CHAPTER FOURTEEN
Habang nasa daan sila ay wala silang imikan ni Jansen.
Tila masama pa rin ang mood nito dahil sa nadatnan sa kanila kanina ni John.
Hindi niya din talaga lubos akalain ang muling pagtatagpo nilang yon ni John.
Sa mga naging karelasyon niya at mga naging boyfriend yong sa kanila lang ni John ang tumagal it took more than one year before their relationships end.
Well John is also a bussinesman. Kilala siya sa bussines circle. He owns a brand of clothing that is well known in the country na iniexport sa ibang bansa.
Nagkakilala sila ni John dahil siya ang nagmodelo ng mga branded clothes nito.
At first ayaw niya kay John kasi alam niya ang status of life nito.
Mayaman at playboy. Ayaw niya ng complicated na relationship.
Anak ito ng isang sikat na heneral ng bansa na kumakalaban sa mga terorista at mga maling gawain sa bansa.
Palaging nsa pahayagan ang pangalan nito dahil sa mga accomplishment nito.
Pero dahil matiyaga si John at disidido talagang mapa oo siya ay nanligaw ito sa kanya ng halos isang taon.
At dahil sa pagtitiyaga nito ay napasagot din siya nito kalaunan.
" Mukhang malalim yata ang iniisip mo! "
Sita sa kanya ni Jansen na nagpabalik sa kanya sa kasalukuyan.
" Iniisip mo ba ang John na yun? "
Iritadong tanong nito sa kanya.
" Jansen hindi kasama sa kasunduan natin na ipaalam pa sayo kung anuman ang iniisip ko! "
Inis na tugon niya dito sabay irap dito.
Pagkalipas ng halos kalahating oras na pagmamaneho ay nakarating din sila sa kanilang Villa. Sinalubong sila ng kanilang maid na si Gloria at sinabing nasa study room ang kanyang papa.
"Are you not going back to work?"
Tanong ni Kassandra kay Jansen na tila wala pang balak umalis pagkatapos siya nitong maihatid sa kanila.
" No! I'm the boss kaya hawak ko ang oras ko! Sagot naman nito sa kanya. "
" Okay! maiwan na muna kita dito. I'll just check on dad and will let him know that were here! "
Nadatnan ni Kassandra ang ama sa study room na may mga binabasang papeles.
"Pa! What are you doing? Dapat nagpapahinga lang kayo!"
Agad niyang bungad sa ama na napalingon sa kanya!
" Kassandra anak kung lagi lang ako magpapahinga ay baka malumpo na akong tuluyan "
" papa andyan nga po pala sa baba ang asawa ko " pagbibigay alam niya sa kanyang papa.
" Kasama mo si Jansen anak? " masayang tanong naman nito sa kanya.
" Yes pa! so let's go outside ng makapagkwentuhan naman kayo "
Masaya si kasandra na makitang masaya ang kanyang papa. Alam niyang sabik ito sa kausap.
Sabay silang lumabas ng kanyang papa ng study room habang tulak niya ito sa kanyang wheel chair.
" Jansen iho! " Masaya nitong bungad sa kanyang asawa.
" I'm glad to see you Jansen! "
" Hello po papa! I'm also glad to see
you! " Masaya din namang bati ni Jansen sa kanyang ama sabay abot ng kamay nito para magmano.
" Kumusta na po kayo papa? " tanong nito sa kanyang ama.
" Getting better Jansen! But getting old " malungkot na sagot naman ng kanyang papa.
" Wala ka ba ngayong pasok?" nagtatakang tanong naman nito kay Jansen.
" Kagagaling ko lang po sa office dad. Dinaanan ako kanina ni Kassandra kaya sabay kami naglunch. Nabanggit niya sa akin na nanggaling siya dito kahapon at nabanggit po niya na nasabi niya sa inyo na gusto niyang siya na ang magpatakbo ng hacienda nyu at ng rancho. Pa we both know na walang alam si Kassandra kung paano magpatakbo ng isang negosyo "
" Yes Jansen alam ko naman yon but she offered me that. Nagulat din ako nung una pero syempre she's my daughter. Iho matanda na ako at mahina na, Kassandra is my only child at pag nawala na ako sa mundong ito wala akong ibang pag-iiwanan ng hacienda at rancho kundi siya lang. Kaya naisip ko na maganda rin na matuto na siya sa responsibilidad ng pagpapatakbo nito. "
" Pero papa wag po sana ninyong mamasamain. Asawa ko na po si Kassandra at kung maaari ay ayaw ko na po sana siyang pagtrabahuhin. Gusto ko po sanang maging isang simpleng may bahay nalang siya "
Habang nakikinig lang sa pag-uusap ng dalawa ay nabigla naman si Kassandra sa mga naririnig niya kay Jansen. Balak lang pala siya nitong buruhin sa bahay at maging dakilang tagasilbi nito. Lalong nadagdagan ang inis ni Kassandra sa asawa.
Nakita niyang napabuntong hininga ang kanyang papa ng marinig ang mga pinagsasabi ni Jansen.
" Iho naiintindihan kita. Pero desisyon ninyo yang mag-asawa. Anuman ang mapagdesisyunan ninyo I'll be fine with it. "
" Thank you po papa. Don't worry I will take over ang pamamahala sa inyong rancho at hacienda and I promise you po na muli kong ibabangon ang inyong kabuhayan alang-alang sa asawa ko. "
" Talaga iho you will do that. Yes papa para kay Kassandra "
Kitang kita ni Kassandra ang pagbalatay ng labis na kasiyahan sa mukha ng kanyang papa dahil sa mga sinabi ni Jansen.
" I'm so happy with everything you said Jansen. You really made me happy my son in law. Talagang hindi ako nagkamali ng pagpili sa iyo para sa aking anak "
" Thank you papa makakaasa po kayo sa lahat ng mga sinabi ko. " tila sincere na pangako nito sa kanyang papa.
" I'm looking forward to that iho. "
" Siyanga po pala papa may kinausap po ako at hinired na isa sa pinakamagaling na physical theraphist para po sa mabilis ninyong paggaling. Para po magawa na ulit ninyo ng dad ko yong mga bagay na madalas at paborito ninyong gawin "
" Bukas nga po pala ay pupunta dito sila mom and dad para bisitahin po kayo at para din po samahan ung theraphist na gagamot sa inyo "
" Naku iho maraming salamat. "
" Wag na po ninyo akong pasalamatan papa. Obligasyon ko po yun bilang asawa ng inyong anak "
" Wala na akong masabi iho! Napakaswerte ng anak ko sayo. Pakamahalin mo sana siya at huwag pabayaan. Ikaw na sana iho ang bahalang umunawa sa mga magiging pagkukulang niya sayo. "
Sa mga narinig ni Kassandra mula sa kanyang ama ay batid niyang paniwalang paniwala ito kay Jansen. Kung alam lang ng papa niya ang totoo
Pagkagaling nila sa kanilang hacienda ay dumerecho na sila sa kanilang villa .
Pagkadating na pagkadating nila sa kanilang tahananan ay agad na ipinatawag ni Jansen ang lahat ng kanilang katulong sa villa.
" Manang Martha papuntahin po ninyo lahat ng maids sa study room ko. I have something to announce "
Utos nito kay Manang Martha pagkadating dating nila.
Bakas ang pagtataka sa mukha ni Manang Martha pero hindi na ito naglakas loob na magtanong. Bagkos ay agad itong tumalima sa utos ni Jansen.
Derederecho si Jansen sa study room at dahil wala naman itong sinabi sa kanya na sumunod dito ay dumerecho nalang siya sa kanilang kwarto para magpalit ng damit.
Samantala sa study room ay kinausap ni Jansen ang mga katulong at sinabi sa mga ito na bumalik sa mansyon nila at ang mama at papa nalang niya ang pagsilbihan.
Tanging si Manang Martha ang ipinaiwan niya sa Villa bilang kasamahin ni Kassandra.
Ipinaliwanag niya sa mga katulong na gusto niyang matuto si Kassandra nang mga gawaing bahay at bilang mag-asawa gusto niya na ang asawa niya ang nagsisilbi sa kanya.
Samantala nagtaka naman si Kassandra ng malabasan niya ang mga katulong na may mga dalang maleta.
" Manang Martha, what's happening where are they going? "
Nagtataka niyang tanong kay Manang Martha.
" Babalik na po sa mansyon ng mga Benitez mam. Pinababalik na po sila ni sir "
" What! Why? " puno ng pagtataka niyang tanong.
" Ang Sir Jansen nalang po ang tanungin nyu mam "
" Nasan ang sir mo? " tanong ni Kassandra kay Manang Martha.
Agad namang pinuntahan ni Kassandra si Jansen sa study room at nadatnan niya itong may binabasang libro.
" Jansen why did you let our maids leave? " tanong niya dito na nagpatigil sa ginagawa nito. Dumako ang tingin nito sa kanya saka nagsalita
" Simply because we dont need their service anymore " pabalewalang sagot nito.
" What! At sino na ang gagawa ng mga gawain nila dito sa bahay? " patuloy na pagtatanong niya dito.
" That's a good question my dear wife. Well since natanong mo nalang din yan. I want you to know na you will do all their works. "
" What!!!you cant be serious Jansen "
" I'm serious with my words Kassandra. That's the price you have to pay. "
" Kagaya ng ipinangako ko sa papa mo I will take over ang pagpapatakbo sa rancho at sa hacienda ninyo. I will give him the best physical theraphist but in return you had to pay for it. Pagsisilbihan mo ako. You are not going to work. You will just be my plain house wife. Ikaw ang mag-aasikaso ng mga gagamitin ko. Ikaw ang maghahanda ng mga isusuot ko. Ikaw din ang magluluto ng kakainin natin. Ikaw ang maglalaba ng mga damit natin. At ikaw din ang maglilinis ng room matin. At si Manang Martha wala siyang gagawin kundi ang isupervise ka lang "
Halos matigagal si Kassandra sa narinig at hindi talaga siya makapaniwala na seryoso ito sa mga sinasabi nito.
" No way Jansen! is this a joke? You must be kidding me! "
" Nope! My dear wife. I'm not kidding! it's not a joke! and I mean everything I said! "
" So now go to the kitchen and see for yourself what you can cook for dinner. "
" Damn you Jansen! You're crazy! I hate you for this! "
Nagpupuyos sa inis na lumabas ng study room si Kassandra at pabalibag niyang isinara ang pinto.
My God Jansen can't be serious! He's a jerk! He really wants her to suffer.
Kahit labag sa kanyang kalooban ay nasunod pa rin ang gusto ni Jansen.
She cooked and prepared their dinner for that night.
Nagustuhan naman nito ang inihanda niyang menudo.
" Well I didn't know na you can cook Kassandra. You impressed me ha "
" I live independently since I was away home so I know how to feed and take care of myself "
Nang nakahiga na sila at handa ng matulog ay biglang nag-ring ang cp ni Kassandra. Number lang ang nagregister sa kanyang phone. Hindi niya kilala kung sino man ang tumatawag.
" Hello good evening! who's this? " Tanong niya sa nsa kabilang linya.
" Hello Kassandra! This is John "
Nagulat si Kassandra ng malaman kung sino ang tumatawag.
"John! how did you know my number? "
" I had ways to know Kassandra. I never knew na nag-asawa ka na pala." Malungkot nitong wika sa kabilang linya.
Samantala ng marinig naman ni Jansen kung sino ang tumawag sa kanya ay agad nitong inagaw sa kanya ang cellphone niya at kinausap si John sa kabilang linya.
" Hello this is Jansen Benitez asawa ni Kassandra, I hope you don't mind pero magpapahinga na kami. I hope that this will be the last time that you are going to disturb my wife. "
Pagkasabi nito nun ay agad na nitong tinapos ang pakikipagusap kay John.
Samantala inirapan naman niya ito ng ibalik nito sa kanya ang phone nya.
" What's that look for! Are you mad at me na pinutol ko ang usapan ninyong dalawa? " tila balewala nitong tanong sa kanya.
Kung ano man ang uganayan nyu ng John na yun you better cut it off Kassandra. Banta nito sa kanya.
Para hindi nalang humaba ang usapan ay tinalikuran nalang niya ito.
Hindi niya maiwasan macurious kung pano nakuha ni John ang number niya. At kung talaga nga bang hindi sinasadya ang pagkikita nila kanina.
Knowing John he really had all the ways para makuha lang ang gusto niya and now she was afraid that Jhon will do something na pwedeng magpagulo sa buhay niya.