindi kumakain ngayon at hindi maipinta ang mukha ngayon ni Cyran nang makita niya ang mga ito. Agad hinati ni Sariah ang isang tinapay at iniabot niya ang kalahati sa kanyang anak. Kumagat agad si Cyran sa tinapay. Hindi na niya gaanong nginuya at nilumod niya ito ng madali dahil sa gutom. Tumingin siya sa kanyang ina na kumakain rin. Alam niyang pagod na ang kanyang ina ngayon. Pero hindi niya papalampasin ang gabi na ito nang hindi siya nagtatanong sa mga bagay na hindi niya maitindihan. “’Nay, bakit hindi mo na lang ako isama sa siyudad sa susunod?” mahinahong tanong niya. “Alam mong hindi pa ‘yan mangyayari Cyran,” naiiritang sagot ng kanyang ina. Kung hindi nga siya pinahihintulutan nito na lumabas ng kuweba nang wala ang kanyang ina, paano pa kaya ang bumaba siya ng bundok? “Pero gusto kong makita ang siyudad ‘Nay,” sabat ni Cyran. “Kahit isang beses lang.” “Gustong kong makita na may iba pang mga tao na maliban sa atin,” nangingiyak na pakiusap ng binata. Alam naman ni Sariah na darating at darating ang ganitong punto ni Cyran na kailangan na niyang kuwestiyunin ang mga bagay-bagay sa kanyang buhay.  Ang tanong lang dito ay kung kailan siya magiging handa upang sabihin ang buong katotohanan sa kanyang anak? Habang tumatakbo ang oras ay nagiging kumplikado na ang lahat sa kanila at kailangan na niyang magdesisyon bago pa mahuli ang lahat para sa kanilang dalawa. Kung nandito lamang sana ang kanyang asawa ngayon ay malamang ay hindi ganito kahirap ang pagpapasan ng obligasiyon niya bilang isang magulang. “May tamang panahon para diyan,” wika ng kanyang ina habang nakatingin sa mga mata ng kanyang anak. “Pero hanggang kailan ako maghihintay ‘Nay?” sabat ni Cyran. “Malaki na ko ‘Nay, hindi mo ko puwedeng protektahan sa lahat ng oras.” “At hindi mo ako puwedeng ikulong habang buhay sa lugar na ito,” kalmadong dagdag niya. Nabigla si Sariah. Para bang mas pagbabanta kaysa pagpapaliwanag ang mga narinig niya mula sa kanyang anak. Sa tono nang pananalita niya ngayon ay para bang ang yumaong asawa niya ngayon ang nagsasalita. O siguro ay namana niya ang ganitong ugali sa kanyang ama na may pagka-rebelde. Hindi niya tuloy alam kung ikatutuwa niya ba ito o hindi. Magkagayunman ay kailangan niyang gumawa ng paraan ngayon upang matapos na ang kanilang usapan. Alam na niya ngayon na hindi na niya kayang kontrolin si Cyran. Kailangan niyang umaksiyon bago pa man lumala ang lahat. “Naiitindihan ko,” tanging sinabi na Sariah. “Pero ikaw ang hindi ko maitindihan,” sagot muli ni Cyran na naiirita na. “Sinabi mong delikado ang mga tao sa siyudad para sa atin.” “Sinabi mo rin na hindi tayo puwedeng tumira doon kahit kailan.” Lumapit si Cyran at hinawakan ang mga kamay ng kanyang ina. “Pero bakit ‘Nay?” muling tanong ng kanyang anak. “Hindi naman ako tanga para hindi ko maitindihan sa kung anomang rason kung bakit kailangan nating tumira rito na tayong dalawa lang.” Huminga ng malalim si Sariah. “Isasama kita sa makalawa sa siyudad.” “Ikaw na ang humusga sa mga bagay na makikita mo doon,” mariing paliwanag niya. Nahinto si Cyran at hindi siya makapaniwala sa narinig niya. Ang kanyang lungkot at pagkalito ay napalitan ng pananabik. “Talaga?” natutuwang pagkumpirma ni Cyran. Agad niyang niyapos ng mahigpit ang kanyang ina na para bang isang regalo para sa kanya ang pumunta sa siyudad kasama ang kanyang ina. Naramdaman ito ni Sariah. Ano ba naman ang kasiyahanan ng isang ina kundi ang kasiyahan lang rin ng kanyang anak? “Mangako ka sa akin na hindi ka aalis sa tabi ko kapag pumunta na tayo sa siyudad,” kundisiyon ni Sariah. “Pangako, hindi ako magiging pabigat sa’yo at magiingat ako ng mabuti,” nasasabik na sambit ng binata. “Matulog ka na bago pa man mabago ang isip ko Cyran,” agad na utos ng kanyang ina. “I love you ‘Nay,” wika ni Cyran. Ano pa bang mas tatamis sa pagmamahal ng isang anak? Binigyan ng isang halik sa pisngi ni Cyran ang kanyang ina. Pagkatapos ay tumalikod na ito at nahiga sa isang sulok. Hanggang ngayon ay hindi pa rin makapaniwala ang binata sa mga bagong masasaksihan niya sa mga susunod na araw. Ngayon pa lang ay hindi na siya makapaghintay upang makita niya ang bagong mundo sa labas ng kagubutan na ito. Pero ngayon ay kailangan niya munang kontrolin ang pakiramdam na ito. Malalim na rin ang gabi at oras na rin para matulog. Pumikit si Cyran at inisip niya kung ano ba ang mga itsura ng mga tao sa labas.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD