Kabanata 11 "We're here." Nilibot ko ang aking paningin sa isang puting bahay. Hindi siya masyadong kalakihan at hanggang dalawang palapag lang Ito, madilim at tila walang tao sa luob. Lumabas sa kotse si Austin kaya sumunod ako rito at mahigpit na hinawakan ang aking bag. "I thought we're going to eat?" I said using a confusing voice. "Oo nga. Kakain tayo sa bahay." Saglitan siyang tumigil at pumasada ng tingin sa buong katawan ko. "At para makapagpalit ka narin.." Hindi na ako sumagot at pinanuod na lamang siya umakyat sa mahabang hagdanan bago buksan ang kanyang pintuan. Tumingin siya sa akin kaya agad akong pumasok sa kanyang bahay. Maliwanag na ngayon ang buong paligid at duon ko nakita ang kabuuan ng kanyang bahay. Sobrang linis nito at di mo akalain na lalake ang may a

