Chapter 18
*DINGDONG *DINGDONG
Pinapunta ko si Butler Jin kasi nakain pa yung mga maid samantalang sya andito at nagbabantay sa amin.
“Young Empress *bow andito po ang Tres Marias.” Sabi nito at umalis na
“Ate Jodi, ate Rienne, ate Dianne.” Bati ko pagkalapit nila
“Hi baby Summer.” Sabi ni ate Dia at pinisil ang cheeks ko
“Aray naman ate.” Sabi ko
“Nasaan sila? Sabi ni ate Lav may party ka raw.” Sabi ni ate Jodi
“Nasa garden sila kasama ang-” di ko na natapos ang sasavihin ko ng may tumawag sa akin
“Apoy!” si Yelo lang pala
“Anong kailangan mo?” tanong ko
“Spring’s looking for you.” sabi nya tumago lang ako
“Hi anong pangalan mo?” bati ni ate Dianne kay Ice
“Huy Yelo, magpakilala ka daw.” Sabi ko Teka nga napapansin ko pagkasama ko tong si Ice tapos tinanong sya kung anong pangalan nya ako nagpipilit sa kanya magpakilala.
“Rain Ice Hamilton. 14.” Cold na sagot nya
“Inatake ka naman ng pagka bipolar mo.” Sabi ko tapos binatukan sya ng mahina.
“Ate Jodi, ate Dianne, ate Rienne, sa garden nalang tayo. Andun nga pala ang SRG, SWG, Acerz at sina ate kasama si kuya Kent.” Sabi kotapos naglakad nalang kami papunta doon sa Garden.
“Ate Jodi gutom na kayo?” tanong ko sa kanila, sa kanila kasi si ate Jodi ang pinaka matakaw pero sexy pa din, ni hindi nga yan nataba eh.
“Oo.” Sabi nila kaya hinigit ko sila sa Dining room, at nagpahanda ulit ako
“Ang dami naman nito Summer.” Sabi ni ate Dia
“Kanina pa kasi kami kumain.” Sabi ko kaya tumango lang sila. Pagka kain nila pumunta na kami sa Garden nauna silang maglakad.
Nung nakapasok na sina ate Dianne hinigit ko yung kamay ni Ice para patigilin.
“Why?” tanong nya sa akin
“Just listen.” Sabi ko tapos lumapit kami.
Autumn’s PoV
Andito kami ngayon sa garden. Kanina pa umalis si Summer, pero hanggang ngayong di pa sya nabalik.
“Hi guys.” Bati ng tatlong babae mula sa entrance ng garden.
“Jodi?!”
“Rienne?!”
“Dianne?”
Sabay-sabay na sabi nung Acerz sa nasa may entrance ng garden. Totoo ba tong nakikita ko, hahaha, si Warren nakanganga, si Charlie nanlalaki ang mata at nakapalobo ang bibig na pinipigilang maibuga ang inumin nya at si Xander na nakababa ang libro at nanlalaki ang mata.
“Hahaha hahaha hahaha.” Rinig naming tawa sa gilid ng entrance. Isa lang naman ang kilala kong ganyan, none other than Summer Freia Hanazono.
“Nakita nyo sana yung mga mukha nyo.” Sabi nya habang nakangiti
“Bakit andito sila?” tanong ni Warren
“Ininvite ko.” Sagot ni ate Lavalee
“Hi ate Lav.” Bati ni Dianne kay ate Lavalee
“Dianne, Jodi, Rienne.” Sabi ni ate Lav at niyakap yung tatlo
“Ate.” Bati naman ng Acerz at tumakbo payakap dun sa tatlo
“Ano Zia, wala pa ba?” tanong ni Dianne kay Zia, namula naman si Zia
Summer’s PoV
Nakakatawa talaga sila.
Pagkalabas namin ni Ice sa pinagtataguan namin, nakita kong nakayakap sa Tres Marias ang Acerz, at namumula si Zia.
“Ate Dianne, mas excited ka pa sa kanila eh.” Sabi ko ka ate Dianne tapos inakbayan si Zia
“Naku Summer, kaya pala ikaw may boyfriend na?” sabi ni ate Rienne
“Ako? May boyfriend? Wala ate.” Sabi ko sabay ngiti
“~~~Kaya pala may kaholding hands sya ~~~” kanta nilang lahat na kanina pa nakikinig maliban kay Ice at ate Winter.
“May ipapakita akong picture sa inyo.” Sabi ni ate Autumn tapos ngiti
“Ano yun?” tanong nila
“Autumn ipapakita mo sa kanila yung picture nung papunta sa Airport?” tanong ni ate Rielle. What the?! Anong picture
“Eto oh.” Pakita ni ate Rielle ng picture, Picture namin ni Ice na tulog habang yung kamay namin magkahawak. THE HELL!! Kailan nila kinuha yan.
“Awtsu dalaga na si Sum.” Sabi naman ni ate Jodi
“Humanda kayong dalawa sa akin.” Sabi ko sabay smirk.
“Bakit Sum?” tanong ni ate Rienne
“Mamaya ko na sasabihin.” Sabi ko
“Sum akala ko ba aamin na kayo?” sabi ni Astrid
“Aamin? Anong aaminin?” tanong ni kuya Sky
“Wag kayo magugulat ah?” sabi ni ate Autumn at tumango naman sila
“Hi my name is Aqualyn Rielle Kirigaya.” Sabi ni ate Rielle
“Bakit – KIRIGAYA?!” sigaw nila bigla
“Hello there my name is Spring Lyandy Amano.” Sabi naman ni ate Spring
“Teka nga bakit iba ang lastname nyo na sinasabi?” tanong ni kuya Neith
“Kasi po nagsinungaling kami, di talaga kami nerds at saka kami ang elite 5.” Sagot ko naman
“Elite 5? Kayo din ang may ari nung S.A.?” tanong ni kuya Cloud
“Oo. I am Summer Freia Hanazono.” Sabi ko kaya naglakihan ang mata nila
“Hanazono ka? Ibig sabihin sina Winter at ate Lav- Yes Hanazono rin kami.” Pagputol ni ate Lavalee sa sinasabi ni kuya Sky
“Ibig bang sabihin si Autumn isang Hiroshima?” tanong ni kuya Thunder tumango naman kami
“Di nyo pala alam yun?” tanong ni ate Dianne tumango naman sila
“Huhulaan ko ang mga last names na ginamit nila, CHOI, KAN, YU, CHEN, tama?” tanong ni ate Rienne
“Hay naku di talaga kayo nagbago.” Sabi naman ni ate Jodi
“Di nyo rin alam na gangster rin sila?” tanong ni kuya Warren
“Gangster kayo?!” sigaw nila
“Snow.” Sabi ni ate Winter
“Wla namang Snow Gang sa Ug ah?” tanong ni kuya Zach
“Slow mo, code name nya yun. Ako naman Wave.” Sabi ni ate Rielle
“Snow, Wave, teka isa lang ang may ganyang codenames, wag nyong sabihing-” di na natapos ni Cloud ang sasabihin nya nung pinutol na yon ni ate Spring
“Yes babe. We are the SB.” Sabi niya
“Ang nakalaban nyo ay kami.” Sabi ko
“Anong codenames nyo?” tanong ni kuya sky
“Ako si Wave ang nakalaban ni Neith, si Autumn si Fall na nakalaban ni Thunder, si Winter nakalaban ni Sky, si Spring si Bloom na pinaralyze ng paralyzing lipstick si Cloud at si Summer na spokesperson ng ate nya sa UG. I guess alam nyo na kung anong codename ni Sum, right?” mahabang litanya ni ate Rielle
“Gangster Queens pala kayo?” tanong ni kuya Sky
“Bakit ang sagot ni Sum nung tinanong sya kung gangster sya, ang sagot nya was?” tanong ni kuya Sky
“Alangan namang sabihin kong yes, edi nagtaka sila.” Sabi ko sa kanya
“Oo nga naman.” Sabi ni kuya Kent
“Kuya alam mo na? Kahit yung kay Zia?” tanong ko sa kanya
“Oo alam ko nang gangster tong si Mrs. Fuentebella.” Sabi ni kuya Kent kaya ayun si Zia namumula
“Summer ano yung sinasabi mo kaninang ganti mo kina ate Autumn at ate Rielle?” tanong ni Cath
“Ahh yun ba. Mga ate at Kuya alam nyo ba sina ate Autumn nung isang araw pagka uwi nya dito galing school halos maubos na nya yung isang box ng moutwash dahil one hundred times syang nagtoothbrush, tapos si ate Rielle nasira yung 6 na punching bag sa sobrang lakas ng suntok may pinaghuhugutan kasi.” Sabi ko tapos nakita ko yung dalawa ang sama ng tingin sa akin
“Oh bakit ganyan kayo makatingin sa akin?” sabi ko ng painosente
“Summer Freia Hanazono.” Sabi nila in their warning tone
“Um Lyn/Autumn, kalma lang kayo.” Sabi ni kuya Thunder at kuya Neith
“Ikaw kase may pahalik halik ka pa sa akin, kala mo naman nagustuhan ko. Ngayon naman pinapakalma mo ako, eh kung hindi mo sana ko hinalikan di sana ako inaasar ni Summer ngayon!” Sigaw nina ate Autumn at Rielle habang dinuduro yung dalawa, lahat naman kami nakatingin lang paano ba naman kasi sabay pa sila sa bawat isang galaw miski pagsabunot sa sarili, pagbuntong hininga at pagduro sa dalawa.
Maya-maya pa kumalma na yung dalawa.
“Nagkiss kayo?” tanong nina Warren, Charlie, Astrid, Zia at Riley dun sa apat
“Summer, bakit mo sinabi sa kanila?” sabay na sabi sa akin nung dalawa
“Kayo kaya nagsabi.” Sagot naman ulit nung lima (Warren, Charlie, Astrid, Zia, at Riley)
Nagtataka akong tiningnan nung dalawa kaya inilabas ko yung phone ko.
‘Ikaw kase may pahalik halik ka pang nalalaman, kala mo naman nagustuhan ko.Ngayon naman pinapakalma mo ako, eh kung hindi mo sana ako hinalikan di sana ako inaasar ni Summer ngayon.’
Sabi nung phone recorder ko.
“Bakit mo nirecord?” tanong nilang dalawa
“Proof.” Sagot ko sa dalawa
“Kelan yun nangyari? Ang bilis nyo ah” tanong ni ate Spring sa dalawa
“May painosente, samantalang sila nga halos lumampas na.” Pang aasar ko namula naman si ate Spring.
Kala mo ate Spring ligtas ka na. Oh no no.
“I have no atraso to you Summer.” Sabi nya haha
“Wala kasama ka din Spring.” Sabi ni ate Rielle
“Madaya dapat di lang kami.” Sabi ni ate Autumn
“Buti nalang may bumagsak na kahon, kung hindi naku tsk tsk.” Sabi ko kaya lalong namula si ate Spring
“Tara na nga party na ulit tayo.” Sabi ko kaya napa hinga silang lahat ng maluwag tapos nagsimula na ulit kami.