John's POV Magdamag akong hindi nakatulog kakaisip kay Ayla. Hindi ko kasi matanggap na sa iisang kwarto lang silang natutulog ng pinsan kong si Vladimir. "Ako dapat 'yun. Ako dapat ang kasama niya ngayon dahil nauna ako sa kaniya." punong puno ng hinanakit ang puso ko ngayon. It's already f*****g 5 am in the morning ngunit hindi pa rin ako dinadalaw ng antok. Maraming bagay ang gumugulo sa isip ko, para na akong mababaliw nito. Ang daming 'what if's' sa puso't isipan ko. Sana ganito, sana ganiyan! "Tama. Kailangan kong kausapin si Vladimir." naisip kong puntahan si Vladimir sa kanilang kwarto upang sabihin ang nakaraan namin ni Ayla. Tiyak kong titiklop ang buntot niya kapag nalaman niyang pinagsawaan ko na ang kaniyang pinagmamalaking nobya. "Vlad!" sigaw ko sa labas ng kanilan

