Alas siyete na ng gabi ng dumating si Heneral Naga sa kanyang tahanan. Agad siyang umupo sa sofa sa salas at pinagmasdan niya ang kanyang chess board. Naalaala niya ang sulat na banta na natanggap ng Hari galing sa Zion. Hindi siya natatakot sa anumang banta nila. Pero siguro nga ay mas mabuti na palakasin nila ang puwersa ng mga sundalo rito sa Magwayen upang mas maprotektahan nila ng mabuti ang Test Center. Siguradong ang tanging pakay nila ay mapalaya ang tatlong Akuma na nasa puder nila. Ang kalayaan ng tatlong Akuma ang magiging kamatayan nilang lahat. Kung pagbabasehan na lamang si Magenta ay may kakayahan siyang pasabugin ang buong siyudad. Paano pa kaya na tatlo sila? Para bang mga nuclear bombs sila na nakatago sa ilalim ng siyudad. Kaya kailangan niyang pagisipan nang mabuti

