CHAPTER THIRTEEN
Sobrang bored na si Kasandra sa bahay nila ni Jansen kaya naisipan niyang dalawin ang kanyang papa sa kanilang hacienda.
Masaya si Kasandra ng madatnang ayos na ang lagay ng kanyang papa at naging mabilis ang recovery nito.
Naging masigla ito ng makita siya.
" Kumusta ka na anak? " Masigla nitong tanong sa kanya.
" Maayos naman po ako papa. Huwag po kayong mag-alala sa akin. Kayo po ang kumusta papa? Iniinom po ba ninyo ang mga gamot ninyo? " Balik tanong naman niya sa papa niya.
" Oo nman iha. I'm feeling better everyday. " Masiglang sagot ng papa niya.
" I'm so happy to hear that papa. Masaya ako na mabilis ang recovery nyu. "
" Kasandra anak ang inaalala ko ay ang ating hacienda at rancho simula ng magkasakit ako ay hindi ko na ito
naasikaso at napagtutuunan ng pansin. "
" Pa, wag nyu na po muna alalahanin ang hacienda at ang rancho ako na po muna ang bahala sa pamamahala dito. "
Kitang kita ni Kasandra ang kasiyahan sa mukha ng kanyang papa ng marinig ang tinuran niya.
" Talaga ba iha. Ngayon ka lang yata naging intresado sa pagpapatakbo ng ating rancho iha. "
" Papa ang gusto ko kasi ang pagpapagaling ninyo ang asikasuhin ninyo. Kalimutan nyu na muna at tanggalin ang isipin tungkol sa ating rancho. Ako na bahala papa. Basta magapagaling po kayo okay. "
Ipinasyal ni kassandra ang ama sakay ng kanilang owner jeep sa kanilang hacienda. Binisita nila ang kanilang mga tauhan sa tubuhan. Abala ang mga ito sa kanilang mga trabaho pero ng mapansin sila ay bumati at nagbigay galang ito sa kanila.
Masayang nakipagkwentuhan ang kanyang papa sa kanilang mga tauhan ng oras ng kanilang break time. Kita sa mga kilos ng kanilang mga tauhan ang matinding paggalang ng mga ito sa kanyang ama.
Masaya si Kasandra na makitang masigla ang kanyang ama at labis na inirerespeto ng mga tauhan nito.
Alam niyang ang hacienda na ang buhay ng kanyang ama. Dito na umikot ang mundo nito. Kaya ng alukin siya ni Jansen ng kasunduan ay di siya nakapagmatigas at nakatanggi.
Nilunok niya ang pride niya at pumayag na mapasailalim sa mga kondisyones ng kanyang asawa.
Kung alam lang ng kanyang papa ang naging kasunduan nila ni Jansen ay alam niyang hindi ito makapapayag. Pero hinding hindi rin naman siya papayag na mawala sa papa niya ang hacienda at ang rancho.
Saksi siya kung gaano kalaki ang hirap ng kanyang papa sa pagpapatakbo nito. Kaya kahit labag sa kanyang kalooban at kahit pa maging sunod sunuran siya kay Jansen ay wala na siyang pakialam dahil mas mahalaga ang papa niya sa kahit anupa man.
Habang naglilibot sila sa hacienda sakay ng kanilang owner ay inumpisahan na siyang iorient ng kanyang papa kung paano patakbuhin ang hacienda.
Sa totoo lang ay wala naman talagang interes si Kassandra sa pamamahala ng hacienda nila. Eh ano ba naman kasing alam niya sa pagpapatakbo nito eh ang tanging alam niya lang eh ang pagmomodelo. Ang magproject sa camera at lumakad sa catwalk suot ang mga damit na iniindorse niya. Pero wala na siyang magagawa kundi yakapin ang buhay na kinagisnan ng kanyang ama. Ang buhayin muli ang kabuhayan na bumuhay sa kanila at nagbigay sa kanya ng karangyaang mula pagkabata ay tinatamasa niya.
Sino ba siya para ipagkait sa kanyang papa ang alam niyang ikaliligaya nito.
Matapos nilang malibot ang buong hacienda ay iniuwi na niya ang kanyang papa sa mansion.
Ipinaghanda niya ito ng lunch at sabay silang kumain. Ginugol ni Kasandra ang buong araw niya sa piling ng kanyang papa. Siya rin ang nag-asikaso ng mga gamot na iniinom nito.
"Anak hindi mo naman kailangang gawin ito may nurse naman ako na nag-aasikaso ng mga pangangailangan ko."
" Papa hayaan nyu na po na pagsilbihan ko kayo "
" Anak masaya ako na ginagawa mo ito para sa akin pero baka nakakalimutan mo na may asawa ka na. Kailangan mo din siya pagsilbihan at dapat siya na ang priority mo ngayon. "
" Pa kaya na ni Jansen ang sarili niya and besides may mga katulong naman po kami sa bahay. "
" Anak iba rin ang pagsisilbi ng asawa. Hindi naman sa itinataboy na kita. Pero sa tingin ko eh kailangan mo ng umuwi dahil baka hinihintay ka na ng asawa
mo "
" Ay naku si papa talaga! Ipinagtatabuyan na ako! Oh sige na nga po akoy uuwi na. Babalik nalang po ulit ako bukas. "
Naglalambing na yumakap si Kasandra sa ama bago nagpaalam.
" Goodbye papa love you "
" Love you too anak. Ingat sa pagmamaneho ha "
" Yes papa! Don't worry maingat po ako magmaneho. "
Gabi na ng dumating si Kasandra sa Villa.
" Magandang gabi po mam! "
Bati sa kanya ng katulong nilang si Martha.
" Good evening po manang! Ang sir nyu dumating na ba? " Agad na tanong niya sa katulong.
" Naku opo mam. Himala nga po at ngayon lang po yan si sir umuwi ng maaga. Kayo nga po agad ang hinanap pagdating eh "
" Ganun po ba! Eh nagdinner na po ba ang sir nyu manang? "
" Naku mam hindi pa po! Siguro po ay hinihintay kayo para sabay po kayo kumain. Ipaghahain ko na po ba kayo mam? "
" Sige manang please.. Tatawagin ko lang ang sir nyu. Pagkahain nyu pwede na po kayong matulog at magpahinga. "
" Sige po mam" Agad nang tumalima si yaya Martha. Siya naman ay dumerecho na sa kanilang kwarto para tawagin ang kanyang asawa.
Nadatnan niya sa kanilang kwarto ang asawa na nanonod ng movie habang umiinom ng alak sa kopita.
" Umuwi ka pa! " Bungad agad nito sa kanya.
Pagkakita nito sa kanya ay agad itong lumapit sa kanya. " Where have you been my dear wife? "
Tanong nito sa kanya. Amoy na amoy niya ang alak sa hininga nito.
" Nagkita ba kayo ni Erick ha? "
" What! Inis na bulalas niya dito!
Pano naman napasok si Erick sa
usapan! "
" Dibat yun ang plano nyu nung magkita kayo sa burol.
Itong tandaan mo Kassandra habang asawa kita wala kang karapatang makipagdate o mag entertain ng kahit na sinong lalake. You're mine Kassandra! Only mine! "
" Will you please shut up Jansen! hindi mo na po yan kailangang ulitulitin sa akin! Alam ko kung anong lugar ko sa buhay mo! Malinaw sa akin ang naging kasunduan natin! Wag kang mag-alala dahil marunong akong tumupad sa kasunduan. At para sa ikatatahimik niyang madumi mong isip gusto ko lang pong ipaalam sayo na sa hacienda namin ako nanggaling at hindi sa kung saan. "
" Well bakit naman ako maniniwala sayo eh kanina pa ako tawag ng tawag sayo eh hindi kita makontak. "
" Oh yun ba ang dahilan kung bakit kung saan san na agad tumakbo yang imagination mo! Well sorry naman po kasi naiwan ko po dito ung cellphone ko. Kaya siguro hindi nyu po ako makontak eh dahil lobat po. At tsaka sana bago ka mag-isip ng kung ano ano eh sinubukan mo po sana muna akong tawagan sa bahay. Dahil buong araw po akong nasa hacienda. "
" Dahil sa paliwanag niya ay para namang napakalma niya ang asawa na tila lagi nalang galit sa kanya "
" imbes na kung ano ano ang iniisip mo diyan ang mabuti pa ay kumain kana " Ipinahanda ko na kay yaya Martha ang pagkain mo.
" Nawalan na ako ng gana " iba ang gusto ko for dinner. Pagkasabi nito nun ay agad siya nitong kinabig palapit dito at siniil ng halik sa labi.
" Jansen ano ba! You're drunk! "
" You're what I want for dinner my dear wife " punong puno ng pagnanasang wika nito.
Ang kanyang pagtutol ay napalitan din ng pagnanasa ng simulan siyang kuyumusin ng halik ng kanyang asawa at ng magsimulang maglakbay ang mga kamay at labi nito sa bawat bahagi ng kanyang katawan.
Kaydali niyang natupok sa init na hatid ng mga halik at haplos nito. Ang kanilang pagniniig ay nagtapos sa kanilang malambot na kama habang ang kanilang mga damit ay nagkalat sa sahig.
Sinungaling siya kung sasabihin niyang hindi siya nageenjoy sa bawat pagtatalik nila ng kanyang asawa kahit pa nga pakiramdam niya lagi ay isa lang siyang bayarang babae para dito.
Ng humupa na ang init at pagnanasa nila ay niyakap siya nito ng mahigpit at hinalikan siya sa ulo. Habang nakaunan siya sa braso nito. Pagkatapos ay bumangon na ito at pinulot ang kanilang mga damit sa sahig. Iniabot nito sa kanya ang kanyang mga kasuotan. " Get dress. Bigla akong nagutom. Let's have dinner. "
Pagkabihis nila ay sabay silang lumabas para kumain.
Nagdinner na si Kassandra sa kanila kaya wala na sana siyang planong kumain pero dahil mukhang good mood na ang kanyang asawa at ayaw niyang masira ang magandang mood nito ay sinabayan na niya ito sa pagkain.
Pagkakain nila ay dumerecho na ulit sila sa kanilang room at sabay silang nagshower. Hindi kasi pumayag si Jansen na hindi sila magsabay.
Kahit na ilang beses ng may nangyari sa kanila at ilang beses ng nakita ni Jansen ang katawan niya ay tila nahihiya pa rin siyang makita nito ang kanyang kahubdan sa liwanag.
" C'mon sweetheart don't be shy! Masanay ka na dahil nakita ko na mana ang lahat ng yan. And besides wala ka namang dapat ikahiya because you have the most sexiest and beautiful body! "
Tumaba naman ang puso ni Kassandra dahil sa narinig na papuri mula sa kanyang asawa.
Pagkapatuyo nila ng buhok ay nakahinga na siya ng maluwag ng hindi na maglikot ang mga kamay ng kanyang asawa. Nakuntento na ito sa pagyakap sa kanya hanggang sa tuluyan na silang makatulog.
Subalit pagsapit ng madaling araw ay nagising siya sa maiinit nitong haplos at mga halik. At hindi siya nito tinigilan hanggang mag-umaga.
Tanghali na ng bumangon si Kassandra. Hindi na niya nagisnan ang presensya ng kanyang asawa. Pagkabangon niya ay agad siyang nagtungo sa banyo at nagshower. Nagboblower na siya ng kanyang buhok ng tumunog ang cp niya. Si Jansen ang tumatawag.
" Yes...Hello Jansen! Why did you call?" agad niyang bungad sa asawa.
" So at last nagising na rin ang mahal kong asawa! Kanina pa nag-aalala si Manang Martha sayo dahil knaina ka pa daw hindi bumabangon at hindi ka pa daw nagbibreakfast. I just called to check on you "
" Mr. it's your fault kung bakit ako tinanghali ng gising. Remember halos di mo ako pinatulog kagabi. " Inis naman niyang sagot dito.
" Oh so you find that, as an excuse ha. But I know you did enjoy that my dear wife " punong -puno ng panunukso ang himig ni Jansen ng sabihin iyon. Siya naman ay biglang pinamulahan ng mukha ng maalala ang tinutukoy nito."
May sasabihin ka pa ba? tanong niya dito para putulin na ang ginagawa nitong panunukso.
" Hmmm...Come here at my office at sabay na tayong maglalunch "
" Okay I'll be there, I'll just fix myself. " Pagkatapos ni Kassandra magpatuyo ng kanyang buhok ay pumili na siya ng kanyang susuotin sa kanyang closet. Isang kulay red na dress ang napili niya na above the knee ang haba na tinernuhan niya ng kulay red din na shoes.
Ng matapos makapag-ayos sa sarili ay lumabas na siya ng kanilang room. Nasalubong niya si Nanay Martha sa living room.
" Good morning po mam. Hindi pa po kayo nagbibreakfast. Gusto nyu po bang ipaghanda ko kayo ng makakain? "
" No manang! Thanks po pero its late na po for me to have breakfast. It's almost lunch time now. I'll go at the office to meet Jansen and sabay na po kami magla-lunch. I have to go po Nay Martha kayo na po ang bahala dito. "
" Sige po mam! ingat po kayo "
Almost 12:30 na ng makarating siya sa office ni Jansen. Halos matunaw siya sa mga titig nito ng makapasok siya sa office nito at titigan siya mula ulo hanggang paa.
" I thought you're not coming! malamig nitong wika sa kanya. C'mon lets go! I'm already hungry waiting for you. " Hinawakan na siya nito sa kamay at hinila na palabas. Halos lahat ng mga empleyado sa bangko na yun ay nakatingin sa kanila habang papalabas sila.
Dinala siya ni Jansen sa isang sikat at class na restaurant malapit sa opisina nito. Dahil sa hindi na siya nagbreakfast at medyo late na rin for lunch ay napadami ang kain niya. Pagkatapos nilang kumain ay nagpaalam si Jansen na pupunta sa mens room. Habang nsa cr si Jansen ay siya namang dating ng isang tao na hindi inaasahan ni Kassandra na mapapadad sa probinsya nila. At tila nagulat din ito ng makita siya.
" Kass is that you? pagkakita nito sa kanya ay doon na rin ito naupo sa katapat na upuan niya. "
" Oh! Hi John what are you doing here? " Nagtataka naman niyang tanong dito. Si John ay isa sa mga masusugid niyang manliligaw. Anak ito ni General Dela Cruz na isang sikat na public figure ng bansa.
" I'm here for a vacation " How about you? What are you doing here? Balik tanong naman nito sa kanya.
"John I live here.This is my home town and I'm here for good." Nagulat si Kass ng hawakan ni John ang mga kamay niya.
" Kass my feelings for you have never change. I still love you. "
Nagulat naman si Kassandra ng biglang may magsalita sa likod niya.
" Sorry for you man. Kass is now taken. She is my wife now. So you better take your hands out of my woman. "
" Lets go Kassandra. Hinawakan na siya ni Jansen sa kamay na halos hindi na maipinta ang mukha. "
" Sorry John we had to go. Nice meeting you here and hope you enjoy your vacation here. " paalam niya sa tila nagulat na si John. Hindi kasi nito alam na may asawa na siya.
Ng nasa loob na sila ng kotse ay doon na inilabas ni Jansen ang galit sa kanya.
" Damn you Kassandra! Saglit lang ako nawala pagbalik ko may ka holding hands ka na agad. At hindi na nahiya na magtapat ng pag-ibig sayo sa harap ko! " pagmamarkulyo nito sa kanya.
"Jansen, John is my ex boyfriend and he never knew that I am already married " paliwanag niya dito.
" Then sana ipinagtapat mo sa kanya agad na may asawa kana! "
" Jansen will you please shut up! bakit ba lahat nalang big issue sayo! We are not a real couple so don't act like a jealous husband! "
" Yes we are not a real couple but we had a deal Kassandra."
" You are mine! only mine! I hope that is clear to you now! so don't you dare cheat on me! " galit na banta nito sa kanya.
'