TCS 09:

985 Words
•Rabiya• Namamangha akong tumingin sa malaking paaralan na nasa harapan na dinaanan namin ni Caleb. Iba pala talaga ang lugar dito sa Y City, kaysa sa probinsya. Nakakalula ang laki ng mga buildings at maraming mga sasakyang nagtatakbuhan sa kalsada. "Nandito na tayo." Huminto ang sasakyan ni Caleb sa harap ng paaralan na may tatak na Stanford International Academy. Pababa na ako ng kotse nang naramdaman ko ang hawak ni Caleb sa aking kanang kamay. Nilingon ko ito at naguguluhang tumingin sa kanya. "Bakit po, sir?" "Bawal ang mga lalaki, Rabiya." Tumango ako sa sinabi niya. Alam ko na naman iyon, nasabi na niya sa akin kanina ang rule niya na iyon. Aalis na sana ako nang hindi pa rin ako nito binibitawan. "May nakalimutan ka yatang gawin, Rabiya?" Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. Hindi ko alam kung ano ang ibig nitong sabihin, pero bago pa ako makapagtanong ay naglapat na ang labi naming dalawa. Napaatras ako sa sobrang gulat ngunit hindi naman ako nag-reklamo. Parte iyon sa kontratang pinirmahan ko sa kanya. "Be good, Ms. Sanchez, sige na pumasok ka na." Tumango ako at nagpaalam na sa kanya. Hindi ko na siya ulit nilingon at pumunta na sa gate. Tiningnan ako ng guard na nakabantay. Kinakabahan naman akong tumingin dito, hindi niya ba alam na may exchange student na darating ngayong araw? Wala pa naman akong dalang ID dahil sabi ni Caleb ay dito ko na raw kukunin sa school. "May kailangan po ba kayo? Hindi po kayo studyante dito 'di ba?" Kagat-labing tumango ako sa tanong niya. Hindi naman talaga ako nag-aaral rito, para lang naman sa mayaman ang paaralang ito. "Makakaalis na po kayo, ma'am, dahil magsisimula na po ang class hours at bawal po kaming tumanggap ng visitor—good morning, Sir Soulle." Napalingon ako sa binati nito, hindi ko siya kilala pero sa tingin ko ay mataas ang posisyon nito sa paaralan. "Anong pangalan mo, miss?" baling nito sa akin. Napalunok naman ako kaagad sa sinabi nito, baka mapagalitan pa ako rito, kahit amo ko ang lalaking iyon ay masusuntok ko talaga ang pagmumukha niya kapag napahiya ako rito. "May hinatid kasi ang kaibigan ko rito at sinusundo ko, huwag mong isipin na interesado ako sa'yo. May girlfriend na ako." Napakamot ako sa aking noo dahil sa sinabi niya. Ang advance naman nitong mag-isip nasa future yata ang utak ng lalaking 'to. Pinigil ko ang pag-ngiti sa isiping iyon, nababaliw na rin yata ako. "Ako iyong—" "I'm sorry. She's the one, dude!" Sabay kaming napatingin sa lalaking nagsalita. Nagtataka kong pinagmasdan si Caleb nang siya ang nakita kong dumating. Bakit siya narito? Hindi ba at umalis na ito kanina? "Bumalik ako at baka mahiya itong pumasok, eh." "Hindi man lang ako nasabihan, nakahanap ka na pala ng tinatangi mo," nakangising saad ng lalaki na nasa harapan ko, habang pinasadahan ang tingin. "She's beautiful—" "Hindi siya ang tinatangi ko. Anyway, kailangan ko pang mag-report sa head. Please, be careful with her. She's my woman." Tinapik pa ni Caleb ang aking balikat bago tumakbo palayo. Nilapitan naman ako ng lalaki at umakbay sa akin, tatanggalin ko sana iyon nang mas hinigpitan niya ang pagkakahawak sa akin. "Huwag kang mag-alala, hindi kita gusto. Estudyante ko ang aking girlfriend," mahina nitong usal. Nakagat ko ang aking ibabang labi dahil sa pag-amin niya. Hindi ba bawal naman iyon sa paaralan? Iyong student-teacher relationship. "Sir Soulle." Napahinto kami sa paglalakad nang may babaeng humarang sa dinaraanan namin. Napaawang ang aking labi nang mapagmasdan ito nang mabuti. She's beautiful, ang mahaba nitong pilikmata ay nagbibigay ng kakaibang kagandahan sa kanyang malalaki at nangungusap na mga mata. Matangos ang kanyang ilong at may manipis na mga labi. Ang kanyang maputi at makinis na balat ay kumikinang dahil sa pagtama ng sinag ng araw. Napalingon ako kay Sir Soulle ng inilapit nito ang kanyang bibig sa aking tainga. "She's Chloe and she's my woman. She's beautiful, right?" Napatango ako sa sinabi nito, ngunit kaagad din na lumayo sa kanya dahil natatakot ako sa nakakamatay na tingin ni Chloe. "Chloe, samahan mo ang exchange student natin na libutin ang buong school." Ibinuka ni Chloe ang kanyang bibig para magsalita nang inilagay ni Soulle ang kanyang kamay sa bibig nito. "Ayaw kong makarinig ng hindi, Chloe, dahil nagseselos ka—" "Sinong nagseselos?" Namumula na ang mukha nito habang umiiwas ng tingin sa amin. She's cute! Ang sarap pisilin ng kanyang matambok na mukha. "Umalis ka na nga!" Akala ko ay magagalit si Soulle dahil sa sinabi nito ngunit tumawa lang ito at nagpaalam na. "Sorry kanina, ah. Wala naman akong gusto kay Sir Soulle, iniinis lang talaga niya ako," hinging-paumanhin ko rito. Tumawa naman ito at kinurot ang aking pisngi. "It's okay, Nasanay na ako kay Soulle. Baliw rin iyon, eh, katulad ng mga kaibigan niya. Well, I'm Chloe, you are?" Nakangiti niyang inilahad sa akin ang kanyang kamay na inabot ko naman kaagad. "Rabiya, pero Ibyang na lang," nakangiti kong saad. Tumango siya at hinila na ako papunta sa right hallway. Magsasalita pa lang sana ako nang tumunog ang aking cellphone. Napangiti ako nang makita ang pangalan ni Travis sa screen ng cellphone ko. "Hi, beautiful! I miss you." Natawa ako sa aking binasa. Iba rin talaga ito si Travis. Nagtipa na ako nang mensahe. "Really? Puntahan mo nga ako kung talagang nami-miss mo ako, hahaha. Joke lang, I miss you too, Travis!" Ipapasa ko pa lang ito nang may pumasok na mensahe. Nanlalaki ang aking mata nang makita ang pangalan ni Caleb. Binuksan ko iyon at tiningnan ang kanyang ipinasa sa akin. "No boys, Rabiya." Hindi ko pa nare-replyan nang may pumasok na naman na mensahe. "Bakit mo nami-miss ang, Travis na iyon, Rabiya Sanchez?" Nanlalaki ang mata ko na paulit-ulit na binasa ang huling mensahe nito. Halos maitapon ko ang aking cellphone nang tumawag ito. Anong sasabihin ko? 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD