CHAPTER TWENTY ONE Nagpupuyos sa inis na umuwi si Kassandra pagkatapos nilang makapag-usap at maglunch ni John. Margot really ruined her mood and her day. Mag shashopping pa sana siya pero nawala na siya sa mood dahil sa mga pinagsasabi sa kanya ni Margot. So she directly went home. Pag uwi niya ay nagulat pa siya ng datnan ang asawa na nakaupo sa sofa sa kanilang living room na tila masakit ang ulo at hinihilot ang kanyang sentido. Kayat hindi siya nito agad napansin. Masama siguro ang pakiramdam kaya umuwi agad. Dati naman kasi eh hindi ito umuuwi during lunch time dahil sa office na ito naglalunch at sa hapon na umuuwi. Minsan naman ay gabi na ito umuuwi kapag marami itong tinatapos na mga paper works. Umupo siya sa tabi nito at saka palang siya nito napansin. Tila masama nanaman ang

