CHAPTER SEVENTEEN
Dahil sa muling pagkukrus ng landas nila Kassandra at John ay muling nabulabog ang nanahimik ng mundo ni Kassandra. Muling nagbalik sa kanya ang masasaya at mapait na nakaraan nila ni John.
John was her serious/official boyfriend that time. Matagal na nanuyo at nanligaw sa kanya si John. Sineryoso niya si John dahil si John lang din ang bukod tanging lalaki na tumagal at sineryoso niya. Mabait si John, sweet, gwapo at mayaman kaya hindi mahirap para sa kanya ang mahulog at mahalin ito.
Akala niya sila na ni John hanggang sa huli. Umasa siya na si John na ang lalaking inilaan ng Diyos para sa kanya. Naging kampante siya sa pagmamahal nila ni John para sa isat-isa. It's been two years na nagmahalan sila at inintindi ang topak at ugali ng bawat isa. Pero hindi niya alam na may isang ahas na papasok sa tahimik at kontento nilang relasyon. Isang ahas na sisira sa binuo nilang pag-ibig at pangarap para sa isat isa.
Ng minsang bisitahin niya si John sa condo nito isang masakit na katotohanan ang bumulaga sa kanya. Dahil sa very open sila ni John sa isat isa ay may sarili siyang access sa condo nito. Nakakapaglabas pasok siya dun kahit wala ito. Diredirecho siya sa loob ng condo ni John after iswipe ang censored card na dala niya sa pinto ng condo ni John. Dire direcho siya papunta sa kwarto ni John past 9:00 na ng gabi at siguradong nasa kwarto na niya ito. Biglang sumipa ang matinding kaba sa dibdib niya ng nasa may pinto palang siya ay naririnig na niya ang impit na mga ungol na nanggagaling sa kwarto nito. Ungol na nagmumula kay John at sa kung sino mang babae na kasama nito sa loob. Dinig niya ang paglangitngit ng kama nito at ang tila pagsasalpukan ng mga katawan ng mga ito. Napako siya sa kanyang kinatatayuan at ang mga kamay niya na nakahawak sa door knob ng pinto ng kwarto nito ay tila nanginginig na. Gusto niya ng tumakbo palabas at lisanin na ang condo nito ng hindi nito nalalaman pero kailangan niyang malaman kung sino ang babae nito. Kaya kahit na nanginginig ang mga tuhod ay pinihit niya pabukas ang pinto na hindi nakalock and there you go. Nadatnan niya si John na may katalik na babae. Nasa ibabaw nito ang babae na tila kumakabayo dito. Nanlaki ang mga mata niya. Para siyang nakapanood ng live na porn. Pakiramdam niya ay namanhid ang buo niyang katawan. Tumulo ang masaganang luha sa mga mata niya. Hindi pa siya napapansin ng mga ito dahil ang atensyon ng mga ito ay nasa pagpapaligaya sa isat-isa. Ng mapahagulhol siya ng iyak ay dun na nagulantang ang dalawa.
" Kassandra! gulat na gulat na sambit ni John. "
" Hayop ka John! you're a cheater! how could you do this to me! And you Margot! how dare you para ahasin ang boyfriend ko!. Dahil ba hindi mo nagawang agawin sa akin yong modeling project sa France kaya ang boyfriend ko naman ang inahas mo! Naghihisterikal na at galit na galit na sigaw niya kay Margot na agad niyang nahila sa buhok at pinagsasampal ito habang hubot hubad ito! How dare you!
You're a slut Margot!
And you John ito ba ang pagmamahal na sinasabi mo sa akin ha! wala pa akong one month sa France nakikipaglandian ka na sa iba. Ang bababoy nyu! f**k you John! f**k you! magsama kayo ng malanding babaeng yan! We're done! "
Umiiyak at nanginginig ang mga tuhod na tinalikuran niya ang mga ito. Napahawak siya sa dibdib niya tila naninikip ito dala ng sobrang galit sa kataksilang ginawa ng boyfriend niya. Ang sakit sakit! winasak ni John ang puso niya. Ngayon niya lang naramdaman ang ganitong sakit. Marami siyang naging boyfriend. Nahuli niya rin yong iba na may ibang babae pero hindi naman siya nasaktan ng ganito. Pero ngayon s**t! bakit ang sakit sakit! bakit hindi niya mapigilan ang pagpatak ng mga luha niya.
Napasabunot si John sa buhok niya. Sising sisi sa nagawa niyang kataksilan sa kasintahan. Mahal niya si Kassandra kaya nirespeto niya ito. Nirespeto niya ang kagustuhan nito na isusuko lang ang sarili pagkatapos ng kasal nila. Kaya naman ang init at romansa na hindi niya makuha dito ay hinanap niya sa iba. At ito nga si Margot isa ring modelo na karibal ni Kassandra sa lahat ng modeling project ang mismong nag offer ng sarili nito sa kanya na hindi niya natanggihan dahil lalaki siya na madaling matukso sa tawag ng kamunduhan.
" Get dress Margot and get out of my condo right now. I want to be alone. This is the last time that we will see each other. From now on we will be a strangers to each other. "
" What! ganun ganun nalang ba yon ha John! Matapos mo akong gamitin ituturing mo akong estranghero! " puno ng pait na sumbat ni Margot sa nakatalik na si John.
" You don't have the right para sumbatan ako Margot cause you willingly offered yourself to me! You know so well na committed na ako kay Kassandra at mahal ko siya pero ipinilit mo pa rin ang sarili mo sa akin. " asik naman ni John sa umiiyak ng si Margot na hindi na nakipagtalo pa sa kanya at pumasok na sa shower room.
Si Kassandra naman ay dumerecho sa condo ng manager niyang si Jaszha. Dahil kailangan niya ng makakausap at mapapaglabasan ng sama ng loob niya kung hindi baka mabaliw siya at manigas nalang sa sobrang sakit at sama ng loob na nararamdaman niya.
Umiyak siya sa baklang manager na si Jaszha.
Nagulat naman si Jaszha ng pagbuksan siya nito ng pinto ay umiiyak na yumakap siya dito.
" Hey girl! what happened to you? bakit para kang pinagsakluban ng langit at lupa! ikaw ba talaga si Kassandra na kilala ko? " nagtatakang tanong ni Jaszha sa talent at kaibigan na si Kassandra.
" Jaszh! ang sakit! sakit! wala na kami ni John! "
Nagulat naman si Jaszha sa tinuran ni Kassandra.
" Ha! pero bakit anong nangyari? Don't tell me nakipagbreak siya sayo! " nagtatakang usisa niya sa kaibigan.
" No Jaszh...ako ang nakipagbreak sa kanya! "
" Gaga ikaw naman pala ang nakipagbreak eh bakit iiyak iyak ka
dyan! " mataray na sita ni Jaszha sa kanya.
" Eh kasi Mamu Jaszh...nahuli ko siya sa aktong nakikipag s*x sa karibal ko sa Modeling na si Margot. Ang sakit sakit Mamu Jaszh! "
" Ikaw ba talaga yan Kassandra! eh diba ang moto mo eh hindi dapat iniiyakan ang mga lalaki. Eh ano ngayon kung nakipagsex siya sa karibal mo. Knowing that Margot, she's a b***h girl! for sure siya mismo ang nag-offer ng sarili niya kay Boss John. Ano hahayaan mo nalang ang Margot na yun na maagaw sayo si Boss John. Kassandra ang tagal na ninyo ni Boss John bakit bigla bigla ka naman nakipagbreak agad kay John. Sana man lang girl binigyan mo siya muna ng chance na makapag-usap kayo at baka maayos pa ang relasyon nyu. "
" My God naman Jaszh napakamartyr ko naman yata kung patatawarin ko pa siya. Bakla nahuli ko sila na nagsesex. Nasa ibabaw pa nga si Margot na parang nakasakay lang sa kabayo na kumakabayo kay John! Anong gusto mong gawin ko. Palagpasin lang yon at panoorin sila. Ganito pala kasakit ang masaktan sa pag-ibig Jaszh. Ang sakit sakit! "
Bigla naman nakaramdam ng awa si Jaszha para sa kaibigang si Kassandra dahil alam niya yong pakiramdam na mahuli ang karelasyon mo na may ibang kalandian.
" Ay naku girl! tumahan ka na nga dyan. pati ako naiiyak na sayo eh! pag medyo okay kana. Mag-usap kayo ni Boss John at sayang din naman yong haba ng pinagsamahan nyu na masisira lang dahil sa malanding si Margot. "
Inalo-alo ni Jaszha si Kassandra na wala pa ring tigil sa kakaiyak.
Habang inaalala ni Kassandra ang nakaraan ay hindi niya napigilan na balikan at tingnan ang mga photos nila ni John na nasa gallery pa rin ng phone niya hanggang ngayon.
It's been 3 years mula ng makipagbreak siya kay John at hindi pa rin niya magawang idelete lahat ng memories nila together.
Lingid sa kaalaman ni Kassandra ay kanina pa nagngangalit ang mga bagang ni Jansen habang nakatingin sa monitor ng laptop niya. Kitang kita ni Jansen kung paano titigan ni Kassandra ang mga larawan nila together ng ex nito. Kitang kita din niya ang pagpatak ngga luha nito at ang malungkot nitong mukha. Hindi alam ni Kassandra na nag-install siya ng mga cameras sa buong kabahayan para mamonitor niya ang ginagawa ng asawa.
And damn! hindi niya gusto ang nararamdaman niya. Hindi niya alam kung bakit kumikirot ang puso niya na makitang iiniiyakan pa rin ni Kassandra hanggang ngayon ang ex boy friend nito.
Bakit nagagalit siya ngayon na isiping mahal pa nito ang ex nito.
Hindi bat ang gusto naman talaga niya ay makaganti sa pananakit sa kanya ni Kassandra. Hindi ba dapat maging masaya siya dahil sa nakikita niya ngayon na kabiguan nito sa pag-ibig ay parang nakaganti na rin siya sa idinulot nitong sakit sa puso niya dati.
Pero hindi. Dahil ba gusto niya na siya mismo ang magdulot ng sakit na yon sa kanya. Iyakan din kaya siya nito katulad ng pag-iyak na ginagawa nito ngayon para sa ex nito na muli nitong nakita.
Damn! bakit parang siya ang nasasktan ngayon sa isipin kung pano nito iyakan ang ex nito at ang posibilidad na mahal pa rin nito ito at lalong naghimagsik ang puso niya laban dito.
Damn you Kassandra! Pinatay na niya ang laptop niya. Ayaw na niya itong makita dahil kumikirot ang puso niya.
Bago pa makauwi ng bahay si Jansen galing opisina ay naiayos na niya ang kabahayan. Nakapaglinis na siya at nakapagluto na ng dinner.
Masaya niya itong sinalubong. Napagpasyahan niya kasi kanina na tuluyan ng kalimutan si John at ayusin ang buhay may asawa niya sa piling ni Jansen kahit pa sa papel lang sila mag-asawa ni Jansen willing naman siya na gawin yong totohanan para na rin sa ikaaayos ng buhay nila pareho. Pero nagulat siya sa cold treatment nito sa kanya. Hanggang sa nakatapos sila ng dinner at matutulog na ay hindi siya nito iniimikan.
Hindi niya tuloy maiwasang tanungin ang sarili kung may nagawa ba siyang mali. Kahit ng nakahiga na sila sa kama ay himalang hindi siya nito pinakialaman. Medyo dumistansya pa nga ito sa kanya sa pagkakahiga.
" May problema ba? " hindi na nakatiis na tanong niya.
Tumingin lang ito sa kanya, sabay talikod sa kanya.
Hinayaan niya nalang ito at natulog na. Inisip. niya nalang na baka may sarili itong problema na hindi kayang ishare sa kanya.
Hanggang kinabukasan ay hindi pa rin siya iniimikan ni Jansen. Maaga siyang nagising para ihanda ang susuotin nito at para maghanda ng breakfast nila.
Pero laking gulat niya nang hindi ito magbreakfast at tila ba parang hindi siya nag eexist sa paningin nito. Ni hindi man lang ito nagpaalam sa kanya ng umalis ito para pumasok sa opisina.
Hindi lubos maisip ni Kassandra kung ano bang problema nito at simula kagabi pa pag-uwi nito siya hindi iniimikan.
Napaka unpredictable naman ng lalaking yon. Naisip ni Kassandra na hindi sila pwedeng magtagal na ganun ni Jansen. Mas gugustuhin niya pang araw araw sila magbangayan kaysa naman balutin ng katahimikan ang buhay nila pareho.
Dahil hindi ito nagbreakfast ay naisipan nalang niya na hatiran ito ng pagkain sa office nito. Agad na nagshower si Kassandra at inihanda ang sarili sa pagpunta sa opisina ni Jansen.
" Sir Jansen nandito po Misis nyu. " Pag-iinform sa kanya ng kanyang secretary na ikinagulat niya. Tama ba ang narinig niya sunundan siya ni Kassandra dito sa opisina niya.
" Sige papasukin mo na siya. " sagot ni Jansen sa intercon.
" Mrs. Benitez pumasok na daw po kayo " inform sa kanya ng secretary ni Jansen.
" Yes Kassandra! what do you want? what brought you here? " malamig na tanong ni Jansen sa asawa pagpasok nito sa opisina niya.
" Dinalahan kita ng breakfast. Umalis ka kasi kanina na hindi nagbibreakfast kaya dinala ko nalang yong breakfast mo. Sayang naman kasi kung hindi
makakain. Jansen do we have a problem? kagabi kapa kasi ganyan! "
" What do you mean? " malamig pa rin nitong tugon sa kanya.
" Kagabi mo pa ako hindi kinakausap. "
tahasang sagot niya dito.
" Why? may dapat ba tayong pag-usapan? " balik tanong nito sa kanya.
" Mayroon nga ba? " patanong na sagot naman niya dito.
" Nothing! " mabilis na sagot naman nito sa kanya.
" Siya nga pala Jansen pwede ko bang bisitahin si Papa ngayon pagkagaling ko dito. " paalam nalang niya dito.
" Bisitahin si papa o ang makipagkita sa lalake mo? " tila galit na pag-aakusa nito sa kanya na labis niyang ikinagulat.
" What! at sino naman nagsaksak sa utak mo niyan! ang ex mo bang si Margot? ni hindi nga ako makaalis ng bahay ng di mo alam. Wag kang nagpapaniwala dyan sa ex mo Jansen. Hindi ko alam kung bakit ang laki ng inggit at galit sa akin ng babaeng yon. Kung hindi ka pumapayag na bisitahin si papa eh di hindi pero ang akusahan ako ng kung anu ano is too much! " inis na reklamo niya dito na nakipagsukatan ng tingin sa asawa.
" Just go back home and wait for me. We will attend a party tonight. " malumanay ng utos nito sa kanya.
Wala ng nagawa si Kassandra kundi sumunod nalang sa kagustuhan ng asawa niya. Hindi niya gustong magtalo pa sila kaya umuwi nalang siya.