Kabanata 12 "Ihahatid na kita. Gabi na." Walang emosyong sambit nya. Hindi ako sumagot at dahan dahang nilapag ang kanyang mga damit sa couch at pinagbag ang aking uniform na tuyong tuyo na buti nalang ay may dryer si Austin. Nanatiling basa ang luob luoban ko. Tinignan ko ang orasan sa pader at napansin na gabi na nga mukhang napatagal ang pag kain ko. Buong oras ay tahimik kami matapos nyang sabihin iyon. Ngayon ay nagmamatigas parin siya at sobrang tahimik. Sumunod ako sa kanya sa kotse wala akong magawa kundi tignan ang malalapad nyang likuran. Sumakay ito at iniwan ako sa labas, suminghap ako sa kawalan at pumasok narin dito. "Austin.." Sobrang lakas ng pintig ng puso ko nang tinawag ko siya. "S-sumagot ka naman.." biglang nabasag ang boses ko. Basta ang alam ko'y sobran

