Sa ikalaliman ng tulog ni Cyran ay nagkaroon muli siya ng koneksiyon kay Tris. Dito ay nakita nila muli ang isa’t-isa. Nabigla siya ng makita niya si Tris. Hindi inasahan ni Cyran na makikita niya muli nang ganito ang kanyang Akuma. May lumalabas na dugo sa kanyang mga mata, ilong, tainga at bibig. Hindi tumitigil ang pagdaloy nito dahilan upang mahugasan ng dugo ang kanyang katawan. Ang kanyang mga mata ay nagmistulang kulay pula. Nanginginig ang kanyang buong katawan. Ang kanyang mukha ay punong-puno ng kalituhan at galit. Sumigaw ang Akuma sa abot ng kanyang makakaya. Sumigaw siya ng sumigaw sa pagbabaka-sakaling mawawala and kirot na nararamdaman niya. Dito na rin naramdaman ni Cyran ang purong galit ni Tris. Mas matindi ang galit na ito kaysa sa kanyang inasahan. Poot na kahit mis

