Chapter 17
Maya maya pa narinig na naming tumunog yung doorbell sa labas.Bumaba na si Manang Fe at iniabot yung card sa akin. Tinanguan ko naman si Manang Fe nung tinanong nya kung pagbubuksan.
Lumabas naman si Manang Fe at pinagbuksan yung mga nasa labas.
“Hey!” bati ni kuya Sky pagkapasok niya sa pinto.
“Lyn.” Tawag ni kuya Neith kay ate Rie
“Zach.” Bati naman nito pabalik
Pumasok naman yung ibang Shaddow Warrior Members.
“Woah anong meron?” tanong ni kuya Thunder
“Mag ce celebrate kami ng panalo nung dalawa.” Sabi ni Riley sa kuya nya
“Eh bakit di nyo kami sinabihan? Kasama din naman si Ice ah.” Sabi ni kuya Sky na aktong nagtatampo
“Alam ko naman kasing pupunta si Yelo dito at paniguradong sasama kayo.” Sabi ko kaya napatingin yung Shaddow Warriors tapos lumapit si Ice sa akin.
“Paano ka nakasigurado?” tanong naman ni kuya Cloud
“She have my phone, headset and necklace.” Sabi ni Ice pagkapasok, lumapit ako sa kanya tapos hinigit ko siya paakyat sa kwarto ko.
“Where are we going?” tanong nya sa akin
“Sa kwarto ko. Nakalimutan ko kasi kunin yung gamit mo bago ko ipalagay sa kwarto yung gamit ko.” Sabi ko tapos maya-maya pa nakarating na din kami sa tapat ng kwarto ko. Inilagay ko na yung pin di naman kasi nakatingin si Ice.
Lavalee’s PoV
Hayst dalaga na ang pinaka bata kong kapatid.
“Saan pupunta yung dalawa?” tanong ni Neith na naka akbay kay Rie pero kitang kita ko kung paano umirap si Rielle. Naku po kawawang Neith sa Amazona Warrior Princess pa na-inlove.
“Sa kwarto ni Sum.” Sagot ni Autumn
“Anong gagawin nila doon?” tanong ni Thunder
“Wag mong sabihing isusuko – Wag kang GM, Hindi mangayari yun.” Pagputol ni Spring sa sasabihin ni Cloud
“Just making sure babe.” Sabi ulit ni Cloud
“Ice ang tagal mo.” Rinig kong sigaw mula sa taas, ambilis naman nila.
*BEEP *BEEP
Mukhang alam na ni kuya.
Pinindot ni Icey yung answer button at lumabas na ang mukha ni kuya Snow
“Where’s Hime Freia?” bungad nito sa amin
“Ouch naman kuya. Si Freia agad?” pag aakto kong nasasaktan
“Hime Lavalee Flamelinne.” Sabi nya using his oh so very cold tone na kung isang ordinaryong tao ka lang ay magtataasan na yung balahibo mo.
“Kuya Snow, don’t use that tone.” Sabi ni Sum pagkalapit nya dito
Nakita ko namang napa buntong hininga sya. Lahat kami ay prinoprotektahan si Freia dahil sya lang sa aming magkakapatid ang nakakuha ng dugo ni Eomma. Masyadong rare ang dugo niya na halos isang pamilya lang ang meron nun, Ang pamilya ni Eomma lang pero wala ng natitira pang buhay sa pamilyang yun na nagtataglay ng dugo na yun lahat sila ay iba na ang dugo, kaya sobrang ingat namin kay Freia.
“Congratulations, Hime Summer Freia.” Bati ni kuya kay Freia ngumiti naman ito
“Thank you kuya Snow.” Sabi nito tapos ngumiti
“Who’s that guy beside you?” tanong nito kay Freia na ka holding hands si Ice. Teka I smell something fishy sa bunso namin.
“Yelo magpakilala ka nga.” Sabi ni Freia tapos siniko ng mahina sa tagiliran si Ice.
“Hello sir, I’m Rain Ice Hamilton, 14 years old.” Sabi ni Ice tapos maya-maya pa napatingin na sa cellphone nya nakita ko namang parang napapatawa si Freia.
Summer’s PoV
Pinipigilan ko na matawa sa reaksyon ni Ice nung narinig nya yung oh so very cold tone ni kuya kanina, kala mo napaka amo. Maasar nga
Scared of my brother? – text ko
Nakita ko naman sya na may masamang tingin sa akin, kaya nag peace sign ako.
“So he’s your partner in the contest then.” Sabi ni kuya Snow
“Lady, Young Empress, young ladies ang young masters The food is served.” Sabi ni manang Carlota
“You should get going then. Again congratulations Hime Freia, Mr. Hamilton.” Sabi ni kuya Snow tapos namatay na.
“Hahaha.” Tawa ko sa reaksyon ng mga kasama naming di sanay, sina ate Autumn at yung iba ko pang ate pati kuya sanay na sila, pati na din si JC, Zia at Astrid dahil pinsan namin sila.
“Anong nakakatawa Summer?” tanong ni kuya Sky
“Hahaha pfft Nakakatawa kasi yung pfft reaksyon nyo nung ginamit ni kuya yung cold tone nya.” Sagot ko naman nakita ko naman silang sinamaan ako ng tingin kaya nagpeace sign ako
“Nagtataka lang ako, bakit sina Warren, Charlie, Alexander, JC at yung katabi ni Zia na lalaki hindi kinabahan dun sa tono nya?” bakas ang pagtatakang tanong ni kuya Neith
“Pati na din ang kapatid ko at ka-gang nya.” Sabi naman ni kuya Thunder
“Kasi sanay na sila.” Sabi ni ate Autumn
“Bakit at Paano?” tanong naman ni Cloud
“Kasi po si Kuya Xander pinsan ni ate Spring, si kuya Kent at JC pinsan namin ni ate Winter at Lavalee, si Astrid at Kuya Charlie naman pinsan ni ate Rielle, tapos si kuya Warren at Zia, pinsan ni ate Autumn dahil doon kapag napunta sila kasama yung mga pinsan nyo.” Pag eexplain ko
“Well actually pinsan na din namin si Zia dahil kasal na sila ni Kent.” Sabi ni ate Lavalee tapos lahat kami tinakpan yung tenga tapos isinuot ni Ice yung headphones nya nung tinakpan ko yung tenga ko.
“WHAAT?!” sigaw nung apat
“Ate Lavalee naman. Secret lang yun diba.” Pagmamaktol ni Zia tapos nag pout.
“Ikinakahiya mo ba na isang famous model ang asawa mo, Zephoebe?” tanong ni kuya Kent
“Hindi pero nakakahiya maging asawa ng isang sikat tapos ikaw hindi.” Sabi naman ni Zia
“Tara na sa Dining room gutom na talaga ako.” Sabi ko tapos naglakad na papunta sa Dining Room.
Umupo na kami ganito yung naging pwesto namin;
Ate Lavalee
Ate Winter| * |Kuya Sky
Ako | * | Ice
Ate Rielle | * |Kuya Neith
Ate Autumn | * |Kuya Thunder
Riley | * | Jasper
Astrid | * | Kuya Charlie
Eris | * | Kuya Warren
Cath | * | Kuya Xander
Zia | * | Kuya Kent
Vacant
Pinaghandaan talaga ni ate tong celebration na toh. Alam nyo kung anong inihanda para sa amin?
Ang mga pagkaing naka handa para sa celebration na toh ay kare-kare, adobo, fried rice, fried chicked, fried fish, tinola, carbonara, chocolate, salad and ube ice cream.
Pero to think na 19 lang kaming kakain sayang, buti nalang madaming maids and butlers ngayon.
Natapos na kaming kumain, pumunta na kami sa garden tapos nagsimula na yung party. Maya-maya pa narinig kong tumunog yung doorbell sa labas ng gate. May bisita pa bang darating? Baka sina ate nagpapunta.