Gumising si Marik pasado alas syete na nang umaga. Sa kanyang pagising ay hindi ba niya alam kung may nagkaroon siya ng panaginip dahil hindi na niya ito maalaala. Ang alam lang niya ngayon ay magaan ang kanyang pakiramdam dahil sapat ang kanyang tulog. Agad siyang nakaramdam ng gutom at masigla naman siyang tumayo mula sa kanyang malambot na kama. Malaki rin ang silid ng Prinsipe na kasing laki nang sa silid nang sa Hari. Ang kaibahan lang ay wala siyang balkonahe. Kulay puti ang pintura ng bawat haligi sa kanyang kuwarto na may isang malaking chandelier. Nandito rin sa kanang parte ang isang malaking cabinet na lalagyan ng kanyang mga damit. Katapat ng kanyang kama ay isang bilog na lamesa na gawa naman sa kahoy na may dalawang upuan. Sa likod ng lamesa ay isang mini library. Ang li

