TCS 10:

985 Words
•Rabiya• Kinagat ko ang aking labi habang tiningnan ang paligid. Nagda-dalawang isip ako kung sasagutin ko ba ang tawag ni Caleb o hindi. Hindi ko naman alam na malalaman pala niya ang mga mensaheng ipinapasa at dumadating sa akin. Napakislot ako nang bigla iyong mag-vibrate sa kamay ko. Nakita ko ang bagong mensaheng ipinadala nito. "Isang tawag ko pa, Rabiya, na hindi mo sasagutin. Siguraduhin mong nakahanda ka sa punishment tonight." Sa pangatlong ring ng cellphone ko ay pikit-mata kong sinagot ang tawag nito. Baka akalain nito na lalaki ko si Travis, may pa I miss you too pa naman ako roon. Kung alam ko lang na malalaman nito ang mga text messages ko ay di ko na iyon sinabi. Wala rin namang malisya ang mga message na iyon, nakikisabay lang ako sa kabaliwan ni Travis. "Are you okay, Ibyang?" Tumingin ako kay Chloe sabay tango. Alangan naman na sasabihin ko sa kanya na parang sasabog ang puso ko dahil sa kaba ko sa lalaking tumatawag ngayon. "Sasagutin ko muna ito." Nang makita kong tumango si Chloe ay kaagad na akong naglakad palayo rito. "Sir Caleb," kinakabahan kong tawag sa pangalan nito. "Anong ginagawa mo ngayon, Rabiya? Bakit hindi mo nasagot kaagad ang tawag ko." Nakagat ko ang aking daliri dahil sa tanong nito, ngunit ilang sandali lang ay napailing ako. Wala naman akong ginawang masama, kaya wala akong dapat na ikatakot. "Sagutin mo ako, Miss Sanchez. Marami akong trabaho kaya huwag mo na akong papuntahin siya." "Ah, naglilibot po kami ni Miss Chloe rito sa school—" "Nami-miss mo ba si Travis?" mariin ang pagkakasaad nito sa bawat salita. Kinakabahan ako pero bakit parang may kumikiliti sa puso ko dahil sa sinabi nito. Hindi ako nakasagot kaagad pinapakalma ko pa ang sarili ko at baka atakihin ako sa puso nang wala sa oras. "Ang bilis mong makasagot sa lalaki mo, pero sa akin aabutin pa yata tayo ng isang taon, Rabiya." Napabuntong-hininga ako sa sinabi nito. "Sorry, sir, pero kaibigan ko lang naman po si Travis." "Travis? So, first name basis na pala kayo ngayon? Pero sa akin may sir..." Hindi ko na narinig ang ibang sasabihin nito dahil sa sobrang hina ng kanyang boses. "May mga mata akong nakamasid sa'yo, Rabiya, I'll be reading all your messages. Kapag may nabasa akong 'I miss you too, Travis' mag-damag talaga tayong gagawa ng milagro sa kwarto." Napalunok ako sa sinasabi nito. Nababaliw na yata si Sir Caleb, friend ko lang naman si Travis at impossible naman na magkagusto ito sa akin. Sa dinami-rami ng magagandang artista, hanggang pangarap na lang ang mga katulad niya. "Sir, ibababa ko na po ito tinatawag na po kasi ako ni Miss Chloe." Rinig ko ang malalim nitong pagbuntong-hininga at mahinang bye niya bago pinatay ang tawag. "Boyfriend mo iyon?" Umiling ako sa tanong ni Chloe, pero hindi ko rin naman sinabi sa kanya kung ano ang relasyon namin ni Caleb. Ano na lang ang iisipin niya kapag nalaman niyang isa akong s*x slave ni Caleb? Nakakatakot iyon, mapanghusga pa naman ang mga tao ngayon. — Last class na ang pupuntahan ko ngayon. Alas-sais na nang gabi at ang bigat na ng mga paa ko dahil ilang beses akong nag-iikot kanina para mahanap lang ang classrooms ko. Kahit na nailibot ako ni Chloe sa paaralan ay hindi ko pa rin matandaan ang daanan. Bukod sa ang laki ng paaralan ay hindi ko rin naman matandaan kaagad ang mga direksyon. Napaupo ako sa silya nang marating ko ang aking destinasyon. Mabuti na lang at nasa second floor lamang ito at di ako mahihirapang bumaba mamaya. "Do you want tea or soda?" Napakunot ang noo ko sa mensaheng ipinadala ni Travis. "Wala kang shooting today?" tanong ko kaagad. Ilang saglit lang ay tumawag naman ito kaya sinagot ko na kaagad. Hindi naman siguro iyon malalaman ni Caleb. "Napatawag ka, Travis, hindi ka busy?" "Hindi. Gusto ko ngang puntahan ka d'yan, eh. Gusto mo 'yun?" Tumawa ako sa sinabi nito. Impossibleng puntahan niya ako ngayon sa paaralan ko lalo na at artista siya, siguradong mai-isyu ito. "Bakit ka tumatawa, miss beautiful?" "Baliw! Tigil-tigilan mo nga ako, Travis, sige ka baka mahulog ako sa'yo," natatawa kong saad. "Mabigat ka ba? Huwag kang mag-alala kahit mabigat ka sasaluhin kita." Sasagot na sana ako nang nag-vibrate na naman ang cellphone ko. "Wait lang, Travis, ah may importante kasing mensahe na dumating babasahin ko muna. Call me later na lang kapag may time—ahh, huwag na pala. I know you're busy, bye!" Kaagad kong pinatay ang tawag at babasahin na sana ang mensaheng dumating nang pumasok ang isang estudtante. "Walang pasok ngayon kay Ma'am Sulayman, dahil may meeting daw ang faculty staff." Napatango lang ako habang ang iba naman ay nag-hihiyawan. Ganoon naman talaga ang mga estudyante, natutuwa kapag walang pasok. Napailing ako at tiningnan ulit ang mensahe. "Magpapasalo ka ba, Miss Sanchez?" Napapikit ako ng aking mga mata dahil sa mensahe nito. Creepy talaga ni Caleb, bakit pati iyon ay alam niya? May mata ba siya rito sa cellphone ko? O cellphone talaga at nagmumukhang tao lang minsan. "Bakit pati iyon alam, Sir Caleb? Hindi ba dapat may privacy naman ako kahit kaunti?" tanong ko rito. Inayos ko na ang aking gamit at lumabas na sa classroom, gusto ko sanang puntahan si nanay ngunit napagod ako kanina. Bukas ko na lang siya bibisitahin. Napailing ako at isisilid na sana sa bulsa ang cellphone ko nang mag-vibrate iyon. "Hanggat may kontrata ka sa akin ay pag-aari kita, Rabiya. Hindi naman siguro masama na malaman ko kung ano ang ginagawa ng current girlfriend ko?" "Sir, papalitan ko talaga itong phone na ito." "Sa tingin mo ba na hindi ko malalaman ang mga pinanggagawa mo, Rabiya? Detective ako, kilos nga ng iba alam ko, sa'yo pa kaya na pag-aari ko?" Napabuntong-hininga ako at hindi na siya sinagot. Wala rin namang patutunguhan ang pakikipag-away ko rito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD