Untitled

2398 Words
CHAPTER FIFTEEN Naalimpungatan si Kassandra sa kanyang pagkakahimbing ng maramdamang may dumagan sa kanya at humahalik sa kanyang mga labi. " Kassandra my dear wife. You have to wake up now. You still need to prepare our breakfast and my clothes. " Hindi naman pinansin ni Kassandra si Jansen dahil antok na antok pa siya. Pero hindi rin siya nito tinigilan. " Jansen ano ba! its too early! inaantok pa ako! " inis na reklamo niya dito. " I'm just reminding you of your obligations Kassandra. " Patuloy na pangungulit nito sa kanya. " Kassandra we had a deal and I meant every word I said so wake up now and prepare our breakfast " " Jansen pwede bang si Manang Martha nalang magprepare ng breakfast please..." " No! " mariin namang pagtutol ni Jansen. " Kapag hindi ka pa dyan bumangon bubuhatin na kita papuntang kitchen " banta nito sa kanya. " Oo na sige na po. Babangon na po kamahalan! " Pagkabangon ni Kassandra ay agad siyang nagpunta sa cr at naghilamos para tuluyang magising ang natutulog niya pang diwa. Tumungo na siya sa kitchen at nadatnan niya si Manang Martha na naghahanda na ng breakfast. " Good morning Manang " Tila antok pang bati niya dito. " Good morning po mam " Ganting bati naman nito sa kanya. " Ang aga nyu naman pong gumising mam " " Ang sir Jansen mo kasi ang aga ako binulabog at maghanda na raw ako ng breakfast " Tila nagrereklamo niyang sagot kay manang Martha. " Naku mam ako na po ang bahala maghanda ng breakfast pwede na po kayo ulit bumalik sa pagtulog kung inaantok pa kayo. " " Sige po manang. Salamat po. Makikihanda nyu na rin ang breakfast ng sir nyu ha. " " Opo mam. Ako na po ang bahala. " Muling bumalik si Kassandra sa kanilang room. Narinig niya ang lagaslas ng tubig sa shower room kaya alam niyang naliligo pa ang asawa. Muli siyang bumalik sa pagkakahiga at natulog. Samantala nagulat naman si Jansen ng makitang muling nakatulog si Kassandra. Tila himbing na himbing nanaman ito sa pagkakatulog. Nilapitan niya ito at niyogyog niya pra magising. " Kassandra wake up! " Pilit na iminulat ni Kassandra ang pikit niyang mga mata. At tumambad sa kanya ang kahubdan ng asawa. " Ano ba Jansen antok pa ako! At pwede ba magdamit ka na! " Inis niyang wika dito sabay kulakbong ng kumot. Samantala nangingiti naman si Jansen sa inasal ng asawa. Umupo siya sa gilid ng kama at tinanggal ang saklob na kumot nito. Nagulat nanaman si Kassandra ng mamulatang hubad pa rin ang asawa. Muli siyang nagsaklob ng kumot. Ngingiti ngiti naman si Jansen na muli yong tinanggal. " Ano ba Jansen pwede ba magdamit ka na " " Bakit pa ako magdadamit kung tatanggalin din naman natin ito. At tsaka ano naman kung makita mo akong hubad e ilang ulit mo na namang nakita ito." Patuloy na panunukso ni Jansen sa asawa. "At dahil ayaw mo pa bumangon diyan sige pagbibigyan kita my dear wife. " Tinanggal ni Jansen ang kumot na tumataklob kay Kassandra at iwinaksi yon sa may paanan. Nagulat si Kassandra ng matambad sa kanya ang kahubdan ng asawa. Amoy na amoy niya ang mabangong sabon na ginamit nito. At napapikit ulit siya sa hiya. " Kassandra open your eyes..." Tila nang aakit na wika nito sa kanya. " No! Magdamit ka muna! " Mariin niyang wika sa asawa. " At bakit naman ako magdadamit! " Habang sinasabi yon ni Jansen ay unti-unting dumadagan ito kay Kassandra at langhap na langhap ni Kassandra ang mabangong amoy ng asawa na mabilis na nahagilap ang kanyang mga labi at kinuyumos siya ng halik. Samantala hindi naman naiwasan ni Kassandra na hindi tumugon sa halik na yon ni Jansen kaya lumalim pa ang kanilang halik. Hanggang sa isa-isa ng tinannggal ni Jansen ang kayang mga saplot sa katawan. Halos matupok naman si Kassandra sa ginagawa sa kanya ni Jansen. Walang bahagi ng kanyang katawan ang hindi nadaanan ng mga labi nito. Hanggang sa tuluyan na siya nitong angkinin at sabay nilang naabot ang sukdulan. Samantala pagkatapos ng kanilang mainit na pagniniig ay mahigpit siya nitong niyakap. At walang anu-ano ay bigla siya nitong binuhat. Pareho silang hubad. " Jansen ano ba! Put me down! " Pero tila naman walang narinig si Jansen. Deredercho itong pumasok sa shower room habang buhat siya. Pagka baba nito sa kanya ay itinapat siya nito sa shower. Halos manginig siya sa lamig dahil sa lamig ng tubig na bumabasa sa buo niyang katawan. Ng makita naman siya ni Jansen na nangangaligkig sa lamig ay inilagay nito sa wam temperature ang shower. " Siguro naman ngayon ay gising na gising ka na my dear wife..." Tila nang-aasar na panunudyo nito sa kanya. Dahil sa ginawa sa kanya ni Jansen ay talagang nabuhay ang buo niyang diwa. " After taking a shower you are going to prepare my working clothes. Dadaan muna ako sa hacienda nyu before ako pumunta sa Bangko. " Sabay sila ni Jansen lumabas ng shower room at gaya ng ipinaguutos nito ay agad niyang inihanda ang mga kasuotan nito. Siya naman ay nagsuot lang ng short at maluwang na T-shirt. She didn't even put a powder on her face at bumaba na sa kitchen para i-check kung naihanda na ni yaya Martha ang breakfast. Samantala naiiling naman si Jansen na lumabas na ng kwarto at nagtungo sa dining room. Nadatnan niya si Nanay Martha at ang kanyang asawa na inihahanda na ang table for breakfast. " Good morning po senyoreto! " Narinig niyang bati ni Nanay Martha. " Good Morning po Nanay Martha. Sumabay na po kayo sa amin ni Kassandra magbreakfast. Then pagkatapos kumain you have to pack your things. " " Sir? " Puno ng pagtatakang wika ni Nay Martha. Sinesisante nyu na po ba ako senyoreto? " " Hindi po Nay Martha. Isasama ko po kayo sa Hacienda Del Rio. Doon po muna kayo kasamang magtitingin kay Papa. " " Pero sir wala na pong maiiwan dito. " " It's okay Nay Martha. My wife can handle everything. While I'm at work my wife will do the house chores " " What! Gulat na bulalas ni Kassandra. Are you serious Jansen Carl!? " Madiin niyang wika sa kompletong pangalan nito. " I'm very serious my dear wife. I know you can do it. " Pagkatapos nila magbreakfast ay tinitipon na sana ni Nanay Martha ang mga pinagkainan nila ngunit pinigilan ito ni Jansen. " Let my wife do that Nay Martha. Go to your room and pack your things so we can leave. " Samantala nagdadabog na iniligpit ni Kassandra at hinugasan ang kanilang mga pinagkainan. " My wife you should be the one to wash the dishes " puno ng autoridad na wika nito sa kanya. Agad namang tumalima na si Kassandra para lang maiwasan na ang kanilang pagtatalo. Palibhasa namuhay siyang independent simula nung mag-aral siya ng college ay sanay siya sa mga gawaing bahay. Pagkatapos niya maghugas ay siya namang dating ni Nanay Martha bitbit ang maleta nito. " So pano my lovely wife, ikaw na ang bahala dito. Aalis na kami ni Nanay Martha. Dinner time na ang balik ko, so make sure masarap ang ihahanda mo for dinner. " may ngiti sa labi na wika nito sa kanya sabay halik sa labi niya. Na hindi nahiya kahit andun si Nanay Martha. " Bye sweetheart " tila nang-iinis pang ngiti nito sa kanya. Hindi siya umimik at inirapan niya lang ito. She really hate this man for coming into her life but she needs to live with it. Ng makaalis na si Jansen ay nag-umpisa na siyang maglinis. Sobrang laki ng villa pero hindi nman siya nahirapang maglinis dahil hindi naman ito madumi palibhasa alaga sa linis ng mga katulong. Napansin niya na masyadong dark ang mga curtain sa sala at sa kanilang room kaya naisipan niyang lumabas para magshopping ng mga new curtains at mga pangdekorasyon base on her taste at para maggrocery na rin ng iba pa nilang mga pangangailangan sa bahay. Ng palabas na siya ng gate ay hindi agad siya pinagbuksan ng guard. Tinanong muna siya nito kung saan siya pupunta. " Mam saan po kayo pupunta? " takang tanong nito sa kanya. " Manong kailangan ko pa bang magpaalam sayo! " mataray niyang wika na hindi maiwasang magtaray sa guard sa inis. " Mam pasensya na po. Sumusunod lang po ako sa utos ni sir. Kabilinbilinan niya po kasi na bantayan kayo at kung aalis daw po kayo ay dapat alamin ko po muna kung saan kayo pupunta. " Napabuntong hininga nalang si Kassandra sa inis. Sumusobra na talaga si Jansen. " Okay Manong sabihin mo sa boss mo pupunta ako sa mall para magshopping. So ano will you open the gate for me o gusto mong sisantehin kita. Baka nakakalimutan mong hindi lang ang sir mo ang boss mo dito. I'm his wife kaya boss mo rin ako! " Inis na niyang litanya sa guard na napakamot nalang sa ulo niya bago buksan ang gate. Samantala habang naglilibot libot sa mall ay di niya inaasahan na makakatagpo niya dun ang dalawang taong naging bahagi ng kanyang kahapong nagdaan. " Kass? Ikaw nga! Kumusta ka na? " Nakangiting tanong sa kanya ni Erick. " Erick! Long time no see. How are you? " Ganting bati naman niya dito. " I'm good Kass. Ikaw kumusta ka na? Kumusta na kayo ni Jansen? " " We're fine Erick " Nakangiti niya pa ring sagot dito. " Are you with Jansen? Where is he? " muli nitong tanong sa kanya. " Hmm I'm all by myself Erick. Jansen is so busy with his work" " Wow ibang klase din talaga yang kaibigan kong yan oh. Busy talaga yata sa pagpapayaman. Alam mo ba Kass ha the last time that we've met sa talon I called him to invite you and him for a drink but he refused kasi sobrang busy daw siya sa work. Sabihin mo naman dyan sa asawa mo Kass, eh mag-enjoy din naman paminsan-minsan. " " Naku ewan ko ba sa taong yun. Napaka workaholic. Pati nga pagpapatakbo ng rancho at hacienda namin eh inako na niya eh! " Tila nagrereklamong wika ni Kassandra. " Kumusta na nga pala? How's your life going on? " pangungumusta naman niya sa kaibigan. " Eto single pa rin! " malungkot nitong wika. " Tse! Naku Erick wag ako! Single daw! For sure baka left and right ang chicks mo " pangangantiyaw niya dito. Natawa naman si Erick sa sinabi niya. Biglang nagring ang phone nito. " Hello o pre asan ka naba? " Sige hintayin kita dito. " Kassandra since its already lunch time would you join me to have lunch while I am waiting for my friend please..." pakiusap ni Erick sa kanya so how can she refuse. " Okay lets go. " Sa isang fast food chain sa loob ng mall sila dumerecho ni Erick. Habang naghihintay ng kanilang order ay panay ang kwentuhan at tawanan nila ni Erick. Kasabay ng pagserve ng kanilang orders ay pagdating ng kaibigan na hinihintay ni Erick at ganun na lang ang pagkagulat niya ng makilala kung sino ang kaibigan ni Erick na hinihintay nito. Walang iba kundi si John ang kanyang ex boy friend. " Oh John pare, tamang tama ang dating mo. Foods are ready. Oh by the way before we eat I want you to meet my childhood friend, Kassandra Del Rio.. Kassandra this is John Peralta my best friend. " " Kassandra ikaw nga! " Gulat na sambit naman ni John. Laking gulat nman ni Kassandra ng bigla siyang yakapin ni John ng mahigpit. " Oh God Kassandra I miss you. I'm glad that I see you again " " You know her? " nagtatakang tanong naman ni Erick sa kaibigang si John na nagpalipat lipat ng tingin sa kanilang dalawa. " Yap I know her. How can I forget her. She's the woman I used to love. " Ang pagtataka ni Erick ay tuluyan ng tinuldukan ni Kass. " Yes Erick. We used to know each other. John is my ex boyfriend. " " Oh!!!really! Oh man! I didn't know na si Kassandra pala ang girl na tinutukoy mo at pinanghihinayangan mo na hindi mo na ipakilala sa akin. " " How are you Kassandra? " tanong sa kanya ni John na hindi inaaalis ang pagkakatitig sa kanya. " I'm fine John. I'm a married woman now " tila walang gana niyang sagot. Nabakas ni Kassandra ang lungkot at panghihinayang sa mga mata ni John ng sabihin niya dito na married na siya. " Are you happy? " muling tanong nito sa kanya na tila inaaarok kung ano ang nasa kalooban niya. " Yeah of course I'm happy John. Why do you ask that? " " Because it seems that you don't Kass. " " John whether I'm happy or not in my life now. It's none of your bussines. You know what, lets just eat. " Habang kumakain sila ay tahimik lang na nakamasid si John sa kanya. Pagkatapos nilang maglunch ay humiwalay na siya sa dalawa ni Erick. Kahit tutol ang kalooban ni John ay wala na siyang nagawa kundi habulin nalang ng tanaw ang palayong si Kassandra. Samantala lingid naman sa kaalaman ni Kassandra ay may isang taong panay ang panakaw na kuha ng larawan sa kanya kanina pa sa mall habang kausap niya si Erick hanggang sa restaurant kung saan sabay-sabay silang naglunch nila Erick. Pagkadating - dating ni Kassandra sa Villa galing sa mall ay biglang nag-ring ang phone niya. Nakita niyang my 10 missed calls siya. Si Jansen ang tumatawag. Agad niya itong sinagot. " Hello, yes Jansen? Napatawag ka? " " Where are you? " malamig na tanong nito sa kanya. " I'm home now Jansen " " Where have you been? " tila nag-iimbestigang tanong nito. " Sinong kasama mo? " muli nitong tanong sa kanya. " I'm all by myself Jansen " malamig din niyang sagot dito. Ayaw na niyang makipagdiskusyon pa kay Jansen. " Kung wala ka nang sasabihin pa Jansen I'll hung up na. Marami pa akong gagawin. Aayusin ko pa yong mga pinamili ko. " Samantala pagka end ni Kassandra ng phone ay hindi na nagkaron ng katahimikan si Jansen. Kanina lang bago niya tawagan si Kassandra ay kausap niya si Margot. May mga larawan ito ng asawa niya na nakuhaan nito ng larawan kasama ang dalawang lalake sa buhay nito. Damn it! Damn that woman! She cannot run away with me! I'll make sure that Kassandra will beg and bow down with him.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD