CHAPTER TWENTY
Jansen was so happy as staring at his wife at the monitor of his laptop. It has been 2 weeks when his wife received the worst punishment from him. Hew saw how devastated and hurt his wife by what he did. But now he see her smile again. What a beautiful smile while she was putting up their christmas tree and chritmas decor with the help of Nanay Martha and Catherine.
" Mam Kass kanina pa po ring ng ring ang cellphone nyu mam. Baka po importante ang tawag mam. Ako nalang po magtutuloy niyan." Narinig niyang wika ng dalagitang si Catherine.
" Okay Cath. Thanks!, but be careful ha baka mahulog ka. " Paalala nito kay Catherine habang pababa ng hagdan at tinungo ang cellphone nito na nakapatong sa table at kanina pa walang tigil sa pag ring.
" Hello! yes! who's this please? narinig niyang tanong nito sa kausap."
" Kass it's me, John. " tugon ng kausap niya na ikinagulat niya.
" John? how did you know my number? " gulat na gulat na tanong niya dito.
" Kass please let's talk. We need to talk. "
nagsusumamong pakiusap nito sa kanya.
" John please stop contacting me. John may asawa na ako. Stop this okay! wala na tayong dapat pag-usapan pa! we're done. Matagal na. I am a married woman now. " mahaba niyang paliwanag dito na narinig niyang napabuntong hininga sa kabilang linya.
" Kass are you happy with your married life now? " tanong muli nito sa kanya.
" John it is not important now if I'm happy or not with my married life. Cause it has nothing to do with you. Just move on with your life John and please stop contacting me. " pakiusap niya dito.
" Please Kassandra just for this time allow me to see you. Kassandra please let's meet and talk then after that I promised you I wont bother you anymore."
" John may asawa na ako! hindi na tama na makipagkita pa ako sayo! " nagsisimula ng mainis na tugon dito ni Kassandra.
" Kass please...please...I promise after this I wont bother you anymore. Kass I need a closure. " patuloy na pakiusap nito sa kanya.
" Closure John! talaga lang ha. John ng mahuli kita on the act na pinagtaksilan mo ako dati. That is an automatic closure. I don't need any explanation cause that already explain everything! ano pa bang closure ang gusto mo ha! " Naiiyak na niyang sumbat dito.
" Kass I'm so sorry! for the last time meet me and please listen to me. Kass I just need you to hear everything that's in my heart and mind na hindi ko nagawa dati because you never give me a chance. "
Hindi malaman ni Kassandra kung paano patitigilin si John sa pangungulit nito sa kanya. Anyway wala naman silang masamang pinagsamahan ni John, maliban sa nagawa nitong kataksilan sa kanya. John was a very sweet and loving boy friend as far as she can remember. Napabuntong hininga si Kassandra at tsaka tila walang choice na napa oo nalang sa kagustuhan ni John.
" Okay John but please this will be the last that we're going to see each other. Where do you want us to meet? " tanong niya dito sa kabilang linya.
" Meet me now please. I'm here outside your house. "
" What! " hindi makapaniwalang bulalas ni Kassandra.
" What are you doing there? John you're putting me in trouble! how did you know our place? " natatarantang sunod sunod na tanong ni Kassandra dito.
" Kass you know me. When it comes to you, I always have ways to know." puno ng kumpyensang wika nito.
" Okay wait me then! magbibihis lang ako!"
Pagkapalit ni Kassandra ng kasuotan niya ay nagpaalam siya kina Nanay Martha at Catherine na may kakausapin lang na dating kaibigan sa labas.
Bago pa makalabas ang kotse ni Kassandra, katulad pa rin ng dati ay hinarang siya ng guard nila na nasa guard house malapit sa gate kaya hindi niya naiwasang matarayan nanaman ito.
" Mam saan po kayo pupunta? " tanong ni Kuya Guard sa kanya.
" Pwede ba kuya, just open the gate. I am one of your boss at hindi ko obligasyon na ipaalam pa sayo kung saan ako pupunta. "
" Pasensya na po mam. Napag-utusan lang po ako ni Sir Jansen na ipaalam muna sa kanya at alamin muna kung saan kayo pupunta kapag aalis kayo. " Napakamot sa ulo na sagot sa kanya ni Kuyang guard.
" Ok. kuya just tell to your sir Jansen na may bibilhin lang ako sa mall. Don't worry I wont be long. I'll make sure na bago pa dumating ang sir Jansen mo eh nakabalik na ako. Now please open the gate. " utos niya dito.
Wala namang nagawa si kuya guard kundi ang sundin siya at pagbuksan siya ng gate.
Ng makalabas siya ng gate ay agad niyang napansin ang nakaparadang kotse ni John sa tapat.
Tinawagan niya ito at agad naman nitong sinagot. Sinabi niya dito na sundan siya.
Pagkatapos itong kausapin ay pinaandar na niya ang kanyang kotse at mula sa kanyang rear view mirror ay nakita niya itong nakasunod sa kanya.
Sa pinaka malapit at pinaka malaking shopping mall na malapit sa kanila niya inihinto at ipinarada ang kanyang kotse sa parking nito. Nauna siyang makapagpark kay John kaya nauna siyang pumunta sa isang class at sikat na restaurant na matatagpuan sa 3rd floor ng mall.
Iilan palang ang tao sa loob. humanap siya ng pwesto na medyo tago sa karamihan. Pagkaupo palang niya ay may lumapit na sa kanyang waiter para kumuha ng order. Dahil gutom na rin siya at almost lunch na time na ay inorder niya lahat ng masasarap na nasa menu.
" That would be all. Thank you! " magalang niyang wika sa waiter matapos i jot down ang kanyang mga orders.
Pagkaalis ng waiter ay siya namang dating ni John. Naupo ito sa kaharap niyang upuan.
Mataman itong nakatitig sa kanya na tila ba minememorya ang itsura niya.
" John please...don't look at me that
way! " saway naman niya dito.
" I just missed you Kass. Thank you so much for giving me this chance. " sinsero nitong wika.
Muling lumapit sa kanila ang waiter para naman kunin ang additional orders ni John. Matapos makuha ng waiter ang order nito ay nagkaroon sila ni John ng chance na makapag-usap habang hinihintay ang kanilang order.
" John this will be the last time that I am going to talk to you. I am already married so please let's both move on with our lives "
" Kassandra I tried so much but I cant. I still love you Kass and you are the only woman I wanted to spend the rest of my life with. Please Kass, let's start over again. "
Napailing nalang si Kassandra sa mga pinagsasasabi ni John.
" John do you know what you're saying. May asawa na ako. Kasal kami. There is no way and no chance for us anymore. John you know what! I really did love you before. Alam mo ba na nung nahuli kita having s*x with that woman that was the time that I have came up on realization how much I love you that I am almost willing to give up my career to settle with you. Yon yong time na kaya ko ng igive up lahat para sayo. Ganun kita minahal pero yon dn pala yong time na mawawasak ako at masasaktan ng sobra. Ang sakit sakit John. Sobra. I am not telling this to you now para konsensyahin ka o sumbatan ka. I am telling this to you para tuluyan na tayong maka move on pareho. Please John, hindi ka mahirap mahalin alam kong marami ka pang makikilala na karapat dapat sa pagmamahal mo. Matagal na kitang napatawad at pinatawad ko na rin ang sarili ko. Sana mapatawad mo rin ako sa lahat nang mga naging pagkukulang ko nung tayo pang dalawa. Sadyang hindi lang talaga siguro tayong dalawa ang para sa isat isa kaya nangyari ang lahat at nauwi tayo sa masakit na hiwalayan. John kailangan mo na ding patawarin ang sarili mo para maka move on. Huwag mo ng sisihin ang sarili mo dahil nangyari na ang lahat. Just move on and be happy with your
life. " madamdaming wika ni Kassandra kay John na tahimik na nakikinig lang.
Hindi naman naiwasan at napigilan ni John ang pagpatak ng butil ng luha sa kanyang mga mata dala ng labis na panghihinayang.
" Kassandra sweetheart I'm so sorry! napakalaki kong gago at nagpadala ako sa mga pang-aakit ni Margot. Pinagsisihan ko ang lahat. Mahal na mahal kita. Hanggang ngayon mahal pa rin kita. Nahihirapan akong pakawalan ka Kass. Kahit may asawa kana handa pa rin akong tanggapin ka kung hihiwalayan mo siya. "
" No John you deserve someone better. Hindi ako na pag-aari na ng iba. Please John ayaw kong makita na ganyan ka. I wanted to see you as you were before. Yong John na punong puno ng buhay at mga pangarap. Yong John na sobrang Jolly. John please if you really love me, set yourself free from me. Move on, live your life and keep going. You deserve to be happy. We both deserve to be happy. " naluluha na ring wika ni Kassandra sa nanlulumo at halos laglag ang balikat na si John.
" I want you back Kass, I regret the day that I have cheated on you. I never stop on loving you! please...give me another chance..."
patuloy na pagsusumamo ni John sa natigilang si Kassandra.
" John can't you understand! I am a married woman now. Hindi na natin maibabalik kung ano yong meron tayo dati. Lets just forgive and forget each other. Lets move on with our life. Have a life John. I did love you before. And lets end it this way. "
Nababanaag ni Kassandra sa mga mata ni John ang labis na pagsisisi at panghihinayang pero huli na ang lahat para sa kanilang dalawa. Hindi na siya malaya. At hindi niya alam kung kailan siya makakalaya sa kasunduan nila ni Jansen. Tanging si Jansen lang ang makakapagdesisyon. Hindi niya kakayaning mawasak ang kaligayahan ng ama niya kapalit ng pansarili niyang kaligayahan sa piling ni John kaya kahit na anong gawin at sabihin ni John ay hindi niya ito dapat pakinggan, kahit pa mahal pa rin niya ito hanggang ngayon.
Kasabay ng pagpatak ng luha ni John ay ang pagdating naman ng mga order nilang pagkain. Agad na pinahid ni John ang butil ng luha na pumatak sa kanyang mga mata.
Ng maiserve na ng waiter ang lahat ng kanilang order ay pinilit pasayahin ni Kassandra ang sarili, ganun din si John.
" C'mon John. Let's eat! gutom lang yan. Don't be sad! ikain nalang natin lahat ng pain na nararamdaman natin. C'mon lets enjoy the food. " Dahil talagang gutom na si Kassandra ay magana siyang kumain. Habang si John naman ay nakamasid lang sa kanya. Ng mapansin ni Kassandra na hindi pa nagagalaw ni John ang pagkain niya at nakatitig lang sa kanya ay pabiro niya itong sinita.
" Hey Mr. John Peralta, hindi po mauubos yang pagkain mo kung titigan at papanoorin mo lang ako! " nakangiti niyang saway dito.
Napangiti din naman ito sa kanya dahilan para maakit nanaman siya dito. Napaka gwapo talaga nito pag ngumingiti. Sa killer smile kasi nito siya napaibig at nabihag ni John.
" Mukhang gutom na gutom ka ah! ginugutom ka ba ng asawa mo? " pabiro nitong tanong sa kanya habang iiling- iling saka nag umpisa na ring kumain.
Habang kumakain sila ay hindi nila namalayan ang pagsulpot ni Margot sa harap ng table nila. Hindi pa sana nila ito mapapansin kung hindi ito nagsalita.
" Oh so! ang galing! habang si Jansen eh nagpapakahirap ngayong mga oras na ito sa pagtatrabaho ang kanyang magaling na asawa ay nakikipaglandian naman sa ex niya! Well! well! well! alam kaya ito ni Jansen? Kawawang Jansen! nakapag-asawa ng malandi! " nang iinsulto at tila nang-iinis na wika ni Margot na halos nakaka-attract na sa ibang mga customers na nakarinig sa mga pinagsasabi nito.
" Margot! watch your words! wala kaming ginagawang masama ni Kassandra! " mariing banta diti ni John.
" Wala nga kaya! ha John? knowing this woman! mang-aagaw ng boyfriend ng may boyfriend! " patuloy na pang-iinis ni Margot sa tila galit na galit ng si Kassandra.
" Ako talaga ang mang-aagaw ha Margot! mukhang nagka amnesia ka na yata at nakalimutan mong ikaw yun. Kaya sa sarili mo yan sabihin. " nanggigil niyang wika dito at sa sobrang gigil niya ay halos gusto niya na itong sabunutan at sapakin kung hindi lang siya agad napigilan ni Jonn.
" Kass dont! she's just provoking you. Hayaan mo nalang siya.! " pigil sa kanya ni John.
" You're a slut Kassandra, put this in your mind. Hindi ko hahayaan na habambuhay mong lokohin at pagtaksilan si Jansen. Babawiin ko kung ano ang inagaw mo sa akin! " punong puno ng pagbabanta at paghihiganti ang tinig at ekspresyon ni Margot sa mga binitawan niyang salita pero hindi naman nagpatinag si Kassandra.
" Dream on Margot! dahil ano mang nasa akin na ay legal na pag-aari ko na! " matapang naman niyang tugon dito.