Abala ang halos karamihan sa Maharlika sa pagpupunla ng binhi. Para kay Sariah naman ay isa itong mahabang araw. Tirik ang mainit na araw sa kanyang likuran habang siya ay nagpupunla ng mga binhi ng sunflower sa hardin ng mga Naga. Pasado alas diyes na ng umaga ngunit hindi pa rin siya tapos magpunla ng mga naturang binhi. Sa katunayan ay hindi pa siya tapos dahil pagkatapos niya sa mga sunflower seeds ay magtatanim naman siya ng mga binhi ng iba’t ibang rosas sa bawat kanto ng lupa na pagaari ng mga Naga. Hindi pa rin doon lahat nagtatapos, dahil pagkatapos naman niyaang magtanim ng mga ito ay magpupunla naman siya ng iba’t-ibang uri ng gulay at mga sili. Hindi naman alintana ni Sariah ang pagod dahil pangkaraniwan rin naman niya itong ginagawa sa kabundukan pagkatapos ng Advent Season

