Nakatingin muli ang Hari sa mga bituin. Hanggang ngayon kahit sa ganitong edad niya ay hindi pa rin siya nagsasawa na tumingin sa kalangitan dahil sa binibigay nitong kapayaan sa kanyang isip. Kailan nga ba si Ezra nawalan nang pananamlataya? Tandang tanda pa rin ang petsa hanggang ngayon kahit na bata pa lamang siya ay namulat na siya sa ganitong ideya. Perpekto ang buhay ni Ezra noon, nagtratrabaho sa militar ang kanyang ama na isang heneral habang ang kanyanga ina naman ay isang medical doctor. Nag-iisang anak lamang si Ezra at ang lahat ng gustuhin niya ay nakukuha niya. Walang ibang ginawa ang kanyang mga magulang kundi ang maging masaya si Ezra habang siya ay lumalaki. Lumaki si Ezra sa isang konsebatibo at relihiyosong pamilya na tipikal na nagbabasa bibliya tuwing araw ng Biyern

