SARIAH

2179 Words
Lumipas ang oras at hindi makatulog si Sariah. Sa kabila ng pagod dahil sa pagtakbo at pagakyat niya ng bundok ay hindi niya magawang antukin. Ang parating na bukas ang bumabagabag sa kanya. Hindi dahil sa gutom na daranasin nila kundi ang tadhana na naghihintay sa kanilang dalawa ni Cyran. Ngayon ay pinagsisihan na niya ngayon ang lahat ng mga sinabi niya sa kanyang anak pero ngayon ay wala na siyang magagawa kundi pangatawanan ang lahat ng ito. Kahit na walang apoy sa kuweba ay nakikita pa rin niya ang kanyang anak dahil sa malalam na liwanag na galing sa buwan sa labas. Mahigit labing dalawang taon na rin pala silang naninirahan dito at para bang hindi na niya namalayan ang oras. Siguro ay naging abala na rin siya sa pagaalaga kay Cyran. Siya lang ang pinaka-importane sa buong buhay niya ngayon at wala ng iba. Alam niyang marami siyang pagkukulang sa kanyang anak at alam niya ring hindi siya perpektong ina. Kung may isang bagay na magaling si Sariah bilang isang ina ay ito pagaalaga niya kay Cyran. Sa loob ng labindalawang taon ay walang kapahamakan ang nangyari sa kanya. Pero alam niyang hindi sapat iyon. Lumaki si Cyran ng walang edukasiyon. Hindi siya marunong magsulat o magbasa. Literal na wala siyang alam sa kung anomang teknolihiya ang mayroon sa labas ng bundok na ito. Hindi niya rin alam kung ano ba talagang klase ng mundo ang ginagalawan niya ngayon. Alam niya na darating ang panahon na ito na hindi na niya maaaring itago ang kanyang anak sa kuweba na ito habang-buhay. Kung puwede lang sana pero hindi. Lumapit siya sa kanyang anak at yinakap niya ito mula sa likuran. “Mahal na mahal kita rin kita anak,” malambing na bulong ni Sariah. Gumising si Cyran na wala na ang kanyang ina sa loob ng kuweba. Tanghali na pala at kitang-kita niya ngayon ang matingkad na sinag ng araw sa labas. Dahan-dahan siyang bumangon habang inaalala ang mga bagay na nangyari kagabi. Dito ay nabuhayan na siya ng diwa dahil alam niyang eksakto ang mga bagay na nangyari. Dalawang araw na lang at makikita ko ang siyudad. Dalawang araw na lang. Pero bago pa man siya bumalik sa kasiyahan ngayon ay bigla niyang naalaala ang panaginip niya kagabi. Ang sabi ni Sariah sa kanya ay posibleng dahil sa memorya ng kahapon kung bakit sila nagkakaroon ng panaginip. May katotohanan naman ito dahil madalas ay napapanaginipan niya ang kanyang ina at ang sarili niya na bumabalik sa isang alaala. Hindi man eksaktong detalyado pero may bakas ito ng kahapon. Minsan nakakapanaginip siya ng mga bagay na gusto niyang makita katulad ng siyudad. Ang ideya niya sa siyudad ay ang nagtataasan mga kuweba dahil ang sabi ni Sariah ay gawa sa semento ang mga gusali na nandoon at ang semento ay gawa sa bato. Kahit kailan ay hindi pa niya napanaginipan ang kanyang ama dahil hindi namatay na ito bago pa man siya isilang sa mundo. Kahit kailan ay hindi siya nagkaroon ng panaginip sa kanyang ama. Pero sa pagkakataong ito ay kakaiba ang panaginip niya dahil sa unang pagkakataon nakapanaginip siya ng isang babae na siguro ay kasing tanda niya. Isang babae na may mga detalye katulad ng mahaba at kulot niyang buhok. Mapungay ang kanyang mga mata at matambok ang kanyang mga labi. Kayumanggi ang kulay ng kanyang balat ngunit makinis at puro. Mapungay ang kanyang mga mata na para bang nangungusap sa tuwing titingnan niya ang mga ito. Alam niya at alam niya sa sarili niya napaka ganda ng babaeng ito. Pero para bang may mali sa kanya. Nakahubad ang babae at may mga kadena siya sa kanyang leeg, mga paa, at mga kamay. Bukod pa rito ay nararamdaman niya na malungkot ang babae Para kay Cyran ay hindi niya alam ang ibig sabihin nito. Hindi lang pakiramdam ngunit tila ba’y isang koneksiyon? Pero sino ba naman ang magiging masaya kapag itinali ka sa mga kadena?Hindi niya alam kung bakit o kung paano naging malapit sa katotohanan ang panaginip na iyon. Pakiramdam niya ay totoo ang babaeng iyon at hindi isang imahinasyon lang. Napansin ni Cyran na tinitigisan na pala siya habang iniisip ang babaeng iyon. Bago pa man siya makita ng kanyang ina ay minabuti na lamang niyang ipagsantabi ang babae sa panaginip sa kanyang isip.  Agad niyang nakita ang kalahati ng tinapay na nakapatong sa jacket ni Sariah. Kumalam kaagad ang kanyanga sikmura at sinunggaban kaagad niya ang pagkain na ninakaw pa ni Sariah muli sa siyudad. Kinagat at nilumod niya kaagad ang tinapay. Marahil ay ito na rin ang pagkain niya sa maghapon. Iisang tinapay na lang ang natitira at ang itatagal na lang nito ay hanggang bukas. Hindi na siya makapaghintay ngayon na dumating na ang makalawang araw. Bigla na lang ring naalaala ng binata na ito rin pala ang araw ngayon ng kapanganakan ng Akuma at Jinzo sa taon na ito. Sabi ng kanyang ina ay kontrolado na ng gobyerno kung paano sila ipapanganak at kung paano sila papatayin. Ito ang dahilan kung bakit may kapayapaan na sa bansa ngayon ng matagal na panahon. Lubos naman itong ipinagpapasalamat ni Cyran dahil  pagkatapos nilang ipanganak sa araw na ito ay maaari na sila muling magtanim ng mga buto ng mga halaman. Maghihintay pa sila ng ilang linggo at ‘di kalauna’y magiging normal na muli ang pamumuhay nilang dalawang mag-ina rito sa bundok. Lumakad at lumabas na ng kuweba ang binata. Mainit ang panahon ngayon na karaniwan sa buwan ng Agosto. Nagsasampay ng damit si Sariah na kanyang nilabhan mula pa sa ilog. Gumawa siya ng isang sampayan malapit kuweba na nakakabit sa parehong mataas at matulis na mga bato. Hindi naman talaga paglalaba ang tawag ni Sariah dito kundi paghuhugas lang dahil hindi naman siya gumagamit ng sabon. Magmula ng mapunta siya rito sa kabundukan kasama ang kanyang anak ay hindi na siya muling nakagamit ng anumang sabon. Minsan sa isang buwan ay pinapakuluan niya ang niya ang kanilang mga damit upang malayo sa anumang impeksiyon. Napansin niyang palapit sa kanya ang anak niya. Nakangiti si Cyran na nagbibigay kay Sariah ng lakas at tapang sa pang araw-araw. Napapawi ang lahat ng kanyang pagod o maging ang mga pangamba makita lamang niyang masaya ang kanyang anak. Para sa kanya ay isang regalo iyon na hindi niya makakalimutan habang-buhay. “Kumain ka na ba?” tanong ng ina. Humigab si Cyran, “Opo ‘Nay.” “Akin na ang t-shirt mo at lalabhan ko na rin,” utos ni Sariah. Hinubad ni Cyran kanyang t-shirt at iniabot niya ito. “Maliligo na rin ako,” dagdag ng binata. “Bilisan mo lang, ‘wag kang magtagal,” paalala ni Sariah. Bago pa man tumalikod ang binata ay bigla itong may naalala at muli siyang tumingin sa kanyang ina. “’Nay ano palang paboritong pagkain ni Tatay?” tanong niya. Hindi inasahan ni Sariah na magbabanggit si Cyran tungkol sa kanyang ama. Kailan ba ang huling pagkakataon na nagtanong siya tungkol kay Markus? Tatlong taon na ba ang nakakalipas? Ngumiti si Sariah, “Mahilig sa matamis ang ama mo.” “Pero sa lahat ng matamis e chocolate cake ang pinaka gusto niya.” Hindi napigilan ni Sariah na bumalik ang alaala niya kay Markus na para bang kahapon lang ito nangyari. Tandang-tanda niya kung paano maging masaya ang yumao niyang asawa nang dahil lang sa isang gayat ng chocolate cake. Labing dalawang taon na ang nakakalipas pero sariwa pa rin ang pagmamahal na inilaan ni Markus para sa kanya. Ganoon rin ang sugat ng alaala. Bukod sa pagiging asawa ni Markus ay naging isang matalik rin niyang kaibigan ito. Puwedeng niyang sabihin kay Markus ang lahat ng bagay at hinding-hindi siya huhusgahan nito. Isang mabuting tao, lalaki, kaibigan at asawa si Markus. Bakit ba kailangan pang mamatay ng isang taong minahal ka at minahal mo rin ng buong-buo? Hindi niya alam kung bakit siya nagiging masaya at malungkot sa tuwing naiisip niya si Markus. “Bakit ka umiiyak ‘Nay? May problema ba?” nagaalalang tanong ni Cyran. Hindi namalayan ni Sariah na lumuluha na pala siya. Agad niyang pinahid ang kanyang mga luha ng kanyang mga kamay. Ngumiti siya muli at napatawa. “Wala, naalala ko lang muli ang Tatay mo,” paliwanag ng ina. “Sorry “Nay,” wika naman ni Cyran. Ito ang dahilan kung bakit ayaw magtanong ni Cyran tungkol sa kanyang ama. Akala niya ay sapat na ang ilang taon upang buksan ang alaala ng kanyang ama kay Sariah pero hindi pa pala. May pagkakataon pa ba na maririnig niya ang kuwento ng kanyang ama nang hindi umiiyak si Sariah? Ngumiti ulit si Sariah, “Wala kang kasalanan.” “Sa palagay ko magugustuhan mo rin ang chocolate cake,” sambit niya muli sa kanyang anak. “Ahhhh. Siguro magugustuhan ko nga rin po ang chocolate cake,” sagot naman ni Cyran. Kahit kailan ay hindi pa nakakakain ng chocolate cake ang kanyang na anak. Hindi niya rin alam kung makakakain pa ba siya nito dahil marami ng uri ng halaman ngayon ang tuluyan ng nawala. Nagbago na ang mundong ginagalawan nila ngayon. “Sige ‘Nay maliligo muna ako,” pagpapaalam ng kanyang anak at pagkatapos ay tumalikod na ito. “’Wag kang maglangoy sa malalim ha,” paalaala ng kanyang ina. Agad napansin ni Sariah ang isang kulay itim na marka na nasa ibaba ng batok ng kanyang anak. Isang bilog ito na isang pulgada ang lawak at laki. May isang hugis crescent na nakapahiga ang dalawang tulis nito.Sa ilalim ng crescent ay may limang bilog na nakahanay katulad ng mga talulot ng isang bulaklak. Habang sa pinaka-ilalim nito ay isa pang crescent na nakapahiga naman paibabaw ang mga tulis. Ang kaibahan lang ay mas maliit ang crescent  na ito kaysa sa nasa ibabaw at may patusok rin ito sa bandang gitna upang magkorte na parang isang nakaunat na triangulo.  Isa itong birth mark ni Cyran.  Hindi naman ito binigyang pansin ng kanyang anak at isang beses lang siyang nagtanong kung paraan saan ito. Sinabi lamang ni Sariah na malalaman niya rin ang kahulugan nito balang araw. Kahit minsan ay hindi na niya itong tinanong pa kung bakit siya mayroon nito o para saan. Mukhang malapit na ang oras na iyon para sabihin niya kay Cyran kung ano nga ba talaga ang ibig sabihin nito simbolo sa kanyang likuran. Mahigit dalawang kilometro ang layo ng ilog mula sa kuweba. Bago pa man makarating si Cyran rito ay tumagaktak na ang kanyang pawis dahil sa init ng araw at pagod. Lalo na ngayong Advent Season kung saan patay lahat ng halaman. Nagdudulot ito ng mabigat na hangin na nalalanghap nila dahil bumababa ang oxygen sa kapaligiran nila. Habang papalapit ng papalapit ang katapusan ng panahon nito ay pabigat rin ng pabigat ang pakiramdam nila. Patay ang kapaligiran dahil walang mga halaman at wala ring mga hayop. Ang tanging nakikita niya lang ngayon ay mga bato, lupa at ang ilog. Tuwing Advent Season ay walang buhay sa kapaligiran at ito ang pinakamumuhian ni Cyran na mga buwan. Nang dahil sa kalamidad na nangyari sa kasaysayan ng mundo ay maraming uri ng hayop, insekto at mga halaman ang tuluyan nang nawala. Ang mga halaman na lang na natitira ngayon ay mga uri na namumunga sa loob ng sampung buwan. Sa bundok na ito ngayon ay walang kahit anong buhay maliban sa kanilang mag-ina at ang ilog sa kanyang harapan. Maraming bagay ang hindi na siya nagkaroon ng tiyansa na makita na mga nilalang na naglaho na. Pero hindi na iyon mahalaga ngayon dahil makikita na niya ang mga bagay na natira sa mundo. Sabi ng kanyang ina na may ilang mga hayop pa rin ang nabubuhay sa loob ng siyudad at isa ito sa mga bagay na kinasasabikan niya. Agad niya tuloy naisip ang mga paru-paro na laging kinukuwento ni Sariah sa kanya. Makulay raw ang mga insekto na ito na lumilipad sa hangin. May dalawang pakpak na may kakayahang mapadpad kung saan man nila gustuhin. Sabi ng kanyang ina ay maari pa raw makita ang mga ganitong insekto sa isang lugar sa siyudad. Ito rin ang isa sa mga dahilan kung bakit gusto niyang makarating sa siyudad. Bakit ba hindi na lang ganito dinesenyo ang mga tao katulad ng mga paru-paro? Alam naman niyang delikado ang siyudad katulad na palaging sinasabi ni Sariah sa kanya at naniniwala siya doon. Kahit kailan ay hindi pa nagsinungaling ang kanyang ina kahit saan mang bagay. Oo naman, marami siyang mga bagay na ayaw pa niyang sabihin sa kanya pero hindi niya ito ginagamit upang pagtakpan ang isang katotohanan. Ito ang isang ugali ni Cyran na minahal niya kay Sariah. Agad tumalon si Cyran sa ilog ng makarating siya rito. Ipinikit niya ang kanyang mga mata bago pa man siya humampas sa tubig. Hanggang lumubog siya dahil gusto niyang mapunta sa ilalim ng tubig. Malamig ang tubig na agad nagpakalma sa katawan at isipan ng binata. Naaalala niya muli ang kanyang ama.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD