TCS 14:

1108 Words
•Rabiya• Katulad nga nang sinabi ni Caleb ay dumeretso na ako sa paaralan. Nagkasabay pa kami ni Chloe dahil na-late rin daw ito ng gising. "Rabiya, gusto mo bang manuod mamaya ng basketball game?" Hindi naman ako mahilig manuod ng basketball pero gusto kong sumama kay Chloe, para mas mapalapit pa ako rito. Gusto ko kasi magkaroon ng kahit isang kaibigan man lang. "Huwag kang mag-alala, Ibyang, alas-dos ay magsta-start na naman ang game kaya sa tingin ko ay hindi ka pa rin male-late sa pag-uwi dahil hanggang four lang naman iyon." "Wala bang pasok ngayon, Chloe?" nagtataka kong tanong. Hindi naman kasi ganito sa probinsya na kahit may mga palarong gaganapin ay may pasukan pa rin naman. "Ayaw ko kasing lumiban sa klase at baka bumaba iyong grades ko." Mabilis itong lumapit sa akin at inakbayan ako. "Hindi mo siguro alam pero may meeting ngayon ang mga faculty members para sa dating na founder's day. Sa susunod na linggo na iyon kaya medyo busy ang mga teacher," pagpapaliwanag nito. Tumango naman kaagad ako rito. Gusto kong umuwi nang maaga mamaya dahil inaalala ko si Caleb. Kaya mas okay na rin na hanggang alas-kwatro lang ang laro. "Hindi naman kasi ako sanay na manuod ng mga ganito—" "Huwag kang mag-alala dahil ang daming gwapo mamaya—" "Nasaan ang maraming gwapo, Miss Chloe?" Nakita ko ang paglaki ng mga mata niya habang nakatitig kay Soulle na nasa aming harapan. Kaagad ako nitong binitawan at sinabing magkikita na lang daw kami mamaya kapag ala-una na. Natatawa ko silang sinundan ng tingin dahil tumatakbo si Chloe habang si Soulle naman ay naiinis na sinundan ito habang may masungit na reaksyon sa mukha. Nang makalayo na sila sa akin ay pumasok na rin ako sa classroom ko. Sinalubong ako ng isa sa mga ka- klase ko sa subject na ito. "May kailangan ka?" tanong ko rito dahil palagi nitong hinaharangan ang daan ko. Nagdikit ang aking kilay nang inilahad nito ang kanyang kamay sa akin. "Anong ginagawa mo? May kailangan pa akong gawin kaysa rito kaya pwede ba na tumabi ka na d'yan?" "I'm sorry, miss, gusto ko lang naman magpakilala." Napaawang ang aking labi at tumango. "Ako nga pala si Donny." Ngumiti na ako at inabot nga ang kamay niyang nakalahad sa akin. Hindi naman kasi kaagad niya sinabi ang gusto niya kaya medyo naguguluhan ako, akala ko ay inaasar niya ako kasi baguhan ako rito. "Rabiya, pasensya ka na at nasungitan kita," mahina kong saad at tinanggal ang kamay ko sa pagkakahawak niya. Nilingon ko ang mga ka-kaklase namin sa subject na iyon na busy rin sa ginagawa nila. Hindi naman busy sa school works, kundi sa pakikipag-usap. Nagkibit-balikat ako at muling binalingan ng tingin si Donny. "May boyfriend ka na?" Hindi ko alam pero habang tinitigan ko ito ay pakiramdam ko ang totoy pa nito. Gwapo naman si Donny at may magandang katawan para sa mga college student, pero simula nang makasama ko si Caleb at Travis pakiramdam ko ay nag-iiba na iyong paningin ko sa mga ganito. "I have someone right now, Don," nakangiti kong sagot sa kanya. Tumango naman siya at hinila ako papunta sa may hulihang upuan. Kaagad akong tumigil sa paglalakad at hinila ang kamay ko palayo sa kanya. "Malabo kasi ang mga mata ko kaya ayaw kong maupo sa hulihan." Gusto kong makinig nang mabuti dahil gusto kong makapagtapos. Ayaw kong masira ang goal ko dahil lang sa mga bagong tao na nakapaligid sa akin. Napaatras ako nang lumapit sa akin at biglang kinurot ang aking pisngi. "You're interesting. I like you," bulong nito. Hindi na ako nakasagot nang biglang may humila sa akin palayo kay Donny. Nilingon ko ito at nakita si Soulle na nasa likuran ko na ngayon. "Donny, you need to back-off." Nakita ko ang pagkunot-noo ni Donny sabay tingin kay Soulle. "Kuya, naman! Pati ba naman kay Rabiya aagawan mo ako? Akala ko ba ay mahal mo si Chloe?" nagmamaktol na saad nito. Hindi ko alam na may kapatid pala si Soulle, ngunit ipinagkibit-balikat ko rin kaagad iyon dahil hindi ko pa naman sila kilala ng husto. Sumimangot pa ito na nakatingin sa aming dalawang ni Soulle. Lumapit naman dito ang huli at pinitik ang kanyang noo. May kalakasan yata iyon dahil namula ito kaagad, at hinawakan naman ni Donny iyon sabay tingin nang masama sa kuya niya. "Kung gusto mong mabutasan iyang noo gamit ang baril ni Caleb sige tumuloy ka." Nakita ko ang panlalaki ng mata ni Donny sabay sa akin na kinakabahan. Gumalaw ang kilay ko dahil sa reaksyon na ibinigay nito sa akin. Sinabi lang naman ni Soulle ang pangalan ni Caleb, pero bakit ganito na ito maka-react? "Sinaktan ka ba ng taong 'to, Miss Rabiya?" Inilingan ko naman siya at tiningnan si Donny na hindi pa rin makapaniwala na tumingin sa akin. Kumaway ako sa harapan nito para magising ang diwa niya na naging epektibo naman. "Bakit ka nakatulala d'yan?" taas-kilay kong tanong sa kanya. Kinakabahan naman siyang tumawa habang dahan-dahang lumayo sa akin. "May problema ka ba sa akin, Donny?" nagtataka kong tanong sa kanya. "H-ha? Hahaha ano ka ba! M-may ano kasi may naalala lang ako na gawin. See you later, Rabiya," nauutal niyang saad at tinungo ang pinakahulihang upuan na nasa kaliwang bintana. "Sigurado na po ako, Sir Soulle." Lumingon ako sa kanya at malapad na ngumiti. Siya naman ang nakakunot-noong tumingin sa akin at nagtatanong ang mga mata niya. "Anong sigurado ka na? Huwag mong sabihin na na-inlove ka sa kapatid—" Inilagay ko ang aking kanang kamay sa harapan niya para patigilin siya sa pagsasalita. "Sigurado na akong may sakit sa utak ang kapatid mong iyon," saad ko at ininguso si Donny na kanina pa sinusuklay ang kanyang buhok. Narinig ko naman ang malakas na tawa ni Soulle at ang paglingon ng mga kaklase ko sa amin. Mahihiya na sana ako ngunit pinandilatan lamang ito ni Soulle ng mga mata ay kaagad na itong tumingin sa malayo. Napailing ako at umupo na sa upuan nasa ikalawang row. Nagpaalam na rin naman si Soulle sa akin. Kukunin ko pa lang sana ang mga gagamitin kong libro nang mag-vibrate ang cellphone ko. "Should I worry about this picture?" Iyon ang nakalagay sa mensaheng ipinadala ni Caleb kasama ang litrato naming dalawa ni Donny na kinukurot ang pisngi ko. Natampal ko ang aking noo at tiningnan ang pintuang dinaanan ni Soulle. Nakahanap pa yata ng mga mata niya si Caleb dito sa school. Kung nalaman ko kaagad na gagawin niya ito ay tutuhurin ko talaga siya! Wala akong pakialam kung guro siya sa rito pahamak talaga siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD