CHAPTER EIGHTEEN
Para hindi maboring at para maalis ang inis niya kay Jansen dahil hindi siya pinayagan nito na bisitahin ang kanyang papa ay napagdiskitahan ni Kassandra na baguhin muli ang ayos ng kanilang living room based on her taste and mood.
Gusto niya yong relaxing, kaya nagpasok siya ng mga halaman sa loob. Ang malaking portrait ng kanilang wedding picture ni Jansen ay isinabit niya sa wall na nakaharap pagbungad sa pinto.
They looked a lovely couple on their portait. Sinong mag-aakala na huwad ang kanilang kasal at pagsasama. Nagpalit ulit siya ng mga curtain and it looks perfectly relaxing.
Whoa! great! this is home! masaya niyang sambit na naapreciate ang kanyang sariling ayos sa villa.
Ng makontento na sa ayos ng living room ay tumungo naman siya sa kitchen para magluto na ng kanyang lunch.
Namiss niya ang kare kare kaya iyon ang naisipan niyang lutuin. Pagkatapos niya magluto ng lunch ay nagshower siya. Feeling niya kasi eh kumapit na ang amoy ng alamang na ginigisa niya kanina para sa kare kare.
Mabilis na nakapagshower si Kassandra at ang inis at iyamot na nararamdaman niya kanina ay tuluyang naglaho na.
Nakaramdam na siya ng gutom kaya pumunta na siya sa dining area para kumain. Pero ng akmang susubo na siya ay biglang sulpot naman ng kanyang asawa. May kasama itong isang mestiso at gwapong lalaki. Actually may kamukha ito. Kamukha ito nung taong naging malapit sa puso niya.
" Hi! " nakangiting bati nito sa kanya.
" Hello! " ganting bati naman niya dito.
" Hello my wife! by the way this is James my best friend. James this is my wife Kassandra" pagpapakilala nito sa kanilang dalawa.
" Oh hi James nice to meet you! " tugon niya sabay lahad ng palad niya for a shake hand.
" The pleasure is mine. Sa wakas nakilala ko rin ang muling gumising at bumuhay sa puso nitong best friend ko simula nung iwan siya ni Margot. " komento naman nito na halos ayaw ng bitawan ang kamay niya.
" Hey bro baka gusto mong bitawan na ang kamay ng asawa ko! " sita naman ni Jansen kay James.
" Oops sorry! " tila nahihiya namang paumanhin ni James. Ito naman napaka possesive. Pabiro nitong wika kay Jansen. " Sabagay napakaganda ng Misis mo bro. kung ako siguro naging asawa niya magiging ganyan din ako kaposessive sayo! " dugtong na biro pa nito.
" Naku kayo talaga puro biro! naglunch naba kayo? " tanong niya sa mga ito.
" Hindi pa nga eh! mukhang sakto ang dating namin ni Jansen ah! "
" Ganun ba! cge maupo na kayo at kukuha lang ako ng plato. Pasensya na kayo ha kare kare lang niluto ko. Di naman kasi nagpasabi itong si Jansen na dito siya maglalunch. Kumakain ba kayo niyan? " nag-aalalang tanong niya sa mga ito.
" Oo naman! actually paborito nga namin yan ni Jansen eh. "
Natutuwa naman si Kassandra dahil mukhang nagustuhan ng dalawa ang niluto niya. Said ang niluto niyang kare kare.
" Wow! that was the best kare kare I've ever taste. Sobrang namiss ko talaga yan di kasi nagluluto niyan yong mga maids namin sa amerika eh.! ikaw ba talaga nagluto niyan? " di makapaniwalang tanong ni James sa kanya.
" Yes wala namang ibang magluluto at mag-aayos ng bahay kundi ako lang! " natatawa niyang sagot.
" Why? what happened!? Anong nangyari sa mga katulong nyu bro.? " takang tanong ni James sa kaibigang si Jansen.
" Pinagbakasyon ko muna bro. " sagot naman nito
" Bakit sabay sabay mo namang pinagbakasyon bro. kawawa naman itong Misis mo. "
" Naku okay lang naman at sanay naman ako. I live independent for a long time kaya sanay ako na ako ang gumagawa ng lahat."
" Really! naku napakaswerte naman pala talaga nitong best friend ko. May asawang maganda at maasahan sa bahay "
Ng akmang liligpitin na niya ang kanilang pinagkainan ay agad siyang pinigilan ni James.
" Naku Kass kami nang maghuhugas niyan ni Jansen. Alam kung pagod ka sa pagluluto at pag-aayos ng bahay. Diba bro. "
" Naku huwag na! nakakahiya naman sayo James. Bisita ka namin tapos paghuhugasin ka lang ng plato ako ng bahala dito. " Agad na tutol niya dito.
" Sige na my wife! ako ng magliligpit ng kinainan natin. Samahan mo nalang si James sa sala. " wika ng kanyang asawa na mukhang tinablan ng hiya sa sinabi ng kaibigan nito.
" Oh narinig mo! hayaan mo na si Jansen dyan tutal siya may gusto na pagbakasyunin lahat ng katulong nyu! " natatawang pang-aasar ni James sa sambakol ang mukha niyang kaibigan.
Natutuwa naman siya kay James. Imagine napaghugas nito ng plato ang kaibigan nito.
Ng nasa living room na sila ni James ay humanga ito sa bagong ayos ng living room nila kaya puro papuri ang natatanggap niya dito. Napag-alaman niyang kadarating lang pala nito galing Amerika at birthday nito ngayon. Party pala nito ang sinasabi Jansen sa kanya kanina na pupuntahan nila.
Marami silang napagkwentuhan ni James at magaan agad ang loob niya dito. Ng matapos si Jansen maghugas at madatnan sila nito na nagkukwentuhan ay nagpaalam na rin ito. Marami pa daw kasi itong aasikasuhin para sa party nito mamaya.
Siya naman ay umakyat na sa taas at pumasok sa kwarto nila. Bigla siyang nakaramdam ng antok dahil siguro bagong ligo siya at busog.
Ng makahiga na at lumapat na ang kanyang katawan sa malambot nilang kama. Ay tila hinahatak ang talukap ng mata niya papikit. Hanggang sa tuluyan na siyang igupo ng antok, kaya hindi na niya namalayan ang pagpasok ng kanyang asawa. Aayain sana niya itong magmall para bumili ng isusuot nila para sa party mamaya pero napasukan niyang masarap na ang tulog nito. Napagod siguro sa paglilinis at pag-aayos ng villa. He was impressed sa bagong ayos ng kanilang living room today. Mukhang pinaninindigan na nito ang isang pagiging mabuting may bahay.
Dahil sa ayaw na niyang istorbohin ang asawa na masarap na natutulog ay tinabihan nalang niya ito. Wala na din siya sa mood bumalik sa opisina. Kaya tinawagan nalang niya ang kanyang secretary at nagbilin dito ng mga dapat nitong gawin. Matapos makausap ang kanyang secretary ay nagbrowse siya online para magshopping ng isusuot nila mamaya. Ng makapili ay agad niyang tinawagan in charge person nila sa Department store na pag-aari din nila. At ipinadeliver ang mga kasuotan na kanyang napili.
Nagising si Kassandra sa yugyog ng asawa niya sa kanya.
" Wake up sleeping beauty. We had to prepare for James party tonight. " salubong ang kilay na panggigising sa kanya ng asawa.
Nang magmulat si Kassandra ng mata at mapatingin sa labas ng binta na nakabukas at nakahawi ang kurtina ay nakita niyang dilim na. Past 6:00 pm na pala.
" Oh my! I'm so sorry napasarap ang tulog ko. " mabilis siyang bumangon at nagtungo sa shower room. Nang makapag shower ay agad niyang pinatuyo ang mahabang buhok gamit ang blower. Naghahanap na siya ng maisusuot sa kanilang cabinet ng may iabot na paper bag sa kanya ang asawa.
" Wear that. Hawaian daw ang theme ng party tonight "
Kaya pla nakabulaklakin na polo shirt ang kanyang asawa. Anyway bagay naman dito. Lalo itong naging gwapo sa paningin. Akalain mo yun ang lalaking pinakapangit para sa kanya noon ay ang lalaking gwapong gwapo na sa kanyang paningin ngayon.
Binuksan niya ang paper bag at tumambad sa kanya ang isang hawaian dress. Maganda ang tela nito. Mukhang mamahalin. Simple but elegant.
Ikaw ba pumili nito? mangha niyang tanong sa asawa.
" Yes! why? is there a problem? hindi mo ba gusto? " walang emosyong tanong nito sa kanya.
" No! actually its beautiful thank you." Nang maisuot niya ang dress ay mas lalong nabigyan ng justice ang ganda nito. Lalong lumutang ang akin niyang ganda. Parang isinukat ito sa kanya. Sakto lang ang lapat.
Nag apply lang ng light make up at lipstick si Kassandra na mas lalong nagpalutang sa taglay nitong ganda.
Ng pareho na silang kontento sa kanilang ayos ay makasabay na silang lumabas at tinungo ang kotseng kanilang gagamitin papunta sa party.
Pagkarating nila sa Mansyon nila James ay marami ng mga bisita. Agad silang sinalubong ni James.
" Hello Mr. and Mrs. Benitez. What a beautiful couple. Masayang bati nito sa kanila. "
" Happy Birthday Bro. " bati dito ni Jansen sabay abot ng kanilang regalo.
" Happy Birthday James! " bati din ni Kassandra dito.
" Thanks Kass. Welcome to my party. Hope you enjoy the party. "
Hindi inaasahan ni Kassandra ang biglang pagsulpot ng isa pang bisita ni James. Na ipinakilala nito sa kanila bilang pinsan.
" Oh! what a surprise insan! I didn't expect that you can come tonight.! " masayang bati nito sa bagong dating na kasunudan lang nila at ipinakilala ito nito sa kanila.
" Oh by the way insan this is Jansen my best friend and his wife Kassandra. "
Nanlaki ang mga mata ni Kassandra ng tuluyang makaharap ang pinsan na sinasabi ni James at pagkagulat naman ang rumehistro sa mukha ni John ng muling makaharap si Kassandra.
" John! " gulat na sambit ni Kassandra.
" Magpinsan kayo? " dugtong na tanong niya.
" Yes! matagal na! natatawa namang sagot ni James. Don't tell me na magkakilala kayong dalawa! ? " gulat na gulat ding bulalas ni James.
" Yes insan! actually she's the girl I was telling you. " agad namang sagot ni John.
" Oh no John! si Kass pala yun! too bad bro. Kass is now married. "
" Yes too bad for your cousin James cause Kassandra is now my wife. " agad namang sagot ni Jansen na hindi na maipinta ang mukha.
" Hey! hey! hey! what's going on here! malanding wika naman ng bagong dating na nakapagpalingon sa kanila. "
It was Margot na halos lumuwa na ang dalawa nitong bundok.
" Hey Margot! long time no see I'm glad na nakarating ka sa party ko. Baka ikaw ang makapagpalamig sa umiinit na ulo nitong best friend ko. " pabirong wika ni James na sinagot naman ni Margot ng may kalandian.
" Oh I doubt it James. Baka imbes na lumamig eh lalo pa mag-init yang best friend mo! " malanding tugon ni Margot kay James. Na ikinahagalpak naman ng tawa ni James.
" C'mon guys let's enjoy and start the party. Pambabasag na ni James sa tension na nagsisimulang bumalot sa kanilang apat.
Oh by the way best friend since birthday ko naman I want Kass to be my first dance tonight. I think okay lang naman sayo diba. " Hiling ni James sa kaibigan na kaagad namang pinagbigyan ni Jansen kaya hindi na nakatutol si Kassandra ng hilahin na siya ni Jansen sa gitna ng dancefloor para isayaw. Isang maharot na modern dance ang pinatugtog ng banda. Ng mag-umpisa na silang sumayaw ni James ay nagsisunuran na sa kanila ang iba pa. Kitang kita niya ng hatakin ni Margot sa dance floor si Jansen. At maharot na sumabay sa maharot na tugtugin.
Bigla namang sulpot ni John sa tabi nila ni James at nakiusap sa pinsan kung pwedeng maisayaw siya nito. Saktong pagpalit ng partner ay pagpapalit din ng tugtog na sweet. Kaya nagkalapit ang mga katawan nila ni John. Halos hindi matagalan ni Kassandra ang mga titig sa kanya ni John na tila ba nangungusap.
Si Margot naman ay parang ahas na agad ipinulupot ang kanyang mga braso sa leeg ni Jansen.
" Kass I missed you. All these years I missed you! " punong puno ng damdamin na pahayag sa kanya ni John habang nakatitig directly sa kanyang mga mata.
" John stop it please... may asawa na ako! " saway naman ni Kassandra dito dahil nag-uumpisa na siyang makaramdam ng pagkailang.
" Sana nga Kass ganun lang kadali patigilin ang pagtibok ng puso para sa taong mahal mo. "
" What do you mean John? matagal na tayong wala. Matagal na tayong tapos. Please lang wag mo ng ipaalala sa akin ang masakit na bahagi na yon ng nakaraan natin. "
" Bakit Kass ikaw lang ba ang nasaktan ha! you didn't even give me a second chance Kass. " tila puno ng pait na sumbat nito sa kanya.
" How can I give you a second chance John kung nahuli ko kayo sa akto ng pagtataksil. Alam mo ba kung gaano kasakit yon sa akin on my part. Nangako ka sa akin na ako lang! pero hindi mo yun napanghawakan. Niloko mo pa rin ako! "
" Kass I'm sorry! please forgive me. " pagsamo sa kanya ni John.
" Matagal na kitang napatawad John. Dahil kailangan ko magpatawad para makawala sa sakit na ipinaramdam nyu sakin.! "
" I' m sorry I didn't mean to hurt you Kass. Ikaw ang unang tao na hindi ko nanaising masaktan. "
" Pero nasaktan mo pa rin ako John. Puno pa rin ng pait na wika dito ni Kassandra.
" I'm so sorry Kass. Sising sisi na wika ni John na hindi rin napigilan ang pagpatak ng butil ng luha sa kanyang mata. Tulad ni Kassandra na naluha din sa nakikitang sakit at pait na bumalatay sa mukha ni John. Ramdam niya ang labis na pagsisisi ni John sa pagkakamaling nagawa nito sa kanya. Pero huli na ang lahat para sa kanila. Hindi na siya malaya.
Pinahid ni John ang luhang pumatak sa pisngi ni Kassandra. At hindi niya napigilang yakapin ito ng mahigpit.
" I'm so sorry Kass. I want you to know that I never stop on loving you. "
Ang kanina pa nagngitngit sa inis at galit na si Jansen ay hindi na nakatiis ng makitang niyakap ng pinsan ni James ang kanyang asawa. Agad nitong tinanggal pagkakapulupot ng kamay ni Margot sa kanyang leeg at nilapitan sila ni John.
" Kassandra let's go! " nagpipigil sa galit na wika nito na ikinapitlag ni Kassandra. Hindi kasi siya aware na nakalapit na ito sa kanila.
Kita niya ang matalim na titig nito kay John na tila gusto na itong upakan. Ng makawala siya sa pagkakayakap ni John ay agad siyang humawak sa braso ng asawa para pakalmahin ito. Jansen please birthday ngayon ni James.
Tila naman nahimasmasan ito.
"Let's go! we're going home bago pa ako makapanapak ng tao. "
" Jansen please..."
" Wala akong pakialam kung pinsan ka ni James. Layuan mo ang asawa ko! " matiim na banta nito kay John.
Si James naman na nakahalata sa tensyon na bumabalot sa tatlo ay agad na lumapit sa mga ito.
" Hey is there anything wrong! " tanong nito na nagpalipat lipat ang tingin sa kanilang tatlo.
" Pagsabihan mo yang pinsan mo James. Anyway Happy Birthday nalang ulit sayo bro. We are going home now. Babawi nalang ako sayo some other time. "
" Bro. naman kakasimula palang ng party. "
" I'm really sorry bro but we really need to go. Ayaw kong ako pa ang maging sanhi ng kaguluhan dito sa party mo. " wika ni Jansen na matalim na nakatitig sa pinsan niyang si John.
" Okay then sige ingat kayo sa byahe. " pagsang-ayon na ni James sa kaibigan dahil kilala niya ito mahina ang pagtitimpi nito. Baka dito pa magkasubukan ng tapang ang pinsan niya at ang bestfriend niya ay hindi niya alam kung sino ang kakampihan sa mga ito.
Si Margot naman ay masayang masaya sa eksenang nasaksihan.
" Umpisa palang yan Kassandra! makikita mo! hindi ka magiging masaya. Babawiin ko sayo si Jansen. " wika ni Margot sa isip lang niya kasabay ng matamis na ngiti.