•Rabiya•
"Sir Caleb," mahina kong tawag sa pangalan. Nasa sala na kami ngayon at nakatayo ito sa harapan ko, nakalagay ang dalawang kamay sa kanyang bewang. He look like a handsome CEO boss that came out from a book, I shook my head when I realized what's running on my mind. "Kailangan ko po kasing puntahan ang inay—"
"Really?" seryoso niyang usal, habang lumalapit sa akin. Napalunok naman ako at lalayo na sana nang inilagay niya ang dalawang kamay sa sandalan ng sofa, at ikinulong ako roon. Ilang ulit akong napakurap dahil sa sobrang lapit naming dalawa, sa sobrang lapit ng mga mukha namin ay halos mabilang ko na ang mga buhok sa kanyang makapal na kilay. "Tapos habang patungo ka sa hospital ay nakita mo ang sasakyan ni Travis, kaya nilapitan mo siya. Ganoon ba iyon, Miss Sanchez?"
"Ha?" kinakabahan kong usal. Nakita niya ba kami kanina? Pasimple akong tumingin sa kanyang mukha para makita ang kanyang reaksyon, ngunit nang makita kong nakatitig ito sa akin ay kaagad akong nag-iwas ng tingin. "Sorry, tinawagan kasi ako ni Travis, hindi ko naman balak mag-sinungaling kaso natatakot ako sa'yo."
Napakagat-labi ako at tumingin na ulit sa kanya. Tatanggapin ko na lamang ang parusa nito, total kasalanan ko naman talaga ang nangyari. Malalim itong bumuntong-hininga at yumakap sa akin, hindi iyon mahigpit ngunit ramdam ko ang emosyon na nakapaloob doon.
"You should asked permission first, Rabiya. Ayaw ko sa lahat ay iyong umaalis nang hindi nagpapaalam. Ayaw kong maulit pa iyon." Mahina ang pagkakabigkas niya ng huling pangungusap pero narinig ko naman iyon.
Kumunot saglit ang aking noo ngunit isinawalang-bahala ko na lamang iyon, dahil wala naman akong karapatan para magtanong dito. Isa lamang akong slave rito, at kahit pagbaliktarin iyon alam ko na hindi iyon mataas na posisyon para pakialaman ko ang buhay ni Caleb.
"I'm sorry, hindi ko kasi nagawa kanina dahil may bisita ka na dumating." Tumango lang siya at hinila ako patungo sa itaas.
Pagkarating namin sa kwarto ko ay akala ko aangkinin na naman ako nito, ngunit nanatili lamang siya na nakayakap sa akin habang nakasiksik sa aking dibdib.
Napangiti ako sa ginawa nito lalo na at naaalala ko ang aking mga kapatid. Ganito sila maglambing sa akin lalo na kung gabi at walang ilaw.
"Matulog na tayo, Rabiya," mahina nitong usal. Ngumiti ako at tumango sa kanya kahit hindi naman niya ako nakikita. Sinuklay ko ang buhok nito gamit ang kanan kong kamay.
Mahina akong kumanta para mabilis itong makatulog, at ilang minuto nga lang ay narinig ko na ang malalim na paghinga nito.
"Gwapo ka sana, eh, babaero ka lang." Kinagat ko ang itaas kong labi para mapigilan ang aking tawa. "May makapagbabago pa kaya sa'yo, sir?"
Napailing ako sa mga ideyang pumapasok sa isipan ko. Hindi ko na problema ang tungkol sa lovelife nito, marami pa akong dapat intindihin sa buhay.
Nangangalay na ako sa bigat ng ulo nito kaya gumalaw ako para ayusin siya sa pagkakahiga, nang mas hinigpitan nito ang pagkakayakap sa aking bewang.
"Sir Caleb," saad ko, at pilit na tinatanggal ang kamay niya sa akin. "Saglit lang po—"
"H-hana," paungol niyang saad, ngunit naghahanap iyon nang pagtugon. "I'm sorry."
Nanlalaki ang mata ko nang maramdaman ang luhang pumatak sa aking dibdib. Umiiyak ba siya kahit tulog? Sino ang Hana na iyon? May kasalanan ba siya rito?
Hindi naman ito ang fiancee niya na sinasabi ng mga kasambahay 'di ba? Iba ang pangalan ng taong iyon.
"Sir Caleb, wake up. Nanaginip ka lang," saad ko at mahina siyang niyugyog, ngunit nanatili itong nakapikit.
"I won't let you go, Hana, not again." Mapait akong napangiti sa sinabi nito. Ramdam ko ang sakit sa binitiwan nitong salita. Hinaplos ko na lamang ang kanyang likuran para kumalma siya at makatulog nang maayos.
—
Naunang nagising sa akin si Caleb, wala na ito sa kama pagkagising ko. Bumangon na rin ako at dumeretso sa banyo para makaligo.
Pagbaba ko ay hindi ko na rin ito naabutan. Nakita ko si Nanay Son na naghahain at nginitian ako pagkapasok sa dining room.
"Good morning, hija. Hindi na kita ginising kanina dahil hindi ko alam kung anong oras ang pasukan mo." Tumango ako sa kanya at kumuha ng tubig sa loob ng ref.
"Si Sir Caleb po, Nanay Son?" tanong ko at inilibot ang aking paningin. Nang wala akong makitang presensya ni Caleb ay ibinalik ko ang tingin kay Nanay Sonya. "Nauna na po ba siyang umalis?"
Ngumiti siya sa akin sabay tango. "Umaalis ito para bisitahin si Miss Hana, at huwag mo na siyang hintayin ngayong gabi dahil mananatili ito roon."
Tumango ako sa sinabi nito, hindi ko maintindihan ang pagbilis nang t***k ng puso ko. Humugot ako nang malalim na hininga at kumain na.
"Pwede po ba akong magtanong sa inyo, nay?" Hindi naman sa pagiging tsismosa pero gusto ko lang malaman ang relasyon ng dalawa at baka makasakit ako ng ibang babae, dahil sumingit ako sa kanilang dalawa. "Pero huwag po kayong mag-alala, hindi ko po kayo pipilitin na sumagot."
"Ano iyon? Tungkol ba iyan kay Miss Hana?" Napalunok ako sa tanong ni Nanay Sonya at tumango rito. Ngumiti siya at tumingin sa malayo, may nakita akong lungkot na dumaan sa mga mata nito. "Kababata siya ni Sir Caleb, ngunit dahil sa isang trahedyang nangyari ay namatay ito."
Kinilabutan ako sa sinabi ni Nanay Sonya. Anong nangyari sa kay Hana? Anong trahedya ang ibig sabihin nito?
"Noong maglalabing-anim na taong gulang si Hana ay inaya ito ni Caleb na pumunta sa Hacienda Les Fajardos. Lupain iyon ng lolo at lola ni Hana, ngunit noong araw na iyon ay may isang taong nakawala galing sa kulungan at nakapasok sa Hacienda. Noong panahong iyon ay wala pang harang ang Hacienda." Malalim itong bumuntong-hininga at pinahid ang luhang tumulo sa kanyang mga mata. "Narinig ko kay Sir Caleb na bumalik daw si Hana sa mansyon, ngunit nang matagalan ito ay hinabol niya ang kababata at nakita na lang niya ito sa lupa at duguan."
Napalunok ako sa sinabi nito. Parang sasabog ang puso ko sa kwento ni Nanay Sonya. "Nahuli po ba ang pumatay kay Hana?"
"Sa dami nang saksak sa katawan nito ay nakuha doon ang DNA at finger prints ng suspek, ngunit simula nang araw na iyon ay unti-unti na ring nagbago si Sir Caleb," mahina niyang saad. Tumingin ito sa akin, nangungusap ang mga mata nitong hilam pa sa luha. "Huwag mo na sana itong i-kwento kay Caleb, hija, dahil nasasaktan pa rin iyon hanggang ngayon."
Tumango at hinawakan ang kanyang kamay. Hindi ko trabaho ang makialam sa buhay ni Caleb, ngunit mananatili na sa akin ang mapait na nakaraan nito.