TCS 13:

1018 Words
•Rabiya• Maaga akong nagtungo sa paaralan dahil wala na rin naman akong gagawin sa mansyon ni Caleb. Pero bago ako dumeretso ay nagpahatid muna ako sa hospital para bisitahin si nanay. Gusto kong ipaghanda mamayang gabi si Caleb ng dinner, para kahit papaano ay gumaan ang loob nito. Alam kong down ito ngayon dahil nga death anniversary ni Hana. "Manong, hintayin niyo lang po ako rito. Saglit lang po ako roon," tugon ko sa kanya. Tumango naman siya kaya mabilis na akong bumaba ng kotse. Pumunta muna ako sa receptionist dahil hindi ko naman alam kung ano ang room number ni nanay, at pang-ilang floor nakalagay ang kwartong inookupa nito. "Miss, anong room number atsaka floor po si Lina Sanchez?" tanong ko rito, nang makalapit na ako sa kanila. "For awhile, ma'am," sagot niya sa akin, at may tiningnan sa computer na nasa kanyang harapan. "Ah, nasa VIP room po si Ma'am Lina." Kumunot ang aking noo sa sinabi niya. Hindi ko aakalain na ilalagay ni Caleb si nanay sa isang VIP room, marami na itong naitulong sa akin kaya okay lang regular room na lang niya ito ilagay. "Anong floor po, miss?" Ibinaling nito ang kanyang tingin sa kanyang gilid kaya sinundan kaagad iyon ng aking mga mata. "Iyang elevator po na iyan ay para sa mga VIP patients po, ma'am. D'yan po kayo dumaan at nasa third floor po ang room ni Ma'am Lina. Pagkalabas po ninyo ay mayroong nakaharap na room sa elevator iyon po ang sa kanya," nakangiti nitong saad. Tumango ako at nagpasalamat sa kanya. Mabilis akong kumilos at pumunta na sa elevator, hanggang ngayon ay kinakabahan ako sa pagsakay sa mga ganito pero unti-unti ko na namang sinasanay ang aking sarili. — Kanina pa ako nakatayo sa may pintuan ng kwarto ni nanay. Ilang beses na rin akong napalunok dahil sa kabang aking nararamdaman. Nagbilang ako hanggang tatlo bago binuksan iyon. Maluwang ang buong kwarto, may glass table sa gitna na naglalaman ng flower vase na may pekeng bulaklak at mga magazine. "Nay," baling ko rito. Nakapikit pa ang mga mata nito pero alam ko naman na naririnig na niya ang sinasabi ko. "Binibisita lang po kita. Sandali lang po ako rito dahil may pasok pa po ako, nay. Pasensya na po kung hindi kita mabantayan, pangako ko po kapag natapos 'to ay nakapokus na po ulit sa inyo ang atensyon ko." Lumapit ako sa kama nito, lumuhod sa tabi ng kanyang kama, at hinawakan ang kanyang kamay. Dinala ko iyon sa ibabaw ng aking ulo at pumikit, nami-miss ko lang na gawin ito ni nanay sa akin. Kapag may problema ako dati palagi nitong sinusuklay ang buhok ko gamit ang mga kamay nito, at epektibo naman iyon dahil ilang sandali lang ay mawawala na kaagad ang bigat sa aking dibdib. "Huwag po kayong mag-alala sa mga kapatid ko. May nag-aalaga po sa kanila nang maayos," nakangiti kong saad. Hinalikan ko ang kamay nito bago hinaplos ang kanyang mukha. "Babalik po ako rito sa susunod na araw, nay. Sana magising na po kayo para makapag-usap na po tayo." Tumayo na ako at ginawaran siya nang mabilis na halik sa kanyang noo, bago nagtungo sa may pintuan. Pinahid ko ang luhang pumatak sa aking pisngi pagkalabas ko ng kwarto ni nanay. Mahina pa rin ako kahit anong gawin kong pagpapakatatag. Pilit akong ngumiti at nakayukong naglakad pabalik ng elevator, sinisipa ko pa ang daan kahit na parang nilagyan na ng oil ang daan. "Aray!" Napatingala ako sa taong nakabangga sa akin. Nanlalaki ang mata ko na tumingin kay Caleb na nasa harapan ko ngayon. "Bakit ka nandito?" seryosong tanong niya. "Binisita ko lang po si nanay. Babalik na rin po ako sa sasakyan, sir," mahina kong usal, dahil kinakabahan ako sa mga tingin nito. "Bakit po kayo nandito? Hindi ba at—" Kaagad kong tinakpan ang aking bibig nang maalala ko na hindi ko dapat sabihin sa kanya ang nasa utak ko ngayon. Pero bakit nga ba ito nandito sa hospital? Hindi ba at binibisita nito ngayon ang puntod ng kababata niya? Hindi ba dapat ay nasa Les Fajardos ito ngayon? "Ah, sir, kailangan ko na pong umalis may pasok pa po kasi ako." Naglakad na ako at lalagpasan ko na sana siya nang bigla niyang hinila ang aking kamay, at inilagay ako sa tabi niya. "May kailangan po kayo, Sir Caleb?" nanlalaki ang matang tanong ko sa kanya. Inilapit nito ang mukha sa akin at pinakatitigan ako nito sa aking mga mata. "Umiyak ka?" seryoso niyang tanong. Umiling ako sabay hawak sa aking pisngi. "Hindi po, sir, napuwing lang ako kanina—" Napatigil ako sa pagsasalita nang mas idinikit nito ang kanyang mukha sa akin. Amoy na amoy ko ang mabangong hininga nito at halos magdikit na ang labi naming dalawa. "Naduduling po ako, sir." Muntikan ko nang matampal ang noo ko dahil para akong iniipit dahil sa sobrang hina ng boses ko. Malakas naman na tumawa si Caleb at umayos sa pagkakatayo. Mas matangkad ito sa akin kaya mas madali nitong nailagay ang kanyang kamay sa ibabaw ng aking ulo. "Gusto kitang isilid sa bulsa ko," nakangisi niyang saad. Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. "Chop-chop?" Nakataas ang dalawang kilay na tanong ko sa kanya. Siya naman ngayon ang nakakunot-noong tumingin sa akin. "Bakit chop-chop?" naguguluhang tanong niya. Tumaas ang sulok ng aking labi dahil sa tanong niya, hindi yata kami nagkakaintindihang dalawa. "Sabi mo naman kasi isisilid mo ako sa bulsa mo?" nagda-dalawang isip na tanong ko sa kanya. Muli itong natawa at ginulo ang aking buhok na inayos ko na kanina. "It means, you're cute." Hindi ko siya maintindihan kaya ngumiti na lamang ako sa kanya. Ngayon ko lang naman kasi narinig ang mga banat na ganoon. Wala naman akong manliligaw dati kaya medyo inosente pa ako sa bagay na ito. "Sige na pumasok ka na at baka ma-late ka. May kakausapin lang ako rito." Tumango ako at nagpaalam sa kanya. Napabuntong-hininga ako nang makalayo na ako sa kanya, ngayon ko lang naisip na pinipigilan ko pala ang aking hininga habang kausap siya. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD