AYLA'S POINT OF VIEW Hindi nakaligtas sa aking boyfriend ang aking paglalakad. "Babe, bakit ganiyan ka maglakad?" wika niya habang seryosong nakatingin sa aking paanan. Ewan ko, wala naman ito kanina noong nag-jogging ako tapos ngayon bigla na lang tumubo. Hindi naman ganoong kasakit ngunit parang may nana sa loob kaya siguro minsan ay kumikirot. "Ahh, eto ba? Wala ito." pagsisinungaling ko. "No. I think, masakit 'yan kaya ganyan ka maglakad." seryosong wika niya sa akin. Dahil ayokong mag-alala pa siya ay pilit akong naglakad ng diretso para magpakitang gilas. "Aww!" daing ko sabay mariin akong napapikit. "See, hindi ka okay!" Agad siyang lumapit sa akin at lumuhod. Siya mismo ang naghubad ng suot kong stockings upang makita niya kung ano ang iniinda ko. "Mukhang pigsan 'yan a

