Chapter 16: Intrams (II)

1272 Words
Chapter 16 Autumn’s PoV Ako lang ba o parang parehas lang ang sagot nina Summer at Ice. “Winter, napansin mo rin ba?” tanong ko kay Winter “Yes.” Sagot nya “Parang parehas lang ng sagot sina Ice at Summer.” Sabi ni Sky sinang ayunan naman nung mga kasama namin. Inaanounce na yung mga best “Our Best in Swimwear is the representative from Seasonial Academy.” Sabi ni Tony tapos sinabitan ng sash yung dalawa. Hinakot na nga nila yung lahat ng  awards. Sila na best in swimwear, best in talent, best in Q&A. Ayan na iaanounce na yung winner. “The Mr. And Ms. Intrams is none other than the representatives of Seasonial Academy.” Pag aanunsyo ni Billy at Tony. Kinoronahan naman si Sum tapos nilagyan ng sash at binigya ng flowers tapos nilagyan naman nila ng Sash si Ice tapos may kasama pang parang baton ba yun na may koronang maliit sa tuktok. Haay kawawa yung iba walang naiuwing kahit isang award tong dalawang toh naman talaga oh. “Congrats Summer, Ice.” Bati ni Astrid pagkalapit dito nina Ice at Sum “Uwi na tayo.” Sabi ni Sum habang naka pout “Apoy, don’t pout.” Sabi ni Ice kay Sum “Gusto ko na talaga umuwi.” Sabi naman ni Sum “Bakit gusto mo ng umuwi?” tanong ni Neith “Basta.” Sabi ni Sum tapos tumabi kay Winter at ate Lavalee “You’re hungry?” tanong ni Winter sa kapatid nya tumango naman ito “Bakit di ko nga ba napansin.” Sabi naman ni ate Lavalee “Anong di mo napansin ate Lavalee?” tanong ni Cloud “Gutom na nga si Freia dahil.” Pabitin na sabi ni ate Lav “Dahil?” takang tanong namin ni Thunder “She’s more childish and bipolar when she’s hungry.” Sabi naman ni Ice kaya sinamaan sya ng tingin ni Sum “Hindi kaya. Gutom ka narin kaya wag ka manuro.” Sabi ni Sum tapos lumapit kay Ice at binatukan sya “And sadist too.” Dagdag naman ni Ice kaya babatukan sana ulit sya ni Sum kaso nagsalita si Rie “Tara na. Baka mabaliw na si Ice kakabatok ni Sum.” Sabi ni Rie kaya naglakad na kami “JC musta pagbisita mo kayna Riley?” narinig kong tanong ni Sum kay JC Summer’s PoV “Mabait pa din yung parents ni Riley, wala silang pinagbago.” Sagot sa akin ni JC Oo nga pala Best friend ni Riley si JC dati sa States. Kaya kilala na nina tito at tita si JC. Naramdaman ko namang umakbay si Ice sa akin. Paano ko nalaman? Wala naman kasi akong ibang katabi bukod sa taong yelo na to. “Wag kang umakbay.” Sabi ko tapos hinarap sya, kaso dapat hindi na pala kasi muntik na kami magkiss. Tumalikod naman ako ulit tapos nagtuloy-tuloy sa paglalakad. “Uy Sum iniwanan mo na yung partner mo doon.” Sabi ni Kuya Xander sa akin “Gusto ko na talaga umuwi at saka di naman natin sila kasabay.” Sabi ko naman Maya-maya pa nakarating na din kami sa limousine. Si kuya Warren daw magda drive. Ganito na yung pwesto namin;                        Cath – Kuya Kent – Zia – Riley – JC – Ako | Kuya Warren                   Astrid & Ate Rielle ___________________ Ate Lav| Ate Winter Eris – Ate Autumn – ate Spring – Kuya Xander – Astrid | Kuya Charlie Nagkasya kaming lahat dun sa Limo. Buti hindi nagtataka sina Kuya Thunder kapag ginagamit namin tong Limo at kapag napunta sila sa bahay. Siguro iniisip nila na di porque nerds kami mahirap lang kami. Well sana isang araw umamin na kami kasi baka sa sobrang pagsisinungaling namin pag amin namin di na nya ako matanggap. “Huy Sum. Ba’t ka tulala?” tanong ni Kuya Xander “Don’t mind me.” Sabi ko tapos umayos ng upo “What’s bothering you Freia?” tanong ni ate Lav nginitian ko naman sya ng tipid at umiling “Sige Sum mukhang mali yung tanong ni ate Lavalee eh. Who’s Bothering you?” tanong ni ate Autumn “Who? Bakit naman ate Autumn?” tanong ni kuya Kent kay ate Autumn. Nakibit balikat naman si ate Autumn tapos bumaling ulit sa akin at tinanong ako “Well since wala namang Shaddow Warriors dito I guess I can tell it.” Sabi ko tapos bumuntong hininga napatingin naman si ate Winter dito gamit yung salamin sa unahan. “You want to tell them the truth?” Sabi ni ate tapos tumango “What do you mean ate Winter?” tanong ni JC “Well, kasi nga diba sinisikreto namin sa mga Shaddow Warriors members yung tungkol sa totoong Identity namin, I figured out that its’s better if we tell them the truth.” Sabi ko sa kanila “Well may point naman si Sum. Ako nga din eh balak ko umamin kay Neith kasi kami na tapos isa-suggest ko sa inyo.” Sabi ni ate Rielle habang medyo namumula pa “Kaya naman pala grabe magselos yun nung sinubukan kitang yakapin.” Sabi ni kuya Charlie mula sa unahan namula naman lalo si ate Rielle. “EH ikaw Autumn,” sabi ni kuya Warren kay ate Autumn habang nagda drive “Anong ako?” tanong ni ate Autumn “Anong meron sa inyo ni Thunder?” tanong ulit ni kuya Warren “Oo nga ate Autumn, anong meron sa inyo ni kuya?” tanong ni Riley “W-wala.” Sabi nya sabay iwas ng tingin “Eh bakit ko kayo nakitang – SHUT UP SUMMER!!” pagputol ni ate Autumn sa sasabihin ko. Napa preno naman si Kuya Warren sa pagsigaw ni ate Autumn, sinamaan naman sya ng tingin ni ate Winter tapos maya-maya tumingin sya sa akin tapos tumingin ulit sya kay ate Autumn at nag smirk. “Nakita mo silang ano Sum?” tanong ni ate Rie “Yung ginawa sayo ni kuya Neith sa likod ng MedTech Building.” Sabi ko tapos napansin kong nagtataka akong tiningnan ni ate Autumn “Ano?! Nakita mo yun?!” gulat na sabi ni ate Rie “Ano ba kasi yun?” tanong ni Astrid “Sleepover tayo tapos papuntahin natin yung Shaddow Warriors sa bahay ang sabihin natin para icelebrate ang panalo nina Summer.” Sabi ni ate Spring. Teka pansin ko lang bihira na mag conyo ang babaeng to ah. Pabayaan na nga lang. ~~~AFTER A WHILE~~~ Hay at last andito na kami sa bahay. Wait bakit nandito lahat ng Maids. AH alam ko na hinanda na ito ni ate Lavalee. “Lady Lavalee, *bow* handa na po lahat ng pinahanda nyong pagkain at nakahanda na din po ang Dining room.” Sabi ni Manang Carlota at nagbow tapos umalis “Lady Lavalee, *bow*  na ayos na din po ang Garden para sa party ni Young Empress Summer.” Sabi ni Butler Jin tapos nag bow at umalis. “Young Ladies, Young Empress and Lady *bow* tumawag po si Master Snow kanina habang wala kayo.” Sabi naman ni Butler Ian tapos nagbow din at umalis Yung totoo bakit lahat sila nagba bow, magsasalita tapos magba bow ulit at aalis, anong meron sa mga tao ngayon? Ipina akyat ko nalang kay Manang Fe yung gamit ko, binigay ko kay manang Fe yung idenification card na ibinibigay lang kapag importante talaga at every after use kailangan ilagay mo ulit yung card pass. “Halatang di ka prepared ate Lav ah.” Sabi ni kuya Kent tapos umiling “Alam ko namang mananalo tong kapatid ko. Si Freia pa.” Sabi ni ate Lav sa kanila. Sana di kita ma disappoint ate Lav, kahit kailan. “Sinong may number ng Shaddow Warriors?” sabi ni JC “Pupunta si Ice dito pagka rating nila sa bahay.” Sabi ko kaya tiningnan nila ako. “Paano mo nasabi?” tanong ni Cath “Nakalimutan nya kuhanin yung phone, headset, at kwintas nya sa bag ko.”  Sabi ko kaya lahat sila napatingin sa akin tapos ngumisi ng nakakaloko “~~May masyadong obvious lalala~~” kanta nila tapos ngumisi ulit ng nakakaloko “Kami nga ni Cloud di namin ginagawa yan. Take note nasa isang relationship kami tapos kayo ginagawa. Are you really just friends?” tanong ni ate Spring inirapan ko naman sya. Ano ba ang problema nila doon. Tch masyado silang naglalagay ng malisya. “Tamo tong si Sum nahawa na kay Spring na nang iirap. Ikaw kasing babaeng conyongita ka wag ka masyado umirap irap sa harap ni Sum nahahawa sayo eh.” Sabi ni ate Rie
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD