TCS 11:

1481 Words
•Rabiya• Napatingin ako sa mansyon at malalim na bumuntong-hininga bago bumaba sa kotse. Kanina pa kami dumating, ngunit dahil sa kaba ko ay hindi kaagad ako bumaba. Kinse minutos pa lang nang lumagpas sa alas-syete ang maliit na daliri ng relo. Nagpaalam muna ako sa driver bago pumasok sa loob. Nakita ko si Caleb sa sala na nagbabasa ng libro, binati ko ito ngunit hindi naman niya ako pinansin, kaya dumeretso na ako sa itaas. Kakausapin ko na lang siya mamaya. Nagpahinga ako ng ilang minuto bago pumasok sa banyo at naligo. Pagkatapos magbihis, sa halip na bumaba at kausapin si Caleb ay pinili kong mahiga sa kama at tumingala sa ceiling. "Anong sasabihin ko sa kanya—sino iyan?!" gulat kong tanong nang marinig ko ang pagbukas ng aking pinto. Nanlalaki ang mata ko na tumingin kay Caleb na magkadikit ang dalawang kilay habang umiigting ang kanyang mga panga. Galit pa rin ba ito dahil sa ginawa ko kanina. "Sir Caleb," mahina kong usal. "Ano sa tingin mo ang ginagawa mo, Rabiya?" Kumunot ang aking noo dahil sa sinabi niya. Hindi ko maintindihan ang ibig niyang sabihin. "Kanina pa kita hinihintay na bumaba. Where's my cuddle?" Napalunok ako sa sinabi, hindi ko alam pero nag-iinit ang pisngi ko dahil sa sinabi nito. Nang hindi ako kumilos ay kaagad niya akong tinaasan ng kilay at siya na ang lumapit sa akin. Mahigpit ako nitong niyakap habang ipinipiin sa kama ko. Langhap ko ang mabango niyang perfume at ang sarili niyang amoy na humahalo roon. "Bakit hindi ka pumunta sa ina mo?" tanong niya habang tinitingnan ako sa mga mata. "Pagod na pagod ako kanina sa school, Sir Caleb," mahina kong saad sa kanya. Tumango naman siya at hinaplos ang aking mukha. "Hindi ka ba dinalhan ng Travis mo ng tea o soda?" Nakagat ko ang aking ibabang labi dahil sa sinabi niya. Akala ko ay nakalimutan na niya iyon, ang higpit pa naman ng yakap niya kanina sa akin. "Kaibigan ko lang po si Travis, sir." Tinaasan niya ako ng kanyang kaliwang kilay. Nanunuri ang kanyang mga mata habang nakatitig sa akin. "Paano niyo po nalaman ang mga ipinadalang mensahe ni Travis?" Tumaas ang sulok ng labi nito dahil sa tanong ko sa kanya. "Sa tingin mo ba sasabihin ng mga detective ang mga sekreto nila?" Hindi na ako nagtanong muli dahil sa sinabi niyang iyon. "Kumain ka na ba?" Iiling pa lang sana ako nang may kumato sa pinto. Sabay kaming napatingin doon at napaupo sa kama, gabi na at wala naman akong hinihintay na bisita kaya sa tingin ko ay kay Caleb iyon. "Sir, nasa sala po si Miss Sanna." Nakita ko ang pagbabago ng reaksyon sa mukha ni Caleb. May galit doon ngunit may nakikita rin akong excitement sa mukha niyang iyon. "Sabihin mo na bababa na ako," utos niya sa lalaking nasa labas ng kwarto ko, bago lumingon sa akin. "Dito ka na lang muna, Rabiya, tatawagin na lang kita mamaya kapag kakain na. Dapat hindi malaman ni Sanna na nandito ka sa bahay ko." Hindi pa ako nakakasagot sa sinabi nito, nang tumakbo naman siya palabas ng kwarto ko. Nagkibit-balikat na lamang ako at kinuha ang cellphone sa drawer. "Kanina pa ako naghihintay sa reply mo, Ibyang! Hulaan mo kung nasaan ako." Mensahe iyon galing kay Travis. Anong pinagsasabi nito? Alam niya ba kung saan ako nakatira? Tinawagan ko ito at ilang segundo lang ay sinagot niya kaagad ang tawag. "Nasaan ka, Travis?" bungad na tanong ko sa kanya. Narinig ko naman ang mahinang tawa nito sa kabilang linya, lasing ba siya? "Travis, nakainom ka ba? Bakit ka—" "Hey, beautiful! Nakita mo iyong puno ng narra di kalayuan sa bahay ni Caleb? Nandito ako, pumunta ako kanina sa paaralan mo kaso may sumundo na naman sa'yo." Nanlalaki ang mata ko sa sinabi niya. Mga baliw yata ang mga lalaking nakapalibot sa akin ngayon, tsk. "Kapag hindi mo ako pinuntahan dito, ay dito na ako matutulog." Kaagad akong tumayo sa aking kama at bubuksan na sana ang pinto nang maalala ko ang sinabi ni Caleb kanina. Hindi raw ako pwedeng makita ni Sanna at dahil masunurin akong tao, ay kinuha ko ang kumot sa kama ko at ang mga nasa closet. Mabilis ko iyong itinali sa isa't-isa para humaba at itinapon sa may labas ng bintana. Malapad akong napangiti nang nakaapak na ang paa ko sa may damo. Maglalakad na sana ako palayo nang may humarang sa aking dinaraanan. "Saan ka po pupunta, ma'am?" Mabuti na lang at hindi ako napatili sa sobrang kaba ko sa hardinerong iyon. "Sasabihin ko po ba kay Sir Caleb?" "Hala, kuya, kailangan ko pong puntahan ang inay ko. Babalik din naman po ako kaagad, atsaka po huwag niyo na pong ipaalam kay Sir Caleb, alam niyo naman po na may bisita siya hindi ba?" Tiningnan muna ako nito at ang kumot na ginamit ko sa pagbaba. "Bakit d'yan po kayo dumaan, ma'am?" Pilit akong ngumiti sa kanya sabay kamot ng aking ulo. "Hindi raw po kasi ako pwedeng makita ng bisita niya." "Ah, si Ma'am Sanna po ba? Sige po, ma'am." Hindi ko na pinansin ang reaksyon niya at tumakbo na palabas ng gate. — Hinihingal akong umupo sa tabi ni Travis na nasa ibabaw ng hood ng kanyang sasakyan. "May humahabol sa'yo?" natatawa niyang asar sa akin. Kinurot ko naman ang kanyang tagiliran dahil sa inis ko sa kanya. "Wala kang magawa? Bakit ka nandito, Travis?" Tumingala ito sa langit tila ba kay hirap sagutin ng tanong ko. Hindi ako nagsalita at ininom na lang ang coke na ibinigay nito. Kung ayaw niyang sabihin ang problema niya sa akin ay wala naman akong magagawa roon. "My mom died," mahina niyang usal. Napatigil ako sa pag-inom at tiningnan siya nang mabuti. Ang pinakamasakit sa lahat ay ang mawalan ka ng magulang. "Hindi man lang niya ako hinintay na makapunta sa hospital, Ibyang. Kung hindi lang sana ako naging busy sa concert noong nagdaang araw, hindi sana ay nabantayan ko siya. Ilang araw na ang lumipas ngunit hanggang ngayon ay di ko pa rin mapatawad ang sarili ko." Umakbay ako sa kanya at marahang hinaplos ang kanyang buhok. Ramdam na ramdam ko ang sakit na pinagdadaanan niya ngayon. "Hindi naman kasi madaling makalimutan iyon, Travis. Iiyak mo lang iyan, balang araw matatanggap mo rin ang lahat. Kailangan mo ring tanggapin ang lahat," usal ko. Hindi ko alam kung para nga ba iyon kay Travis o para sa sarili ko. Lumingon ito sa akin at niyakap din ako. Hindi ko siya itinulak, hinayaan ko lang siyang umiyak doon. Dahil noong nasa sitwasyon ako na ito, wala man lang akong masandalan, dahil kailangan kong maging matapang para sa pamilya ko. "Tahan na, shh." Hinaplos ko ang kanyang likod para huminahon na ito. Ilang sandali rin kaming nasa ganoong posisyon nang mag-vibrate ang cellphone ko. Oras na pala para bumalik ako sa mansyon ni Caleb. Lumayo ako kay Travis at bumaba sa kotse nito. Napahiyaw pa ako sa sakit nang naapakan ko ang isang bato. Wala akong suot na sapin sa paa kanina dahil sa pagmamadali ko. Kaagad naman na bumaba si Travis at tiningnan ang paa kong nagdurugo na. "Bakit wala kang suot na sapatos?" nag-aalalang saad niya. Kung hindi lang ito nagdaramdam ngayon ay nabatukan ko na 'to. "Sino ba iyong nagmamadali na nagpapunta sa akin dito?" Itinaas nito ang kanyang kamay sabay ngisi. Hinubod nito ang tsinelas na suot at inilagay iyon sa aking paa. Sabay kaming natawa dahil hindi man lang nangangalahati ang paa ko roon. "Anong ginagawa mo?" turan ko nang bigla itong lumuhod sa aking harapan. "Sumakay ka sa likuran ko, Ibyang, ihahatid na kita." Kumunot ang aking noo sa sinabi niya. Hindi ba at mas mabilis kong sasakay kami sa kotse niya? "Huwag na, Travis, baka makita tayo ni Sir Caleb, mapagalitan ako." Tumingin siya sa akin nang masama bago ako hinila papunta sa kanyang likod. "Travis—" "Huwag kang mag-alala, hanggang sa bakanteng lote lang ako. Ayaw kong mas sumakit iyang paa mo." Nang mamatay si tatay, ngayon na lang ulit ako naka-piggy back ride. "Ang gaan mo naman. Kumain ka nga ng maayos." Napangiti ako sa sinabi nito. "Ipag-grocery mo ako nang marami," natatawa kong saad sa kanya. Hindi na ito nakasagot nang tinapik ko ang kanyang balikat at nagpababa. "Thank you," sabay naming saad. Napailing na lang ako at nagpaalam na sa kanya. Bumalik ako sa dinaanan ko kanina sa pag-aakalang nandoon pa ang bisita ni Caleb, ngunit laking gulat ko nang makita ko ito roon habang hawak-hawak ang kumot na ginamit ko. Madilim ang mukha nito at may hindi maipaliwanag na reaksyon habang nakatitig sa aking mukha. "Saan ka galing, Rabiya Sanchez?" mariin at seryoso niyang tanong. Nagdala rin ito nang ingay sa payapang gabi na iyon, maski ang mga insekto ay nahihiyang humuni dahil sa baritonong boses niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD