Ilang oras pa ang lumipas ay may bagong bisita ang Hari sa kanyang palasyo. Umiinom ng tsaa si Heneral Quintana habang nakaupo sa harapan ni Ezra sa kanilang kusina. Masiglang-masigla ngayon ang Heneral sapagka’t sa maraming taon na lumipas ay muli siyang inimbitahan ng kanyang Hari sa palasyo. Hindi siya makapaniwala sa mga pagkain na nakahain sa kanya ngayon na parang gusto niyang tikman ang bawat isa sa mga ito. Subali’t hindi niya ginawa dahil kahit papaano ay gusto niyang magmukhang propesyonal at desente sa harapan ng kanyang Hari. Marami siyang gustong itanong sa kanya ngayon at sa katunayan ay wala siyang ideya kung bakit siya ipinatawag ng Hari ngayon. Katulad sa regular na araw ng Hari ay nakasuot na siya muli ng regular niyang kasuotan. May suot siyang itim na closed-neck bl

