Bakit kaya sobrang addicting ang jealousy? Bakit painful ang jealousy pero addicting? Bakit kaya makapangyarihan ang jealousy upang impluwensyahan ang pagiisip ng kahit sinoman? Bakit kaya isa itong masamang pakiramdam ngunit paulit-ulit nating ginagawa hanggang unti-unti na nating makalimutan kung ano ba talaga ang kahulugan ng kaligayahan. Bakit parte ng buhay natin ang mag-selos kung ang idudulot lang naman nito ay desperasiyon o kalungkutan? Mali ba ang lubos na magmahal sa isang tao at mahalin ka rin nito pabalik? Bakit kaya hindi reciprocated ang pagmamahal na binibigay natin sa mga taong alam natin na magpapasaya sa atin? Bakit ang mga nagpapasaya sa atin ay ang mga taong hindi naman tayo mahal? Bakit sa huli ang laging natatalo ay kung sino yung mas nagmamahal? Bakit napaka-kum

